The Final chapter before Epilogue. :)
Chapter 65
I giggled when he made me turn around and my hands automatically held his shoulders. Kusang dumausdos ang mga kamay niya sa bewang ko at mataman akong tinitigan sa mga mata.
The fresh afternoon wind of San Vicente was blowing our hair sideways. Ang amoy ng dagat, ang huni ng mga ibon, ang kalmadong ragasa ng mga alon at ang sikat ng papalubog na araw na marahang tumatama sa balat namin ang siyang saksi sa panibagong yugto ng buhay naming dalawa bilang mag asawa.
“I won’t get tired seeing your smile every minute...” he said, his eyes were a bit narrowed from the sunlight that’s hitting him.
“Ako rin. Gustong gusto ko kapag ngumingiti ka. Your dimples were the first thing I notice the moment I met you.”
Ngumisi siya. At kahit palaging nakikita, pakiramdam ko ay hindi pa rin ako nasasanay sa kagwapuhang taglay niya sa tuwing lilitaw ang magkabilaang biloy sa kaniyang pisngi.
“Did you already find me handsome on that first day we met?”
Natawa ako. “You know complimenting others isn’t my forte but to answer your question... Yes. I really found you handsome. The typical playboy look.”
“I ain’t a playboy.”
Hinaplos ko ang pisngi niya at ngumiti. “You were. But you changed when you met me.”
He chuckled. “My baby is being conceited now, huh?”
“I’m just telling the truth!”
Parehas kaming natawa hanggang sa unti-unti maging seryoso. Nakuntento kaming pinagmamasdan ang isa’t isa na para bang ngayon lang kami nagkita matapos ang napakahabang panahon.
Hellios fulfilled his promise that after all the mess that happened around us, he will marry me again. Natapos ang lahat ng gulo at sigalot. Pinakasalan niya akong muli kasama ang mga mahal namin sa buhay. It’s as special as the first time we got married in Tagaytay. Iyong kaming dalawa lang at si Raphael.
Totoo nga ang sabi nila. Kapag mahal mo ang isang tao, kahit saang simbahan, kahit ilang beses na magpakasal ay hindi ka magsasawa. Paulit ulit mo pa rin mararamdaman ang kaba, saya at pananabik sa puso n’yo dahil alam n’yong mahal n’yo ang isa’t isa.
I’m happy that he chose San Vicente to be our honeymoon destination. Sa rest house niya... kung saan sinabi niyang napapagod na siyang habulin ako pero heto kami at magkayakap... muling pinagtibay ng Panginoon.
“I was in denial about my feelings for you. Back then in Brooklyn, I would always watch you speaking on the online mass even though I hate what you were talking about,” he chuckled as if those memories were really funny for him. “Sinabi kong hindi ako magkakagusto sa’yo... dahil sa paniniwalang mayroon ka pagdating sa relihiyon pero natagpuan ko na lang ang sarili na gusto kang nakikita palagi.”
Kung tama ako ng pagkakaalala ay nabanggit niya sa akin na nanatili siya ng Brooklyn noon kasama si Thalia. At nang bumalik siya ay doon na nagsimula ang lahat sa aming dalawa.
“It was hard to fight with your own heart. That’s what I realized in my journey of falling for you. Gaano ko man sabihin sa sarili ko na hindi kita gusto, ako mismo ay hindi ‘yon napanindigan. Your beauty caught me. The way you talk, the way you smile and the way you look at me... those are some of the reasons why I easily told myself that you are the one.”
Ngumiti ako, hindi mapigilan ang mga luha mula sa pag ahon sa mga mata ko. Tumungo ako, huminga nang malalim at muling nag angat ng tingin sa kaniya. He smiled when he saw the tears pooling at the corners of my eyes.
“Unang hawak ko pa lang sa’yo, ayaw na kaagad kitang bitawan. I made a promise to myself that I would do anything for you to like me back then. Kasi hindi puwedeng sa ating dalawa, ako lang ang patay na patay sa’yo.”
Natawa ako. He chuckled too and removed some of the strands of my hair that was being blown by the wind.
“Thank you for loving me, Chloe. For sharing the rest of your life with me. And for giving me an amazing daughter,” he cupped my cheek and caressed it with his thumb. “You are the brightest diamond in this world full of rocks...” he crouched a bit and placed a gentle kiss on my lips before resting his forehead against mine as he stared into my eyes. “And I intend to love you even if you have already lost your shine.”
Tuluyan nang humulagpos ang mga luha mula sa mga mata ko. Kusa kong ipinulupot ang mga kamay sa leeg niya at niyakap siya. Isinubsob ko ang mukha sa gilid ng kaniyang leeg at tahimik na umiyak.
They say that falling in love with someone you had no intentions on falling for, is the most beautiful kind of love.
The very first time I saw Hellios busy texting inside the church, I didn’t expect that the dearest Lord would hold a future for the both of us.
Wala pa sa isip ko no’n ang pakikipagrelasyon dahil tanging sa pamilya ko lang ako nakatuon. Kaya naman ng paulit ulit kaming pagtagpuin ng tadhana, hindi ko naiwasan ang itanong sa isip ko kung ano ang magiging papel niya sa buhay ko.
Bagong kakilala? Kaibigan? Wala lang? Lahat ng ‘yon ay inisip ko pero hindi kailanman ang maging karelasyon siya.
He was an Atheist. He didn’t belive in God. We had different beliefs about religions and he was the best example of a devil in disguise. I was wondering why the two of us who have opposite personalities had to cross paths and meet each other.
Kailangan ko ba siyang baguhin? Ako ba ang napiling instrumento ng Diyos para baguhin siya at itama ang kung ano mang maling paniniwala niya?
Ang dami kong katanungan sa isip, at habang lumilipas ang panahon at unti-unti ko siyang nakilala, naisip ko na wala na pala akong dapat na baguhin pa sa kaniya.
He is perfect just how God exactly made him. He may have the most sinful nickname I have ever known but his soul was the opposite. He always tells me that I am an angel that’s sent from above but he was wrong.
“I love you so much, Chloe.”
He is the angel... and I found heaven in his arms. Literally My Heaven in Hell.
— The End —
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Ficção GeralShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.