MHIH 55

41K 1.3K 150
                                    

Chapter 55 ✨

There are some people who can stay in a relationship even if they are already hurting. The question is how and why?

Sa sitwasyon ko ngayon na pinagtaksilan ng kaisa isang lalaki na minahal ko, hindi ko makita ang dahilan para manatili pa kahit gaano ko siya kamahal. It just like I am choosing to invalidate my pain by staying with him.

I don’t want that.

Ayaw kong manatili sa isang relasyon dahil lang ‘yon ang sinasabi ng puso ko. I don’t want to stay in our marriage just because we started out perfect. No matter how he denied that he’s not the father of Hannah’s child, it has been proven by the DNA test.

Wala na siyang magagawa doon.

Hinahaplos ko ang pisngi ni Embry habang masuyo siyang inihehele. It has been two days since I gave birth and I can say that nothing beats to the feeling of finally holding your child after of the painful process of giving birth.

“I need you before I'm too old. To have and to hold. To walk with you and watch you grow and know that you're blessed...” I sang that song while staring at my sleeping daughter.

Bumukas ang pintuan. Hindi na ako nag abala pang tingnan kung sino ‘yon dahil nasisiguro ko na siya lang naman ang papasok doon.

Nagpatuloy ako sa pagkanta at umastang baliwala ang presensya niya. Nakarinig ako ng kalansing na nagpahinto sa mahinang pagkanta ko. Nilingon ko ang direksyon niya, patagilid ngunit hindi siya tinitingnan sa mga mata.

“Please don’t make too much noise. Magigising ang anak ko.”

“Anak natin...” sagot niya. “Hindi porque naniniwala kang nagkaroon ako ng kasalanan sa’yo ay tatanggalan mo na ako ng karapatan sa anak natin.”

Tahimik akong ngumiti at ibinalik muli ang atensyon kay Embry.

“Why don’t you just say that you really did it? Na hindi paniniwala ko lang? Mas madali ‘yon, Hellios. Mahirap panindigan ang isang kasinungalingan na harap harapan nang may ebidensya.”

“How many times do I have to tell you that I didn’t cheat on you-”

“Pruweba ang kailangan ko, Hellios. Hindi puro salita mo lang,” putol ko sa kaniya. “If you don’t have anything else to say, just please be quiet. Magigising ang bata.”

Huminga siya nang malalim.

“Ako na ang bahala sa kaniya. You should take a rest. Wala ka pang masiyadong tulog simula kagabi-”

“No, I’m fine. Gusto kong ako ang mag-aalaga sa bata.” sagot ko habang patuloy pa rin sa paghele kay Embry.

Buti pa ang mga sanggol, madali silang makagawa ng tulog kahit anong ingay. I wish to be like them. Iyong sa kabila ng mga problema ay makakatulog pa rin ako nang maayos. But then, that’s not the case for us. For me.

Inaakala niya na pag-aalaga kay Embry kaya ako napupuyat sa gabi. Ang hindi niya alam ay paulit ulit akong dinadalaw ng katotohanang sira na ang pagsasama naming dalawa.

“You are not letting me hold our daughter for a long time-”

“Is it required? Nahahawakan mo pa rin naman siya.”

“Pero hindi mo hinahayaang magtagal. You think I didn’t notice that you are slowly moving me out of her life?”

Hindi ako sumagot. Tama siya. Hangga’t maaari ay ayaw kong palagi ipinapahawak sa kaniya ang anak namin. Masiyado akong galit. Masiyado akong nasasaktan at pakiramdam ko ay dumating na kaagad ako sa puntong maging ako ay palaging kinukwestyon na ang sarili kung hindi ba ako naging sapat. I hate how he suddenly made me question my worth as a person... as a woman... and as his wife.

Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon