Tunog ng mga yabag ng sapatos nina Mama at Papa ang nakapagpaangat ng tingin ko mula sa hawak na bibliya. Isinarado ko ito at maingat na ipinatong sa ibabaw ng center table. Tumayo at sinalubong sina Papa.
“Ang bilin ko sa’yo, Chloe, ha? Huwag mong hahayaan manood ang kapatid mo ng kahit ano sa telebisyon. Hindi ko man kayo nakikita, nariyan naman ang Diyos. Matakot kayo.”
Tahimik akong huminga ng malalim bago inabot ang isang bag mula sa kaniya. Sumabay ako ng paglalakad sa kanila bago pasimpleng tumingin kay Mama. She only smiled at me.
Kung sakaling manood si Raphael ng palabas na gusto niya, hindi naman siguro magagalit ang Diyos dahil hinayaan ko ang kapatid ko. Wala namang masama roon. Kung mayroon akong magiging kasalanan, iyon ay ang magsisinungaling ako kina Papa at pagtatakpan si Raphael.
I’ll cover him as much as I know that his intentions are clean and he won’t do anything bad.
“Naiintindihan ko po, Pa. Babantayan ko po maigi ang kapatid ko.”
“I’ll call you from time to time. Maging mabait kayo dito, Chloe.”
“Opo.”
They’re bound to Pangasinan for a three day seminar. Kasama nila doon ang ilang miyembro ng simbahan sa iba’t ibang lugar. Kasama rin dapat ako kaya lang ay may pasok pa sa eskwelahan si Raphael at hindi puwedeng lumiban.
“Mag-ingay kayo rito ng kapatid mo, Chloe. Huwag kayong basta magpapapasok ng tao lalo na at hindi n’yo kilala. Maliwanag ba?” Si Mama naman ngayon.
Tumango ako. “Ingat rin po kayo sa biyahe, Ma.”
Niyakap ko siya bilang pagpapaalam na rin. Pagkalagay ng gamit sa loob ng sasakyan ay kumaway pa ako sa kanila hanggang sa tuluyan na nilang lisaning ang garahe.
Isinara ko ang gate at pumasok sa loob ng bahay. Ako lang mag-isa kaya naman buong maghapon akong gagawa ng mga rosary bracelets. Ipo-post ko pa ito sa Instagram para naman makarami ulit ako ng order.
“Ang saya naman, ate. Wala sina papa. Ibig sabihin ay puwede akong manood ng mga pelikula sa Netflix.”
Nginitian ko ang kapatid na halata ang tuwa sa mukha habang nasa hapunan kami kinagabihan. Alam kong hindi siya dapat natutuwa na wala ang mga magulang namin pero naiintindihan ko siya. This is the result of them being hard and strict on him.
Mabuti na lang talaga at hindi siya nagrerebelde.
“Puwede naman basta alam mo ang limitasyon mo, Raphael. Hindi porque hinahayaan kita at susuwayin mo na ang mga magulang namin. Gusto ko lang na maranasan mo kahit papaano ang mamuhay bilang isang teen ager.”
“Thanks, ate. Sa totoo lang ay hindi rin talaga ako nakakasabay sa mga kaklase ko sa tuwing may pinaguusapan sila. Wala rin naman kasi akong alam.” Natawa siya bago kinagat ang isang slice ng spam.
Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kaniya o ano. Ayokong lumalabas na ignorante ang kapatid ko sa harap ng ibang tao bilang ganoon ako pinalaki nina Papa. I don't know anything much in the outside world. I'm curious but I can control myself.
Paano si Raph? Makakaya niya rin kayang pigilan ang sarili niya sa mga temptasyon?
Kinabukasan ay maaga akong nagising para ipagluto ng agahan si Raphael. Maaga ang pasok niya at hindi niya gusto na nahuhuli sa klase.
“Kumusta kayong magkapatid diyan? Is everything alright?” Si Papa habang naghahain ako ng mga pinggan sa mesa.
Nakaipit ang cellphone sa pagitan ng balikat at tainga, nagsalin ako ng juice sa baso ni Raphael.
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Ficção GeralShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.