MHIH 25

48.2K 1.8K 691
                                    

My… girl?

Tama ba ako ng narinig sa itinawag niya sa akin? Why would he call me that way? Kabastusan man at mali pero nakaramdam ako ng pangingilabot sa paraan ng pagtawag niya sa akin.

“With all due respect, Mr. Dimitri, but I’m not your girl po. Wala rin po ako makitang dahilan para sadyain n’yo ako dito. We don’t have business to take care as far as I’m concerned.”

Ngumisi siya. Sa paraan ng ngisi niya ay gusto kong isara na ang pinto at magtago sa sarili kong kwarto. It’s somehow creepy.

“Fierce. I like that. Hindi lang nabanggit sa akin ni Arvin na may ganiyan kang personalidad. But then, it’s no big deal.”

Hindi ako sumagot. Bakit ba parang tila parati akong nababanggit sa kaniya ni Papa? At ano naman sa kaniya kung may ganito akong pag-uugali? What is it to him if I am being like this?

“Won’t you let me come in and offer me a cup of coffee? I believe that’s the proper way to entertain a visitor.”

Labag man sa kalooban ay bahagya kong niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan. Ngumiti siya sa akin at inihakbang ang mga paa papasok. Nilampasan niya ako. Dumaan sa pang-amoy ko ang pabango niya na medyo masakit sa ilong.

Huminga ako nang malalim at hinayaang bukas ang pintuan. I didn’t lock it anymore. Hindi ko alam kung bakit pero mabigat ang pakiramdam ko na narito siya lalo pa sa kaalaman na wala dito sina Papa.

“I’m sorry but I won’t be able to entertain you. I have things to do. Ipagtitimpla ko po muna kayo ng kape.”

Agad akong tumalikod pagkasabi no’n. My heart was pounding so fast as I ambled towards the kitchen. Habang naghahanda ng kape, lumitaw si Raphael at kumuha ng baso.

“Why is that old man here again, ate?” tanong niya sa mahinang boses habang nagsasalin ng tubig.

“I have the same question, Raph. Sinabi ko na wala dito sina Papa pero ako daw ang ipinunta niya dito.”

Mabilis na kumunot ang noo niya. “Bakit ikaw?!”

Nagkabit-balikat ako. “Sinabi ko na hindi ko siya maaasikaso dahil abala ako sa mga ginagawang bracelets. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ako hindi magmumukhang bastos sa harapan niya pero ayaw ko talaga siyang harapin.”

Hindi nakasagot si Raph, marahil nag-iisip habang nakatungo.

“Dadalhin ko na muna ito sa kaniya. Continue doing your homework. Babalik na rin ako sa kwarto pagkatapos.”

Alanganin niya akong tiningnan. “Please be careful, ate.”

Tumango ako. Nahihimigan ko ang pangamba at matinding pag-aalala kay Raphael para sa akin. Ako man ay kinakabahan rin ngayon na haharapin ko na naman si Mr. Dimitri.

Nadatnan ko siyang iginagala ang paningin sa buong sala. Nang matanaw ako ay muli siyang ngumiti. I didn’t smile back. I placed the cup of coffee over the center table instead.

“Papasok na po ako sa kwarto ko—”

“Stay here for a little while, hija. Hindi ka ba nakukunsensiya na mag-isa lang ako dito?”

Tumayo ako sa harapan niya at huminga nang malalim.

“If I’d stay here po, wala rin naman po tayong pag-uusapan. Pasensiya na po pero may mas importante po ako na kailangan gawin.”

Tumalikod na ako. Nakakailang hakbang pa lang pero narinig ko na ang bahaw na tawa niya na tila nang-iinsulto.

“Are you saying that I am not important? Just so you know my dear, if it’s not because of me, your business would be down to bankruptcy right now. Show some gratefulness, can’t you?”

Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon