Ang sabi nila, hindi magandang ugaliin ang pagseselos lalo na at nasa loob ng isang relasyon. Ayoko rin naman. Hindi maganda sa pakiramdam lalo na at isang beses ko nang naranasan.
Pero mahirap iwasan, ang hirap pigilan. Kusa mo na lang mararamdaman at wala ka magagawa kung hindi ang hilingin na sana ay mawala na ito.
“See you tomorrow then! Excited na ako. I had a little conversation with Lola Carmina last night. Ang sabi ko ay ngayon na ako mamimili ng condo ko.” malawak ang ngiti na sabi ni Hannah.
Nasa entrada pa rin kami ng kwarto kung saan naroon ang mga servants. Tahimik lang ako, hawak pa rin ni Hellios ang aking kamay.
“You will surely make a decision tomorrow.” sagot ni Hellios habang nakatingin pa rin kay Hannah.
“For sure! Ilang araw mo na rin akong sinasamahan. Actually all of your condominiums are great! I just want to choose the best.”
Pasimple akong huminga nang malalim at maingat na tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Hellios. He suddenly looked at me with furrowed brows and grabbed my hand again.
“What’s wrong?” he asked.
I glanced at Hannah and she was looking at our intertwined hands. Nag-angat rin siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin. She smiled at me. Pinilit kong ngumiti pabalik.
“Kakausapin ko lang sila sa loob. Hintayin mo na lang ako dito.” sabi ko kay Hellios nang tingnan siyang muli.
“You don’t want me to come with you?”
“Hindi na. Ayos lang ako. Isa pa, may mga pinag-uusapan pa kayo ni Hannah. Sandali lang rin ako.”
Muli kong binawi ang kamay sa kaniya at tumalikod na. Bago tuluyang pumasok sa loob ay nilingon ko pa sila ulit. Hellios was looking at me… habang si Hannah, nakatitig sa kaniya.
I tried to remove the negative feeling swimming in my heart. Baka hindi lang ako sanay. Pero dapat ay naiintindihan ko kung may kinakausap siyang iba kaya lang ay bakit pagdating kay Hannah, nahihirapan akong gawin ‘yon?
At saka, bakit masakit sa pakiramdam ko na hindi nasabi sa akin ni Hellios ang tungkol sa pagsama niya kay Hannah? I know it’s not required to tell me everything but…
I sighed and shut my eyes tight. Kinalma ko ang sarili bago humarap sa mga nakakataas. They were all smiling at me. Sa paraan ng ngiti nila, nasisiguro ko na wala pa silang nalalaman na tungkol sa akin. Marahil ay hindi naman nabanggit nina Papa. Kapag sinabi nila ang nangyari sa amin, sila rin ang mapapasama.
I told them about my humble request. Pumayag naman sila at kaagad raw na ipapaalam sa mas nakakataas. Hindi ko alam kung bakit nakahinga ako nang maayos nang wala silang masiyadong naging tanong.
“I hope you won’t mind me asking you this, Chloe, but are you and your family are having a problem?” si Mrs. Lorena, isa sa mga commentator rin at malapit sa akin.
Akala ko ay wala nang magtatanong sa akin no’n. Hindi ko alam ang dapat na isagot. Ayokong sabihin ang totoo dahil ayokong mapasama ang mga magulang ko.
“Nagpaalam ang Papa at Mama mo na hindi na rin sila mag-seserbisyo dito. At ngayon ay magpapalipat ka ng parokya. Sana ay ayos lang ang lahat, hija.”
Bagamat nag-aalala, ramdam ko ang kuryosidad sa tono ng boses niya. Imbes na pahabain ang usapan ay ngumiti lang ako at umiling.
“Wala po kaming problema. Busy lang po sina Papa sa negosyo namin kaya hindi na nakakapagbigay serbisyo dito.”
“Naku, huwag naman sana ganoon. Sana ay magkaroon pa rin ng oras sa Diyos sa kabila ng pagiging abala sa mga negosyo dahil lahat ng mayroon tayo ay galing sa kaniya.”
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Ficção GeralShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.