Halos hindi ko na makita pa ang dinadaanan ko dahil sa mga luhang nakaharang sa mga mata ko. Just before I could totally get out of our gate, I felt a tight hold on my waist that made me stop from running.
Nang humarap ako ay si Hellios ang bumungad sa akin. Mabilis kong iniangkla ang mga kamay ko paikot sa leeg niya at niyakap siya. I sobbed against his chest as he put his other hand on my waist and embraced me comfortingly.
“Calm down. I’m here. No one’s gonna harm you, Chloe. Hindi ka nila magagawang saktan hangga’t narito ako.”
Umiling ako. “Hindi ko magawang tanggapin na sariling mga magulang ko pa mismo ang maglulugmok sa akin sa ganitong sitwasyon, Hellios. I’ve been nothing but a good daughter. Lahat ng gusto nila ay sinunod ko. Saan ako nagkulang?”
He kissed my head and hugged me even more tight. “You are more than enough. Huwag mong isipin na ikaw ang mali, na ikaw ang nagkulang. Things just didn’t fall into their right places.”
I shook my head and continued sobbing. Pakiramdam ko ay walang kahit na anong salita ang makakapagpakalma sa akin. Wala nang mas sasakit pa kapag sarili mong mga magulang ang nangloko sa’yo.
Dinala ako ni Hellios sa loob ng kotse niya. We were both sitting on the backseat. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang nakasandal sa dibdib niya. He was caressing my back, his other hand was on my cheek.
“How did you know? Why are you here, Hellios?” I asked through my silent tears.
“Raphael called me. Sinabi niya sa akin na nasa bahay n’yo ang matandang ‘yon at ikaw lang ang kasama. I was in the middle of the meeting when I received his call. I left the board members without saying goodbye. It doesn’t matter. My girl needs me.”
“Thank you. Thank you for saving me. Hindi ko alam kung sa paanong paraan kita mapapasalamatan, Hellios. I’m just worrying. You gave Mr. Dimitri too much money.”
“Money is not an issue here. Ang importante sa akin ay ang hindi ka magalaw ng matandang ‘yon. I will do everything in my power to bring him down. I’m not yet done with him.”
Hindi na ako umangal pa sa kabila ng takot na baka kung ano ang magawa niya kay Mr. Dimitri. Palagi kong iniisip na kapag may kasalanan ang isang tao, ipagpasa-Diyos na lang at huwag nang gumanti pa. Pero iba pala ang pakiramdam kapag ikaw na mismo ang naagrabyado.
“Hellios…” mahina ang boses na tawag ko sa kaniya.
“Hmm?”
“I want to move out of our house. Isasama ko si Raphael at bubukod na. Can you help me find a house? Iyong mura lang sana na puwede naming rentahan.”
He slightly broke out of our hug and looked at me in the eyes. He looked surprised. Salubong ang mga kilay niya at tila iniintindi pa mabuti ang mga sinabi ko.
“Aalis ka na rito?” ulit niya sa sinabi ko.
Bumuntonghininga ako at tumungo. Mahal ko ang mga magulang ko pero sa tingin ko ay hindi ko na magagawa pang pakisamahan sila sa iisang bubong matapos ang ginawa nila sa akin. To be honest, I feel like my life will be in danger whenever I’m with them. Kami ng kapatid ko.
“Oo. Isasama ko si Raph. May naipon ako mula sa pagbebenta ng mga bracelet. It will help us to start over. Kahit maliit na apartment lang ay puwede-”
“You can live with me. Kayo ni Raphael, puwede kayong tumira sa penthouse. Puwede rin sa bahay kaya lang ay mas madalas ako sa penthouse. It’s up to you.”
Umiling ako. “No. You already helped me too much. Hindi mo na kami kailangan patirahin sa’yo-”
“I insist, Chloe. I can’t let you and Raph live somewhere else. I would feel at ease if I get to see you everyday. At lease I know you will be safe in my watch.”
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Fiksi UmumShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.