Hindi ako nakaramdam ng kahit na kaunting pagsisisi na sinagot ko si Hellios nung gabing ‘yon. I even thought that it’s the best decision I have ever made. Masaya ako. At sa tingin ko, mas dodoble ang kasayahang nararamdaman ko oras na sabihin ko na kina Papa ang tungkol sa amin.
“Taste this one. Bagong recipe ito ng chef namin. Baka magustuhan mo.” sabi ko at inilatag ang steak sa mesa niya bago naupo sa harapan niya.
Tanghali at nasa restaurant ako. Tumawag sa akin si Hellios at sinabing sabay kaming kumain ng tanghalian. Pumayag ako dahil wala rin naman akong ginagawa sa opisina.
“I went here to have lunch with you. Hindi dapat ikaw ang nagsisilbi sa akin.” busangot na litanya niya habang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako bago pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa.
“Wala namang masama kung pagsisilbihan kita. Kapag naging tayo hanggang sa huli at napang-asawa na kita, gagawin ko rin ito sa’yo.”
Mula sa pagkakasimangot ay mabilis na umusbong ang ngisi sa labi niya. I laughed when I saw how much he’s trying to suppress it but the smile still came anyway.
“Already seeing your future with me?” he taunted.
“Hindi biro o isang laro ang pakikipagrelasyon, Hellios. When I decided to be in a relationship with you, I meant forever. Pero madami pang puwedeng mangyari—”
“At sisiguraduhin kong tayo pa rin hanggang sa huli.”
Natigilan ako, titig na titig sa kaniya na seryoso rin nakatingin sa akin. I always believe that when someone say something while they’re looking straight into your eyes, they mean nothing but sincerity.
Habang sinasabi ni Hellios ang mga katagang ‘yon, wala akong ibang nararamdaman kung hindi ang sinseridad sa puso niya. Gusto ko man ngumiti ng todo sa kilig at tuwa na nararamdaman ay hindi ko magawa. Baka asarin niya lang ako.
“Kumain ka na.”
Humalakhak siya. “Sudden change of topic?”
Ngumuso ako. “Baka kung saan pa mapunta ang usapan natin. Nasa pag-aasawa na kaagad tayo gayong hindi pa nga kita naipapakilala sa mga magulang ko.”
“I’m always ready for that, Chloe.”
Tumango ako at ibinagsak sa mga pagkain ang tingin.
“Next week siguro ay puwede na kitang ipakilala sa kanila. Hahanap lang ako ng tiyempo, ayos lang ba?”
“I’m fine whenever you’re comfortable to introduce me. Ako na muna ang magpapakilala sa’yo kina Mama at tungkol sa relasyon natin.”
Tumunghay ako at ngumiti sa kaniya. “Ano kaya ang magiging reaksyon ng mama mo?”
“She’d probably get happy. Maging si lola ay siguradong matutuwa. It’s very obvious that they both like you.”
Siguro nga. Kahit pa hindi kami magkilala ng personal, siguradong hindi ako mahihirapan na pakisamahan sila dahil literal na mababait sila. Lalo na si Lola Carmina.
“Hello, Chloe!”
Mabilis akong lumingon sa likod nang marinig ang tawag na ‘yon. My forehead slightly crumpled when I saw a very familiar group of men. Sila ‘yong kaibigan ni Papa na palagi nilang hinahanap sa tuwing nagagawa sila dito.
“Mr. Dimitri,” tawag ko sa lalaking nasa gitna parati. Sa ilang beses na pagpunta niya dito ay nagawa niya nang ipakilala ang sarili sa akin.
He and his group walked towards me. Hindi gaya nung una, wala siyang suot na sunglasses ngayon. His eyes were behind me. Nilingon ko ang tinitingnan niya. Hellios was staring dark at them,
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Fiksi UmumShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.