Chapter 54
Hinanda ko naman na ang sarili ko na maaaring positibong si Hellios ang ama ng batang dinadala ni Hannah. Pero ngayong harap harapan na mismong sinabi ni Mama Empress ang katotohanan, hindi ko magawang tanggapin. Para akong sasabog. Para akong paulit ulit na sinaksak.
“Mama, basahin n’yo po ulit. Baka po n-nagkakamali lang kayo.” basag ang boses na sabi ko habang ang mga kamay ay nanginginig.
Umiling ako nang paulit ulit saka binalingan si Hellios. Nakatungo siya, mariing nakapikit habang magkasalikop ang mga kamay. Hinawakan ko siya sa braso, ang luha ay walang tigil sa pagbuhos mula sa mga mata ko.
“Hellios, hindi mo ginawa, hindi ba? Hindi mo ako niloko. Hindi mo ako pinagtaksilan. That baby… that’s not yours, right? The result is a mistake. You should take another test again-”
“DNA test could never go wrong, Chloe. Kung ano ang resulta iyon ang totoo-”
“Shut up!” I yelled at her.
Tumayo ako at malalaki ang hakbang na nagtungo sa gawi niya. Narinig ko ang tawag ni Mama Empress pero hindi ko siya pinansin. Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa pinaghalo-halong emosyon sa dibdib ko. Nothing beats the feeling of being betrayed. By the man you truly love, more so.
“Anong klaseng tao ka? Alam mong may asawa na si Hellios pero pinatulan mo pa rin-”
“What can I do? It was him who asked me to do it. I didn’t initiate the first move!” she laughed with sarcasm that fueled the anger in me.
“I don’t believe you! He would never cheat on me! I’m sure that the DNA result is fake! Hindi ako magagawang lokohin ng asawa ko!”
Nilingon ko si Hellios na nananatiling nakayuko habang nakakuyom ang mga kamao. Nanglalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha na hindi ko na maawat pa sa pag-alpas.
“Hellios…” tuluyan nang pumiyok ang boses ko nang tawagin siya. He lifted his eyes to look at me. They were bloodshot and tearful, jaw clenching hard. “Nagsisinungaling lang siya, hindi ba? Walang nangyari sa inyo noon. You were drugged-”
“I didn’t drug him. I am not that desperate to steal your husband.” sabat ni Hannah.
Walang naging kibo si Hellios. Nag iwas siya ng tingin sa akin na mas lalong nagpalakas ng hagulgol ko. Tumungo ako, unti-unting napaupo sa sahig.
“Please leave, Hannah. I’ll talk to you soon.” dinig kong sabi ni Mama Empress na hindi ko na nagawa pang pagtuunan ng atensyon.
Walang habas ang pag-iyak ko, pilit tinatanong ang sarili kung saan ako nagkulang. Saan ako nagkamali? Ano ang hindi ko nagawa para sa kaniya para lokohin niya ako ng ganito? I have been a good wife to him. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na kailangan ko maging mabuting asawa at masuklian man lang ang kabutihan niya sa akin.
I always thought that he’s too good for me. That I don’t deserve him. Ni minsan ay hindi ko inakala o inisip na maaari niyang gawin ang ganitong pagtataksil sa akin dahil hindi niya naman ugali ang makipaglaro.
We seldom fight. We rarely get mad at each other. What made him fool me? Anong naging pagkukulang ko para lokohin niya ako nang ganito?
“Bakit mo nagawa sa akin ito?” mahina ang boses ko nang itanong ‘yon, ang mga kamay ay nakatuon sa sahig habang ang luha ay sunod-sunod sa pagpatak doon. “Ang sabi mo ay hindi mo ginawa, ‘di ba? Sabi mo ay hindi mo ako niloko-”
“I did not. Wala akong matandaang niloko kita.”
Pumikit ako nang mariin, mas lalong tumindi ang naging hagulgol. Hindi pa rin siya umaamin kahit na nasa harapan na namin ang katotohanan.
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Fiksi UmumShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.