MHIH 11

57.3K 2.1K 176
                                    

Kagaya ng inaasahan, galit na galit si Papa nang madaling araw na kami umuwi ni Raphael sa bahay. Tulog pa sila nang dumating kami at nang maabutan sa sala ay masasabi kong medyo kalmado na siya nang kausapin kami. He apologized for hurting me physically. Maging kami ni Raphael ay humingi rin naman ng tawad sa kaniya dahil alam namin ang pagkakamali kami.

He asked us where we stayed during the whole night. Ang sabi namin ay sa kaklase lang ni Raphael. We can't let him know that we stayed in Hellios' place. Hindi niya 'yon kilala at maaari niya pang pag-isipan na masamang tao. Worst is, he might think that Hellios is my boyfriend. Ayokong idamay siya. Kami na nga ang tinulungan, siya pa itong mapapasama. It's not fair for him.

"Ma'am Chloe, napapadalas po ata ang pagbabantay n'yo dito sa restaurant? Abala po si Sir Arvin?" tukoy ng isang chef habang nasa kitchen ako at tsine-chek ang mga putaheng iniluluto niya.

"Ah, oo. May nilalakad sila ni Mama kaya ako muna ang narito. Hindi ko rin alam kung ano pero mukhang importante."

"Mabuti naman po at mukhang nalilibang kayo dito kahit papaano."

"Masaya naman. Hindi ko na nga lang gaano natututukan ang pag-gawa ng mga rosary bracelets."

"Ang hirap po siguro kapag maraming inaasikaso. Lalo po ngayon na kilalang-kilala na itong restaurant natin. Halos puno lagi at walang bakante."

Tama siya. Sa ilang linggo na pagbabantay ko dito sa restaurant, walang araw na hindi punuan. Minsan nga, pati ang parking space sa tapat ay punuan rin. Mayroon pang nakaabang. Lubos ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil sa biyayang ito sa amin ng pamilya ko.

Tumunog ang cell phone ko tanda nang may mensahe. I saw a message from the Instagram and it's from Gabriel.

Luke Gabriel: Hi, Chloe! Can I invite you for lunch?

Natawa ako. Kung maka-imbita ang isang ito ay akala mo palagi siyang malapit sa akin. Ang alam ko ay abala siya sa negosyo ng pamilya nila. Sila ata ni Hellios ang magkatuwang, iyon ang pagkakaalam ko.

Me: Medyo busy ako sa restaurant namin, Gabriel. Sorry. Maybe next time? At saka isa pa, malayo ka. :)

If I'm not mistaken, he's office is located in Taguig. Ako, nasa Makati.

Luke Gabriel: Kung malapit ako, would you eat lunch with me?

Kung malapit, walang problema. Oras na rin naman ng tanghalian at wala namang masama kung kakain ako na kasama siya. I could sense that Gabriel is a good man. He's from a nice family after all.

Me: Kung malapit :)

Ipinatong ko ang cell phone sa ibabaw ng counter at nagpatuloy sa pagmamasid sa mga pagkain. Wala pang isang minuto nang muli na naman itong tumunog. Nilapitan ko 'yon at binigyan ng mabilis na silip.

Luke Gabriel: Love the new painting hanging near the door. We're you the one who chose this?

Inulit-ulit ko pa ang message niyang 'yon bago ko napagtanto ang ibig niyang sabihin. My eyes rounded as I looked at the door. Dali-dali akong lumabas mula sa kitchen at nagtungo sa labas.

Napahinto ako nang malayo pa lang ay matanaw ko na ang matangkad na bulto ni Gabriel. He's standing while looking at the painting I bought from someone. Nakapameywang siya at titig doon, tanging ang gilid lang niya ang nakikita ko.

"He's here…" I muttered softly.

Hindi na ako nagulat na makita siya rito dahil isang beses ay kumain sina Mrs. Ericka dito at kasama siya. It seems like their whole family like to eat in here.

Naglakad ako palapit sa kaniya at huminto nang ilang metro na lang ang distansya namin sa isa't-isa.

"Gabriel…" I called.

Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon