Chapter 56
Isang beses ko pang tinitigan ang kwartong naging saksi ng masayang ala-ala namin ni Hellios sa mga nakalipas na taon. The four corners of the room that witnessed how our love grew. The main place that became our nest.
Dumapo ang mga mata ko sa balkonahe kung saan kami madalas na nagpapalipas ng oras kapag parehas kaming hindi nakakatulog.
“I want to pray over you.”
“The fuck are you talking about, woman?”
Ngumuso ako. “Why can’t you suppress yourself from cursing? Masama iyan, Hellios.”
“Tss. Pray over me? Are you serious?”
Sunod-sunod ang naging pagtango ko. “Oo. Gusto ko lang gawin ‘yon dahil mabait ka at sana ay marami pang blessing ang dumating sa’yo.”
Nag-iwas siya ng tingin. “I’m not kind.”
“Yes, you are. You wouldn’t help us if you’re bad. So please let me pray over you. Maiksi lang ito at makikinig ka lang naman.”
“No.”
“Please—”
“I said no.”
“Just this once, Hellios. Please?”
Sinamaan niya akong muli ng tingin, kulang na lang ay bugahan niya ako ng apoy. Ngumiti lang ako sa kaniya.
“Damn it,” he muttered under his breath and sighed while looking away. “Fine. Make it fast!”
Natawa ako nang maalala ‘yon, ang luha ay masaganang gumagapang sa mga pisngi ko nang rumagasa ang alon ng eksenang ‘yon sa pagitan namin. Hindi pa kami ng mga panahon na ‘yon. We were just strangers to each other but I already felt that he’s a kind person.
“Mahal na mahal kita, Elizabeth.”
“Mahal rin kita. Palagi kong ipinagpapasalamat sa May Kapal ang pagdating mo sa buhay ko. You are truly a blessing to me, Hellios.”
“As you are to me, baby.”
I smiled. “You believe in Him now?”
He breathed out, his face was still on my chest. “I used to believe in Him. An incident made me lose my faith for a long time. You came and made me believe that He is real because He sent me an angel,”
Inalis niya ang mukha mula sa pagkakasandal sa gilid ng leeg ko at diretso akong tiningnan sa mga mata. He cupped my cheek, caressed it softly and gave my lips a butterfly kiss.
“You are the biggest blessing I’ve ever received in my life... and I am so thankful for you.”
Everything seemed to be perfect and healthy between the two of us. Ni minsan ay hindi ko naisip na mauuwi kami sa paghihiwalay nang dahil sa ganoong dahilan. Masiyadong mabigat kung iisipin mabuti.
A part of me is telling me to give him a second chance. Na tao lang naman siya at nagkakamali rin. That if I gave him another chance, he would never do it again. Pero sa tuwing sinusubukan kong ipasok ‘yon sa isip ko ay ako rin mismo ang kumokontra.
Kapag binigyan ko siya ng isa pang pagkakataon, gaano ako kasigurado na hindi na siya uulit? Ginawa niya na nung una. Maaaring gawin niya ulit sa pangalawang beses.
Kung ang Diyos ay nagpapatawad, Chloe, bakit hindi ikaw?
Kaya kong magpatawad. Pero hindi ko magagawa ang kalimutan ang sakit na idinulot niya. At kung hahayaan ko ang bulong ng puso na bigyan siya ng pangalawang pagkakataon, alam ko sa sarili ko na hindi rin ako mapapalagay kung magsasama man kami ulit. Dadating ang panahon, alam kong masasaktan ako dahil hindi na lang sa amin ni Embry iikot ang mundo niya.
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
General FictionShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.