“Wala akong panahon makipagbiruan sa’yo, Hannah.”
Tumaas ang kilay niya sa akin. She looked at me from head to toe before giving me a mocking grin.
“Who says that I’m kidding? Tingin mo ba ikaw lang ang puwedeng mabuntis? Partikular ng asawa mo?”
Nagtagis ang bagang ko. Anger gripped me but I tried to stay calm. Sinasabi niyang buntis siya at si Hellios ang ama. Paanong nangyari? Ibig sabihin ay may nangyari sa kanila? Paano? Kailan?
Bakit?
Tila may punyal na tumarak sa puso ko nang maisip pa lang na may nangyari sa kanila ng asawa ko kaya narito siya sa harap ko at sinasabing si Hellios ang ama ng dinadala niya.
Ayokong mag-isip nang hindi maganda. May tiwala ako sa kaniya at alam kong hindi niya ‘yon magagawa sa akin. He loves me and he always proves me that. Walang dahilan para lokohin niya ako. Para saktan niya ako.
Hannah is just making lies. For whatever reason she’s doing this, I don’t know. Isa lang ang sigurado ako — hindi ito magagawa ni Hellios sa akin.
“Umalis ka na, Hannah. Wala akong panahon makipaglokohan sa’yo. Kung totoong buntis ka, nasisiguro ko na hindi ang asawa ko ang ama niyan.”
My hands were starting to feel cold. They were trembling. Imbes na hayaan na makita niya ang epekto ng mga pinagsasabi niya sa akin, ipinatong ko na lang ang palad ko sa ibabaw ng aking tiyan para kumalma.
“Of course. You won’t really believe me until I show you some proof, right?” she said with confident.
Hindi ako nakasagot. Kumuyom ang mga kamao ko. Muli niya akong nginisian bago tumungo at binuksan ang bag niya. She took a a brown envelope there and threw over the center table. Nag angat siya ng tingin sa akin hindi kalaunan.
“There’s my pregnancy test inside that envelope. Nariyan rin ang resulta ng ultrasound ko mula sa OB gynecologist. I’m six weeks pregnant just in case you’re excited to know.”
Mula sa envelope ay nag angat ako ng masamang tingin sa kaniya.
“Whatever you say, I know my husband is not the father of your child. Stop trying to ruin us, Hannah,” I said and narrowed my eyes into slits. “Please take that trash with you and leave.”
Marahan akong pumihit patalikod. Ramdam ko ang panglalambot ng mga tuhod ko at ang kagustuhan na bumagsak sa sahig. My lips are trembling. My heart felt like there were needles stabbed all over it. Maging ang luha sa mga mata ko ay sumisilip na pero pilit akong huminga nang malalim huwag lang tumuloy sa pag iyak.
Bakit ako iiyak? Para ko na rin pinatunayan na naniniwala ako sa sinabi niyang buntis siya at si Hellios ang ama. Para ko na sinabing wala akong tiwala sa sarili kong asawa. Hindi kailanman magiging isa si Hellios sa mga lalaki na magagawang lokohin ang asawa nila.
Mahal ako no’n, e.
“And, Chloe, here’s your husband’s phone. Nakalimutan niya ito nung nagpunta siya sa condo ko. Ngayon ko lang rin naisoli dahil busy ako. Paki abot na lang.”
Awtomatiko akong napahinto sa paghakbang nang sabihin niya ‘yon. Hindi kaagad ako nakagalaw hanggang sa marinig ko ang kalabog ng pintuan. Humarap ako, ang mga mata ay nasa direksyon ng mesa kung saan naroon ang cell phone.
Suminghap ako dahil literal na nanikip ang dibdib ko habang tinititigan ‘yon. Umusbong ang bikig sa aking lalamunan, ang luha ay muli na namang umaapaw sa gilid ng mga mata ko.
Akala ko nasira? Bakit na kay Hannah? Nagpunta sa condo? Kailan?
“Ano’ng n-nangyayari...” nanginginig ang boses na tanong ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Ficção GeralShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.