Halos abutin na kami ng alas-12 ng madaling araw ni Hellios sa veranda ng kwarto niya. We were just telling stories and I was happy to know him even more. Masayang isipin na wala na siyang itinatago pa sa akin. Even his pains, he shared it with me without any hesitation.
Mas lalo ko siyang minahal dahil doon. I felt like I have met another side of him. His side that he never really showed to anyone except from me.
“I’ll take a quick bath.” paalam ko nang makapasok kami sa kwarto niya.
Namin.
Tumango siya. “I’ll just drink water. You want anything?”
“Wala naman.”
Ngumiti ako sa kaniya bago tuluyang pumasok ng banyo. I heard the door close outside. Tinitigan ko ang repleksyon sa salamin. Namumula ang pisngi ko at nahihiya akong aminin ang dahilan no’n.
I am anticipating what might happen next! Gagawin ba namin ‘yon? Kung oo, hindi ba dapat at kanina pa? He’s not showing any motive that he wants to do it with me. Hindi naman ako magagalit! I am already expecting it because we’re already married.
What comes next after the wedding? Honeymoon!
“Kumalma ka, Chloe. Hindi ka dapat nag-iisip ng ganiya. Ikaw ang babae, matuto kang huminahon sa mga ganitong pagkakataon. Baka wala pa talaga siyang balak?”
Pinalis ko ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko. I’m really trying to stop myself about thinking those things. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung umaasa akong mangyayari ‘yon sa pagitan namin. At kung sakaling mangyari man, sigurado akong abot-abot ang kabang mararamdaman ko.
Halos kalahating minuto rin ang itinagal ko sa paliligo. Sa tuwing dadapo ang mga mata ko sa kamay ko ay hindi ko maiwasa ang mangiti kapag nakikita ang wedding ring namin. Our names are engraved inside with the date we got married.
Sayang lang talaga at wala ang mga pamilya namin. Ang sabi niya ay walang alam sina Tita Empress tungkol sa kasal namin. Ipapaalam na lang daw namin kapag nagtungo na sa bahay nila. Sinadya niyang hindi sabihin dahil siguradong made-delay lang. His mother would surely ask him for a grand wedding. He will give me that, he assured. Pero gusto niyang maikasal muna kami sa madaling panahon.
And now… I’m officially Mrs. Chloe Elizabeth Suarez.
Wala pa rin si Hellios paglabas ko ng kwarto. Luminga ako at nakita ang isang pitsel ng tubig at baso sa ibabaw ng bedside table. Nakabalik na siya. Nasaan siya kung gano’n?
Nagtungo ako sa walk-in closet niya. Nang buksan ang cabinet ay gusto ko pa rin matawa dahil naroon na kaagad ang mga damit ko. Pagkarating namin galing sa Tagaytay, ang paglilipat ng mga damit ko ang inatupag niya.
Isang pink na terno pajama ang napili kong isuot. I was standing in the oval mirror, brushing my wet hair when Hellios hugged me from behind. He’s nuzzling the side of my neck when we our eyes met through our reflections.
“Naligo ka pala.” puna ko.
“Hmm. I used the shower in your room. Gusto ko sanang sabayan ka…”
Tila ba may kung anong kumiliti sa sikmura ko matapos niya sabihin ‘yon habang matamang nakakatitig sa akin sa salamin. My breathing hissed as my mind can’t help but to create a short clip if ever Hellios came to shower with me.
“Ba’t hindi mo ginawa?” My face flushed.
Tumaas ang isang kilay niya, tila hindi inaasahan ang naging sagot ko na ‘yon.
“Ba’t hindi ko… ginawa?” there’s an awe rolling over his face that made me blush even more. “Did my baby really ask me that?”
Iniiwas ko ang tingin sa kaniya at ngumuso. Ayan, Chloe! Tanong-tanong ka pa kasi! Gusto mo ‘yan, hindi ba? At ngayong hinahamon ka, bigla kang kakabahan!
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Tiểu Thuyết ChungShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.