Hindi ko na namalayan pa kung ilang sandali akong nakatunganga sa blankong dingding na nasa harapan ko. Kanina ko pa iniisip kung anong klase ng wall frame ang puwede kong ilagay dahil nasira na ang dating nakalagay roon.
Puwede kayang bible verse na lang rin kagaya ng dati?
"Good afternoon and welcome to Belleza's House of Steak!"
Awtomatiko akong napatingin sa entrada ng restaurant na pag-aari namin nang marinig ang masayang bati na 'yon ng isa sa mga crew namin.
I smiled. "Welcome to Belleza's House... of steak."
Mula sa pagiging malakas ay unti-unting nanghina ang boses ko nang makilala ang dalawang tao na pumasok roon. One of them immediately found my eyes. She even blinked a few times as if she's trying to recognize me.
"Oh, is that Chloe?" Mr. Steve asked.
I smiled at them and bow my head as they're approaching towards me. Nang tumunghay ako ay nasa mismong harapan ko na sila.
"Good afternoon, Mrs. Empress and Mr. Steve. It's nice to see you both here."
"Hi. Is this the restaurant you're talking about way back my parent's anniversary?" Si Mrs. Empress.
"Yes po, ma'am-"
"Tita. Just call me Tita Empress. Ma'am is too formal. Anyway, ikaw ang namamahala?"
"Minsan lang po. Kadalasan po talaga ay ang parents ko. But since they're not here po for some reason, ako po muna ang narito."
Mr. Steve laughed heartily. "What a coincidence. This is our favorite restaurant, Chloe. We love all your dishes here! Akalain mo na kayo pala ang may-ari nito."
Tanging ngiti lang ang nagawa kong isagot. Iminuwestra ko ang VIP table dahil siguradong ang mga kagaya nila ay doon pumupwesto. They both smiled at me. Medyo nabibigla pa ako na nakikita ko si Mrs. Empress na ngumingiti sa akin. Noon kasing anniversary nina Lola Carmina ay bihira siyang ngumingiti sa akin.
"Would you mind if I ask you to join us, Chloe?" tanong ni Mrs. Empress na ikinabigla ko.
Nakaupo na sila habang ako ay nakatayo sa gilid nila. Tipid akong ngumiti, biglang nakaramdam ng hiya.
"As much as I want to po kaya lang ay hindi po puwede dahil may kailangan pa po ako tapusin na sales report sa loob. Maybe next time po, Tita Empress."
Tumango siya, hindi naman mukha dismayado sa ginawa kong pagtanggi.
"No problem. Next time then."
I nodded and smiled warmly at her. Kinawayan ko si Ryza, isa naming staff at pinapunta sa mesa mg mga magulang ni Hell para asikasuhin ito.
"Siya na po ang bahala sa inyo. Enjoy po kayo." paalam ko na sinagot lang nila parehas ng ngiti.
Tumalikod na ako at naglakad patungo sa back office. Bago 'yon ay dumaan muna ako sa kitchen para sabihin na bigyan ng bagong specialty namin sina Mrs. Empress ng libre. Mabait sila sa akin at wala akong nakikitang masama doon.
Nang makarating ay naupo ako sa swivel chair at isinandal ang likod habang nakatingin sa kawalan. It's been weeks since I last saw Hellios. Iyon pa 'yung annivery nina Lola Carmina at Lolo Miguelito. Maging si lola ay hindi ko na nakikita tuwing misa.
These past few days, I don't know why I kept on thinking about Hellios. Aaminin ko na masiyado akong mabilis ma-attach sa isang tao lalo na at nakikita ko ang kabutihan nito. Kahit pa alam kong malayo ang puso niya sa Diyos, naniniwala pa rin akong dadating ang panahon at maibabalik niya rin ang pagmamahal niya para sa Kaniya.
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Ficción GeneralShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.