Chapter 59
Hindi kami magkanda ugaga sa pag aayos ni Mama ng mga pagkain dahil hindi magtatagal ay darating na ang ilang bisita mula sa kapitbahay.
I made friends with some of our neighbors here. Ang iba naman ay matagal nang kakilala ni Mama dahil sa madalas na pagbabakasyon nila ni Papa dito sa San Vicente.
“Chloe, ako na ang bahala dito. Mag ayos ka na sa sarili mo at kanina ka pa naliligo ng pawis. Ito na lang naman ang kailangan gawin at kaya ko na ito.” sabi ni Mama habang abala sa pagsasalin ng menudo sa bowl.
Inayos ko ang lumpiang shanghai sa tray. Tama si Mama nang sabihin niyang halos maligo na ako sa sariling pawis. Madaling araw pa lang ay nagluluto na ako dahil gusto kong maging espesyal at maayos ang maging kaarawan ni Raphael.
My hair was in a messy bun. Naglalaglagan na rin ang ilang hibla ng buhok sa leeg at batok ko. My pink dolphin short and white oversized tshirt were already soaking in my own sweat. Mabuti na lang at si Papa muna ang nag-aalaga kay Embry. Nakakagalaw ako nang maayos.
“Sige, Mama. Tapusin ko lang ito saglit.”
Alas dos magsisimula ang selebrasyon. It’s already one thirty and I really have to fix myself. Si Embry ay kanina pa nakaayos dahil nauna ko na siyang binihisan. Binilisan ko ang pag-aayos ng lumpia at pinagpag ang mga kamay.
“Napapansin ko na lumalaki ang puwet at balakang mo, anak. May iniinom ka ba na pangpalaki niyan?”
Bumusangot ang mukha ko sa sinabi ni Mama bago mabilis na tiningnan ang balakang ko. Nag angat ako ng tingin kay Mama na abala pa rin sa ginagawa.
“Wala po akong iniinom na kahit ano, Mama. Alam n’yo naman po na hindi uso sa akin ang mga ganiyan.”
“Kung sa bagay. Hindi ka tabain pero sadyang malaki lang talaga ang mga parteng iyang sa’yo. Nagmana ka sa akin.” humagikhik si Mama.
Tipid akong ngumiti, panandaliang natulala nang maalala kung paano palaging pinanggigigilan ni Hellios ang puwetan ko noon. He only showed it when we got married. Pero nung hindi pa kami kasal ay tamang tingin lang siya. Nang maikasal ay palagi nang pinipisil.
Ang kirot sa puso ko ang nagpahinto sa akin sa pagbabalik tanaw na ‘yon. Kusang nawala ang ngiti sa labi ko at tumungo.
“Maliligo na po ako-”
“Good afternoon...”
Lumingon ako sa entrada ng kitchen nang marinig ang boses na ‘yon. Blood suddenly left my face when I saw Hellios standing in the doorway.
Nagtama ang mga mata namin. Nagtagal at walang unang nagbawi. My heart is pounding fast against my chest to the point of hearing it on my own ears.
Bakit narito siya?
Natural, Chloe. Bibisitahin niya ang anak n’yo. Bakit nagtataka ka pa na nakikita mo siya ngayon?
Hindi naman. May isang buwan na kasi simula nang magawi siya dito. I just thought that he would never come back again after our heated conversation.
“Hellios, nariyan ka na pala. Kailan ka dumating mula Maynila?” tanong ni Mama.
Ako ang unang nagbawi ng tingin sa aming dalawa. Huminga ako nang malalim at nagkunwaring tinitingnan ang mga pagkain. I didn’t know that he would be here. Siguradong sina Mama at Papa ang nag imbita sa kanila dahil alangan namang ako.
“Kaninang umaga lang po. Tinawagan rin po ako ni Raphael at sinabing magsisimula na daw po.”
Lumunok ako, ramdam ang kung ano sa puso ko matapos marinig ang boses niya. The truth is I have been longing for him for the past years but the pain he inflicted on me and the truth the he betrayed me always pulled me back from accepting him again.
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
General FictionShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.