Ramdam ko ang pagod nang makarating kami sa mismong penthouse ni Hellios. Pangatlong beses ko nang nakakarating dito pero palagi pa rin akong namamangha sa laki at ayos ng lugar.
"You can choose which room you want to use, Raph. Nasa itaas ang mga kwarto." sabi ni Hellios nang maupo sa tabi ko at kunin ang kamay ko.
He massaged my palm in a gentle way and it somehow helped to release the exhaustion I was feeling.
"Sige po, kuya. Thank you po." si Raphael nang maupo sa couch sa harapan namin.
"Feel at home. Isipin mong sa inyo rin ang bahay na 'to."
"Isang kwarto na lang ang gagamitin namin ni Raph, Hellios." sabi ko at isinandal ang batok sa head rest.
I saw him look at me from my peripheral vision. "Maraming kwarto, Chloe. Hindi n'yo kailangan maghati sa isa."
"Paano kung may bisita ka-"
"I don't accept visitors here. Solo natin ang bahay at wala kang kailangan intindihin."
Hindi na ako sumagot pa at huminga na lang nang malalim. Itinuon ko ang atensyon sa glasswall kung saan malaya kong natatanaw ang naglalakihang gusali ng Manila.
Pilit na lumalabas sa isipan ko ang mukha nina Papa at Mama. Gusto kong isipin na pagsisisi ang nakita ko sa mga mata nila kanina pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay ginusto nila 'yon at sadyang wala silang pakielam sa mararamdaman ko. I was even thinking that they didn't treat me as their daughter.
Akala ko... sa mga pelikula lang nangyayari ang mga ganitong sitwasyon. Hindi ko inaasahan na ako mismo ay mararanasan ko.
Ano'ng naging pagkakamali ko?
"Kuya Hellios, aakyat po muna ako at matutulog. Pipili na lang po ako ng kwarto ko." dinig kong sabi ni Raphael na ikinalingon ko sa kaniya.
He glanced at me and smiled sadly. "Are you okay, ate?"
Tumango at tipid lang siyang nginitan. "Ayos lang ako. Magpahinga ka na muna."
Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. He crouched a bit and kissed me on my forehead before hugging me.
"I love you, ate. Pagbubutihan ko ang pag-aaral ko. At kapag nakatapos ako, magtatrabaho ako at gagawin ko lahat para sa'yo."
Mas lalong sumagana ang luha sa pisngi ko at tahimik na humikbi. "We'll get through this, Raph."
Hinaplos niya ang likod ko saka pinahid ang takas na luha sa gilid ng mga mata niya. He turned his back from us and walked towards the stairs. Pinanood namin siya ni Hellios na umakyat hanggang sa pasukin niya ang isang kwarto.
Kinabig ako ni Hellios palapit sa kaniya. I leaned my head against his chest and breathed out. Ipinulupot ko ang kamay sa bewang niya at huminga nang malalim.
"Did I make the right decision, Hellios?" I asked him.
"It's all about how you feel about it. Do you think you made the right decision?"
Isang malalim na buntonghininga ko. Isiniksik ko ang mukha sa dibdib niya at muli na namang lumuha.
"Leaving them feels right. Pakiramdam ko ay ligtas ako kung hindi ko sila kasama... kami ni Raphael."
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Ficción GeneralShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.