Pumayag ako sa alok sa akin ni Gabriel na mag-kape. Nga lang, hindi ako sumama sa kaniya at sinabing dito na lang kami sa cafeteria ng school ni Raphael. Hindi ko ugali ang basta sumama kahit pa kakilala. I know that Gabriel is a kind man but for me, he's still a stranger.
"Pinagpapawisan ka. Heto ang tissue." sabi ko nang makitang gumagapang ang butil ng pawis sa bandang noo niya.
Maputi siya kaya naman pansin ang pamumula ng pisngi niya. Magkasing kulay sila ni Hellios. Halos iisa rin ang tangkad at bulto ng katawan.
Kung mayroon silang pagkakaiba, makinis at wala ni isang marka si Gabriel at laging nakasuot ng puting t-shirt. Habang si Hellios naman ay nababalutan ng tattoo ang mga braso maging ang leeg. Palagi rin nakasuot ng itim.
The only time I saw him wearing white was when he fetched Lola Carmina from the church. He's sporting a white button down shirt that time. So formal yet so devilishly handsome.
Where did that word come from, Chloe Elizabeth? That's forbidden.
"We're drinking hot coffee in the middle of the day," he chuckled. "Sweating this much is normal."
Lumabi ako. "Ang sabi mo ay gusto mong mag-kape tayo."
"Yeah. But in some well-ventilated area."
Luminga-linga ako. Totoong mainit sa bandang cafeteria ng school lalo na at alas-dos pa lang ng hapon. Katirikan pa man din ng araw. Wala pang hangin.
"Sorry. I can't just go with you and accept your invitation. Isang beses pa lang kasi tayo nagkakilala."
He smiled. "I understand. Sorry for that immediate offer. I almost forget that you're different from them."
"Them?"
"Girls, you know. Karamihan sa mga babae ngayon ay madaling mapapayag sa simpleng pag-aaya. I don't always mean harm—"
"Sometimes then?"
He chuckled. "I'm a man, Chloe. It's natural for me to be playful."
"Is that your definition of being a man? Can't you be one without playing with other's feelings? Beloved, do not imitate evil but imitate good. Whoever does good is from God; whoever does evil has not seen God. That's according to John 1:11."
He didn't say anything. He's just staring at me with full eyes as if what he heard from me was too much. Ngumiti ako sa kaniya at uminom ng kape mula sa aking tasa. Maingat ko 'yong ibinalik sa saucer.
"Wow. I mean, do you really memorize the bible verses?"
"Not really. Iyong mga importante lang ang saulo ko."
He chuckled and shook his head. "Have you ever tried to tell some to Samael? I'm sure he would be irritated. Knowing him."
Tumango-tango ako, naalala ang ilang pagkakataon na sinasagot ko rin siya ng mga salita mula sa Bibliya. Hindi namam siya nagagalit. Pero madalas ay nakasimangot siya.
"Hindi ko alam kung naiinis siya. Pero sigurado akong ganoon nga dahil hindi siya naniniwala sa Diyos."
"You knew?"
Tumaas ang dalawa kong kilay. "Ang alin?"
"That he hates God or anything that's related to religions."
"Napansin ko lang dahil sa tuwing babanggitin ko ang tungkol doon ay ngumingiwi siya at tila nawawala sa mood."
Gusto ko sanang itanong kung bakit ganoon si Hellios o kung may dahilan ba para maging malayo ang loob niya sa Diyos pero hindi ako dapat makielam sa buhay ng ibang tao. Talking behind someone's back is not a good trait. Puwera na lang kung si Hellios mismo ang masasabi sa akin ng tungkol sa bagay na 'yon.
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Ficción GeneralShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.