I was torn between smiling or not when Hannah anchored her eyes on me. Wala naman akong problema sa kaniya. Wala rin siyang nagawang mali sa akin. It just that I somehow feel aloof towards her. Marahil ay dahil na rin sa naabutan ko sila ni Hellios na nag-uusap. Pero maayos na ako roon, wala namang problema.
Sa huli, ngumiti ako.
Nagbeso si Lola Carmina at ang kaibigan niya. Naiwan si Hannah, wala sa akin ang paningin kung hindi na kay Hellios. Binali-wala ko 'yon.
"I'm getting really bored here. Labas tayo?" bulong ni Hellios sa tainga ko habang ang mga mata ko ay nakay Hannah pa rin.
Nilingon ko siya. He's staring at me like I'm the only person he could ever see right now. Tipid akong ngumiti.
"Mamaya na. Baka hanapin tayo ng lola mo at magalit pa."
"We have no business here. Naipakilala na kita sa kanila. Maybe we can just go somewhere. Let's have a date."
Natawa ako. "Saan naman?"
"Anyway, this is my apo, Samael. The fine lady woman beside him is his girlfriend." Si Lola Carmina na umagaw sa atensyon namin ni Hellios.
Nang tingnan ko ang lola ni Hannah ay nakangiti ito sa gawin namin. Ganoon rin naman si Hannah, ngayon ay sa akin na nakatingin.
"She's also a servant in the Manila Cathedral. For sure you know her, Hannah?" sabi ni Lola Carmina.
"Yes, Madame. We have already met last week." mahinhin ang boses na sagot niya.
Ibinalik niya ang tingin kay Hellios. Sigurado ako dahil nasusundan ko ang direksyon ng mga mata niya. Awtomatiko akong napabaling sa katabi. I was somehow expecting that he's also looking at her. Nakahanda na akong makaramdam ng pait pero nang makita siyang sa akin nakatingin ay lihim na nagdiwang ang puso ko.
"You have a very handsome grandson, Carmina. Maganda rin ang nobya kaya naman bagay na bagay sila."
"And Chloe is really a good catch. Hindi ko masisisi ang anak ko kung bakit gustong-gusto niya ang dalawang ito na magkatuluyan." kwento ni Lola Carmina nang maupo sila.
Inakbayan ni Mrs. Deborah si Hannah at hinagod ang buhok nito. She had mermaid curly hair that looks really good on her. Kulay brown pa ito kaya naman nagmumukha talaga siyang diwata.
"I hope my Hannah here can find the right man for her. Masiyadong pihikan!"
"May karapatan maging pihikan dahil napakaganda niyang bata." sagot ni lola.
"Lalabas muna kami ni Chloe, 'la." biglang sabat ni Hellios dahilan para mahina kong tapikin ang kamay niyang nakahawak sa akin.
Lumingon sa gawi namin si Lola Carmina, na kay Hellios kaagad ang tingin bago sa akin.
"Aalis kayo? Mamaya na. Kakain na tayong lahat."
I blinked my eyes in embarrassment. "Ah, o-opo. Nagbibiro lang po itong si Hellios."
I gave him a quick glance and he's frowning at me. Nang makitang medyo masama rin ang tingin ko sa kaniya ay mabilis siyang nag-iwas at itinuon ito kina Lola Carmina.
He shrugged his shoulders. "Whatever my girl says goes. So yeah, we'll stay."
Humalakhak si Lola Carmina. Maging si Mrs. Deborah ay ganoon rin. Meanwhile, Hannah remains serious while looking at her phone.
"I already told you, Samael. Chloe here will break your horns. Nakahanap ka rin ng katapat mo!" natatawang saad ni lola.
"Everybody has a match and I'm glad she's mine."
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Ficción GeneralShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.