“I want you to prepare yourself tonight. Magsuot ka ng magandang damit. We have a very important visitor. Ayokong mapahiya.”
Kahit na gusto ko magtanong sa tinuran na ‘yon ni Papa ay hindi ko magawa dahil sa tono ng pananalita niya. Kung kausapin niya ako, parang hindi niya ako anak at isa lamang alipin dito sa bahay. Kailangan sundin kung ano ang sabihin. Walang karapatan magreklamo.
“Opo, Papa.”
Lumabas siya ng kwarto ko. Ipinagpatuloy ko ang ginagawang mga bracelet at hindi na lang pinansin ‘yon. It’s my second week of being grounded and to be honest, I am not complaining anymore.
Madalas kaming magkausap ni Hellios. Sa tuwing puwede, tinatawagan niya ako. I am really happy that I don’t have to long for him because we talk to each other everyday.
“Kumain ka na ba? Huwag kang magpapalipas ng gutom kahit na marami kang trabaho.” sabi ko habang magkausap kami sa cell phone.
“I already had my lunch. Nagpunta si Mama dito at nagdala ng pananghalian. How about you?”
“Kumain na rin ako. Mamayang gabi ay may bisita daw kami sabi ni Papa. I have to wear a decent clothes for that visitor.” kuwento ko habang isinusuot ang beads sa elastic band.
“Sino daw?”
“I have no idea. Basta sinabi niya lang na maghanda ako mamaya. Hindi ako makapagtanong dahil hindi pa rin kami nagkakausap nang maayos hanggang ngayon.”
Hellios sighed across the line. “He really dislikes me, huh?”
“Huwag mo na lang intindihin. Time will come and his mind will clear all the reasons to dislike you. I’m sure of that because you are a good person.”
“You are the only one who believes that I’m good.”
Matipid akong ngumiti. “Dahil ‘yon naman ang totoo.”
“I wanna see my baby…”
Kumurap-kurap ako. Bago pa ako makasagot ay narinig ko na ang magkakasunod na beeping tone mula sa linya. It’s then I saw an incoming video call from him. Mabilis ko ‘yong tinanggap at hinarap sa akin ang camera.
Hellios sitting on the swivel chair with the perfect view of the skyline behind him greeted me. I smiled at him.
“I could never be contented with just a phone call. I want to see as much as possible, Chloe.”
Natawa ako. “Gano’n rin naman ako. Pero ayos lang ba sa’yo ang ganitong set up natin? Madalang tayong magkita at patago pa.”
Tumango siya, titig na titig sa akin. “I can endure everything for you. It may not be easy but I’m trusting the process. Lahat may hangganan, Chloe.”
I sighed inwardly and gave him a satisfied smile.
“Thank you for not giving up on us, Hellios.”
He licked his lower lip and shook his head. “Hindi ko makita ang sarili ko na sinusukuan ka.”
I never thought that I’d find the man that I am going to love in the middle of the mass on that one fine day. Kung tama ako ng pagkakaalala, si Hellios ‘yong lalaking natanaw ko mula sa altar na gumagamit ng cell phone habang nasa gitna ng misa. Lalaking nahuli kong nakikipaglampungan sa nobya niya noon pero silang dalawa pa ang matapang at tila galit.
Natawa ako.
Sinong mag-aakala na mamahalin namin ang isa’t-isa? God really has His own mysterious ways to let people meet in unexpected reasons.
“Ate, punta ka na daw sa dining area. Parating na daw ang bisita natin.” bungad sa akin ni Raphael habang inaayos ko ang buhok sa harap ng salamin.
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Fiksi UmumShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.