Nang mabalitaan kung saang presinto dinala sina Papa ay dali-dali kaming nagtungo roon ni Raphael. Sa biyahe ay wala akong ibang iniisip kung bakit sila napunta sa gano’ng sitwasyon. No one in our neighbors can tell us what really happened.Ilang araw na ang nakakalipas simula nang makulong sila kung gano’n? Bakit hindi nila sinubukan ipaalam sa amin? Sana ay tumawag sila kay Raphael tutal ay alam naman nila na may cell phone na ito. They should have told us about their situation despite of what happened to us!
“Kinakabahan ako, ate. What if they really did something wrong?” si Raphael habang nasa taxi kami.
“It is already given since they are in jail. Sana lang ay hindi mabigat ang kaso na mayroon sina Papa.”
Nakarating kami ng Manila City Jail hindi kalaunan. Matindi ang kabog ng puso ko, tila ba gusto nang umakyat patungong lalamunan. I have never been in a place like this. Ang sabi ni Papa noon, mga masasamang tao lang ang narito. Ibig ba sabihin ay masama rin siya? Sila ni Mama?
Pero hindi naman gano’n ang gusto kong paniwalaan. I want to believe that not all the people here did their mistakes on purpose. Maaaring hiningi ng pagkakataon kung bakit sila nagkasala. Hindi lahat ay ginustong gumawa ng kasalanan.
Sana… kung ano man ang dahilan ba’t sila narito… sana hindi rin nila ginusto.
Sa entrada pa lang ay hinarang na kami ng pulis na nakabantay doon. “Mamaya pang ala-1 ang oras ng bisita.” masungit na wika niya sa amin wala pa man kaming nasasabi.
Tumingin ako sa relo sa aking bisig at nakitang pasado alas dose pa lang. Maghihintay pa kami ng kulang isang oras para makapasok.
Lumunok ako saka tumango. “Naiintindihan po namin. We just want to confirm if… you have prisoners with a surname B-Belleza?”
“Maraming preso sa loob. Imposibleng makilala ko lahat. Kung gusto n’yo ay itanong n’yo na lang mamaya sa loob kapag nakapasok na kayo.”
Sinaraduhan niya kami ng bakal na gate na tila ba iniisip niyang pupuslit kami ano mang oras ni Raphael. Naupo kami sa gilid kung saan mayroong bench. Sinulyapan ko si Raphael, pansin ang lungkot sa mga mata niya. Ilang sandali pa nang makita ko ang pangingilid ng luha mula rito.
I placed my hand on his shoulder and pulled him closer to me.
“Don’t cry.”
“What did they do this time, ate?”
“I’m sure they have explanations why they’re here-”
“What kind of reasons, ate? Walang kwenta na naman ba? Kagaya ng dahilan nila kung bakit ka nila ibinenta kay Jaime?”
Huminga ako nang malalim, ang ala-ala sa naging alitan namin noon ay mabilis na nanumbalik. Nakakaramdam pa rin ako ng kirot sa puso ko kapag naiisip na nagawa nila ‘yon sa akin pero sa tuwing maaalala ko rin na kasal na ako kay Hellios, nawawala ang kirot na ‘yon.
“Huwag muna natin silang pag-isipan nang hindi maganda, Rapahel. We’ll talk to them later, alright?”
Tumango lang siya at hindi na nagsalita pa hanggang sa sumapit oras na puwede na kami pumasok sa loob. Bawat hakbang papasok, bawat amoy ng sigarilyo na gumuguhit sa ilong ko at bawat tingin na ipinupukol sa amin ng mga tao ay naghahatid ng matinding kaba sa akin.
“Mayroon po ba kayong preso dito na Arvin at Melody Belleza ang pangalan?” tanong ko sa pulis na nasa mesa at nagsusulat ng kung ano sa isang record book.
Uulitin ko sana ang sinabi ko dahil baka hindi niya ako narinig nang mag-angat siya ng tingin sa akin.
“Iyong bagong pasok ba dahil sa droga?”
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Genel KurguShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.