The priest was stating his homily when my eyes searched for a particular man. Naroon pa rin si Lola Carmina sa palagi niyang puwesto tuwing narito siya sa simbahan pero hindi kagaya nung mga nakaraan na kasama niya si Hellios, ngayon ay mag-isa lang siya.
It’s been a week since that incident on Raphael happened. Sa tuwing maiisip ko na nasa loob ng kwarto ko si Hellios habang nasa labas naman ang mga magulang ko ay nagduduot pa rin ng matinding kaba sa akin hanggang ngayon. I prayed the rosary for so many times because I honestly felt guilty for lying to my parents. Hindi ko lang talaga kayang ilaglag ang sariling kapatid.
Nakita kong kumaway sa akin si Lola Carmina at ngumiti. Gustuhin ko man kumaway pabalik sa kaniya ay hindi puwede dahil nasa kalagitnaan ako ng misa. Instead, I gave her a quick warm smile. But when I saw my father looking at me who’s sitting in front of the altar with crumpled brows, my smile immediately faded away.
“Let us acknowledge our sins, and so prepared ourselves to celebrate the sacred mysteries.”
Tumungo ako at nagsalita sa mikropono. “Almighty God and to you, my brothers and sisters, that I have greatly sinned, in my thoughts and in my words, in what I have done and in what I have failed to do, through my fault, through my fault, through my most grievous fault; therefore I ask blessed Mary ever-Virgin, all the Angels and Saints, and you, my brothers and sisters, to pray for me to the Lord our God.”
Natapos ang misa at kagaya ng dati, inihatid ko ang mga gamit sa sasakyan namin. Naabutan ko si Lola Carmina na nakatayo sa entrada ng simbahan, sa akin kaagad nakatuon ang atensyon.
“Chloe, apo!” tawag niya sa akin at may malawak na ngiti sa labi.
Imbes na dumiretso sa sariling sasakyan ay lumiko ako para puntahan siya. She looked beautiful in her black floral dress. Hawak ang kaniyang baston ay muli niya akong kinawayan.
“Lola Carmina, kumusta po?”
Umamba siya ng yakap sa akin na kaagad kong tinanggap. Sa kabila ng pagiging istrikta ng itsura niya ay hindi maipagkakaila na napakabait niya sa akin.
“I’m good, I’m good! Thanks for asking. Ikaw, how are you? Palagi tayong nagkikita pero hindi nagkakaroon ng tiyansa makapagusap.”
“Oo nga po, Lola. Medyo lagi kasing nagmamadali ang mga magulang ko po sa pag-uwi. Mag isa lang po kayo?”
Nasa labas kaya si Hellios? Hindi ko naibigay sa kaniya nung nasa bahay siya ang rosary bracelet na ginawa ko. Dahil sa tensyon ay nakalimutan ko na ‘yon. Kung nasa labas siya at hinihintay si Lola Carmina, puwede kong i-abot dahil nasa bag ko lang naman ‘yon palagi.
“No. My driver is already waiting for me outside.”
Ngumiti ako. “Nasa labas po si Hellios?”
“No, not my grandson. I am with my driver. Masiyadong busy si Hellios ngayon sa kumpanya kaya hindi ko na naisasama dito.”
Tumango tango ako. Nagsimula na kaming baybayin ang daan palabas nang muli siyang magsalita.
“Anyway, I waited for you because I want to invite you to our house. Golden anniversary namin ng asawa ko at may simpleng salo-salo sa bahay.”
Natigilan ako ngunit hindi ‘yon ipinahalata sa kaniya. Sa kahit anong okasyon, ni minsan ay hindi ko napaunlakan ang mga nagyayaya sa akin dahil hindi rin naman pumapayag sina Papa na pumunta ako.
Kaya lang ay parang nahihiya ako na tanggahan si Lola Carmina. She has been kind to me ever since we met each other. Minsan nga ay pinapaabutan pa ako ng pagkain sa mga sakristan kapag hindi kami nagpapang abot tuwing natatapos ang misa.
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Ficção GeralShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.