Chapter 62
Hindi sinabi ni Gabriel kung saan kami pupunta at kung sino ang gustong kumausap sa akin... sa amin. I have no idea at all but then the way he asked me to come with him was like he’s asking for a huge favor.
Isang malaking traveling bag ang dala ko, kasya ang ilang araw na damit. Plano kong pagbigyan na si Mama sa hiling niya dumalo ako sa anniversary ng restaurant namin. At siguro, kung maaari ay sabay na rin kaming uuwi ni Embry pabalik dito sa Palawan.
Inilibot ko ang tingin sa bahay at sinigurong wala akong naiwan na gamit na nakabukas. Tumalikod na ako at lumabas. I double locked the door and walked towards the gate.
Natanaw ko si Gabriel at Angelique hindi kalayuan sa bahay. Magkaharap sila. Hindi ko nakikita ang reaksyon ni Gabriel dahil nakatalikod ito sa gawi ko. Nakatungo si Angelique, sa lupa nakapako ang mga mata. Hindi ko alam kung bakit tila ang bigat nila pagmasdan. Maybe because I know that they had a past.
Pero hindi ba at tapos na? Posible bang may nararamdaman pa rin sila sa isa’t isa? Naalala ko pang sinabi ni Angelique noon na kung nakapaghintay lang sana si Gabriel, maaaring masaya pa rin sila.
Tahimik akong humakbang palapit sa kanila. Napahinto rin ako kaagad nang marinig ang boses ni Angelique.
“It’s fine. Ayos lang ako dito at isa pa ay gusto ko rin magpahinga. I was stressed for the past weeks,” she chuckled. “You know, work.”
“Until when are you going to stay here?” Gabriel asked.
“Until next week.”
Bumuntonghininga si Gabriel saka tumungo. Nag angat rin siya ng tingin hindi kalaunan.
“Wait for me here. Babalikan kita.”
My heart ached when I saw emotions in Angelique’s eyes. They were too sad. Definitely the saddest eyes I have ever seen.
Matipid siyang ngumiti bago isang beses na tumango.
“Take care on your way back to Manila.”
Pakiramdam ko ay may nararamdaman pa sila sa isa’t isa. It was pretty obvious with the way they talk.
Napaayos ako ng tayo nang pumihit si Gabriel paharap sa gawi ko. I smiled a little. Nagkatinginan kami ni Angelique at matipid rin siyang ngumiti sa akin.
“I’m sorry, Angelique. Sana ay hindi pa ito ang huli nating pagkikita. Babawi ako sa’yo sa susunod, pangako.”
Ikinumpas niya ang kamay. “Don’t worry, Chloe. I’m all good. I am sure I’ll be enjoying my stay here. You have my number. We can call each other.”
Napatingin siya kay Gabriel na nasa kaniya rin ang mga mata. Muling huminga nang malalim si Gabriel bago walang salitang nilapitan si Angelique. Marahan niyang kinabig ang likod ng ulo nito palapit sa kaniya at pinatakan ito ng halik sa noo.
“Please take care of yourself here. Babalik ako kaagad.”
Nag iwas ako ng tingin at tumalikod. I felt like I had to give them privacy. Hindi ko rin magawang tingnan silang dalawa dahil tila ako parang kinukurot sa puso.
“Let’s go, Chloe.” Si Gabriel.
Hinarap ko siya at tipid lang na nginitian. Isang sulyap pa ang ginawa ko kay Angelique. Kumaway siya sa akin na sinagot ko rin ng ganoon. Alanganin kong tiningnan si Gabriel at bahagyang salubong ang makakapal niyang kilay.
His eyes, just like Hellios, were dark and intense. Naalala ko na sa tuwing tititigan ko siya sa mga mata noon ay para ko rin nakikita ang pinsan niya. Only that Hellios has a darker aura.
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Ficción GeneralShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.