Bahagyang nangunot ang noo ko nang makita sina Papa at Mama na pababa ng hagdan at tila may lakad. Linggo ngayon at may banal na misa mamaya. As far as I know, Mama will be the commentator and I’ll be the lecter. Mamayang hapon pa naman ang pagtitipon pero bakit parang aalis na naman sila?
“May misa po mamaya, Papa.” paalala ko nang makababa na sila ng tuluyan.
Nagkatinginan sila ni Mama bago ako nilampasan at naupo sa couch sa living room. Sumunod ako sa kanila at naupo sa harap nang hindi inaalis ang tingin sa kanila lalo na kay Papa.
“We will be attending another mass, Chloe. Kulang sa tao ang National Shrine of Our Lady of Guadalupe. Doon muna kami ng Mama mo.”
Kumurap ako. “Paano po ako? Hindi n’yo po ba ako isasama?”
“No. Sa Manila Cathedral ka pa rin. Ngayon lang naman ito, Chloe. Sa susunod na misa ay magkakasama na ulit tayo.”
Their actions were actually weird these past few days. Pero wala akong karapatan na kuwestyunin sila dahil siguradong magagalit lang si Papa. Siguro ay marami lang talaga silang kailangan puntahan na pagtitipon kung saan hindi naman kailangan na alam ko, o kailangan na kasama ang presensiya ko.
Sa huli, hinatid ko ng tanaw ang kotse namin. Bumuntonghininga ako nang maisip na magko-commute lang kami mamaya ni Raphael patungong Cathedral.
“Ate, I can’t come with you right now. Ang daming assignment sa major subjects. Kailangan na ito ipasa sa Tuesday. Puwede bang skip muna ako ngayon? Nag-simba naman ako last week.”
My eyes slightly narrowed at his last statement. “Don’t count the times you went inside the church, Raphael. Sunday is for God. Kailangan mo ibigay sa Kaniya ang araw na ito.”
“Then how about my grades? Kapag bumagsak ako, magagalit na naman sina Papa. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.”
“It’s just a one hour mass, Raph. Bakit hindi mo ‘yon magawang ibigay sa Kaniya?” giit ko.
Marahas niyang kinamot ang ulo niya. Mula sa notebook na sinasagutan ay nag-angat siya ng tingin sa akin, salubong ang kilay niya at nakasimangot.
“Why can’t you understand me, ate? Kapag bumagsak ako, magagalit si Papa at siyempre ipagtatanggol mo ako. Sa huli, masasaktan ka na naman dahil sa akin at ayoko na mangyari ulit ‘yon.”
My heart clenched at his words. Ang buong akala ko ay tinatanggihan niyang sumama sa akin ngayon dahil lang sa abala siya o hindi kaya ay tinatamad. I didn’t expect that I am one of the reasons why he doesn’t want to be with me. He doesn’t want to have failing grades again so our parents won’t get mad. Nang sa ganoon, hindi na ulit ako masasaktan ni Papa dahil tama si Raphael, ipagtatanggol ko pa rin siya ano man ang mangyari.
Sa huli, hinayaan ko na lang siya at hindi na pinilit pa. He promised me that he’ll go with us to the next mass. Kaya naman habang hinihintay ang oras para umalis, inayos ko muna ang ilang orders ni Mrs. Empress na rosary bracelets. Ipapadala ko na rin ito sa kaniya sa LBC na dadaanan ko bago ako magtungo sa simbahan.
Habang inaayos ang ilang box sa paper bag, tumunog ang cell phone ko na nasa ibabaw ng office table. Dinungaw ko ‘yon at nakitang tumatawag si Mrs. Empress. Curiosity rose in my head as I took the phone. It’s the first time she tried to call me. Madalas ay puro palitan lang kami ng messages sa Instagram.
Kaagad kong sinagot ang tawag. Ayoko siyang paghintayin lalo pa at pang ilang beses na siyang umo-order sa akin.
“Hello po, Ma’am Empress?” bungad ko.
“Still calling me ma’am, Chloe?”
Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi pa rin ako sanay sa gusto niyang itawag ko sa kaniya. Oo nga at kilala ko naman siya dahil kay Lola Carmina. But then, I still treat her as my client.
BINABASA MO ANG
Suarez Empire Series 1: Hellios Samael (My Heaven In Hell)
Ficción GeneralShe's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance to their love? - Published under KPub PH.