Chapter 1: Freaky-Little-Girl

1.3K 30 11
                                    

Naghahabol ako ng aking hininga. Literal na naghahabol dahil sa pagjojogging ko. Nakakapagod naman kasing tunawin ang mga kinain mo kaya napapagod din na naghahabol ang puso mo sa isang limit ng heart rate. Bakit ko pa kasi kinain 'yong pagkain na binibigay sa'kin ni Traigan e, ayan tuloy, napajogging ako nang wala sa oras dahil sa sobrang conscious ko sa aking katawan.

"Tigil na muna. Pagod na ako kakatakbo." Sobrang hingal na sabi nito na hinawakan na niya ang kanyang tuhod dahil 2 oras ko na siyang pinapasunod sa'kin.

"Traig naman, wala pang pagbabago sa katawan ko o? Ikaw kasi e, 'yang pinapakain mo sa'kin dumagdag ng 10 lbs sa timbang ko! See what you have done, kaya maghabol ka sa'kin!" Mas lalo pa siyang nadismaya sa sinabi kong iyon kaya naman tinarayan ko na lamang siya at nagpatuloy tumakbo sa park na ito, inaasahang susundan niya ako sa jogging session namin.

Kalalaki niyang tao 'di niya kayang sundan ang maliliit kong hakbang, kumpara naman sa malalaki niyang hakbang sa pagtakbo.

Kinalahati ko ang racing track sa jogging session namin nang nakita kong nakahilata na ito sa sahig, pagod na pagod at nakahawak na sa kanyang dibdib. Oh God! My Traigan passed out!

Tumakbo ako papunta sa kanya nang nakita kong may lumapit na babae sa kanya. Malanding 'to, ang aga aga! Alas-cinco lumalandi?

Tinabig ko ang pagkakahawak ng babae kay Traigan nang mas hinawakan ko naman ang mga parte ni Traig kung saan nailagay ko ang pag-aalala ko sa paghimas ko sa kanya.

"Tumabi ka nga diyan! Nahimatay na nga 'yong boyfriend ko, e nilalandi mo pa!" Pagtataray ko sa babaeng iyon pero nginitian lang ako. Weird little freak!

"Okay ka lang ba My Traigan? Ikaw naman kasi e, 'di mo sinabi sa'kin na you're dying, chasing after me tapos mahihimatay ka na lang dito." Patuloy ko siyang hinihimas nang dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata sa gitna nang kanyang pananakit sa dibdib.

"I-ikaw naman kasi e, kung 'di pa 'ko mahihimatay, e 'di mo pa ko ipag-aalala." Dahil nabwisit ako sa pagbibiro niya sa pagkahimatay niya, ay inalis ko ang kamay ko na kanina ay nakahimas sa kanya. Tse! Bwisit 'tong lalaking 'to!

Pero bumalik nanaman ang pag-ungol nito sa pananakit ng kanyang katawan.

"Kailangan ko ng tubig, gusto ko ng tubig!" Nataranta na ako sa hinihingi niya kaya niyugyog ko si Freaky-little-girl, na napansin kong tinititigan lang kami sa gitna ng trahedya, at pinilit na ikuha ng tubig ang aking si Traigan. Oh please 'di ko na aapihin si My Traigan Lord, just let him get cured!

Bumalik naman si Freaky-little-girl sa'min na may dalang tubig at hinablot ko agad iyon sa kamay niya. Binuksan ko iyon para may mainom ang aking My Traigan at nakita ko na ang liwanag sa kanyang mukha. He survived!

"Oh my Traigan, Thank you dahil hindi mo 'ko iniwan." Pagpapasalamat ko habang hinihimas ko siya sa pawis na pawis niyang sando at pagtangkaan na yakapin pero biglang umextra itong Freaky-little-girl.

"Bayad po sa damages na ginawa niyo sa'kin, plus sa talent fee ko sa pagtakbo ko para kumuha ng tubig at appreciation sa pagsagip ko sa "My Traigan" mo dahil sa ginawa kong CPR sa kanya." Bigla na lamang nag-init ang dugo ko dahil she imitated my voice when saying my boyfriend's name in my accent and...

...did she just make out with My Traigan?! This freak!

Bigla ko na lamang hinamon ang babaeng ito ng sabunutan dahil ang ginawa niya ay it is beyond my anger! Grhh!

Sinimulan kong hatakin ang buhok niya pero napakaswerte ko nga naman, this girl doesn't do anything! She's such a loser for not fighting my duel challenge. Sadyang ngiti lang ang sinusukli nito sa gitna ng pag-uungol niya sa pananabunot ko.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon