Chapter 46: The First Times

51 2 1
                                    

"Keerish Jaryio. How are you."

Lumapit naman ako kay Kika at binesohan ko pa ito. Nakaramdam naman ako ng kulo sa loob ko, reminiscing how she ruined my trust. Naghawak naman kami ng kamay pagkatapos habang si Traigan naman ay kita kong nakatingin sa akin.

Matapos kong gawin iyon ay tumingin ako kay Slatie, expecting her how far she would go for Rafael. It's going to be lame if she did the strategy the same as I did.

Patuloy ko pa rin tiningnan si Slatie at binalaan ko pa ito sa tingin ko na huwag niyang gagayahin ang ginawa ko. Napansin kong kabado itong lumapit kay Rafael at nagulat ako sa sunod na ginawa nito. Hinalikan niya ito sa pisngi instead.

"Thyme Rafello Sabori. Hi love you." Ang trademark na crossarms naman ni Traigan ang sumalubong kay Slatie. As if he really cares for his sister.

"There. I don't think you can do that to your Ex." she emphasized the 'Ex'  part as she provoked me. Tumingin naman ako ng pasimple kay Traigan at nakatingin na pala siya sa'kin. Dali dali akong umiwas at tiningnan lang ng pasarkastiko si Slatie. I know I ain't capable of doing it anymore kaya naman hinayaan ko na lang siya. Plus, it would be awkward at nirerespeto ko ang presensiya ni Traigan na hindi madumihan ang pagkatao nito dahil na naman sa'kin.

Mas uminit naman ang kulo ko nang pinakitaan pa niya ako ng immaturity sa pagbelat sa'kin kaya naman hinawakan ko ang kamay ni Traigan. Hinigit ko iyon at dali daling idinikit ang labi ko sa labi niya. Sobra sobra pa ang pagpikit ko dahil sa kahihiyang ginawa ko at matapos kong gawin iyon ay napatakbo na lang ako sa harapan ng dalawang lalaki. Nasagi ko pa ang braso ni Slatie. It's embarrassing! 

Habang tinatakasan ko ang kahihiyan ay bigla naman akong hinigit ni Brick sa kakatakbo ko, dahilan para matalisod ako. Inalalayan naman ako nito sa pagtayo and the next thing I knew, nasa harap na namin sila.

"Shame on you guys. Bethel pays a visit for us tapos ito lang ang isusukli niyo?" Pagdedepensa naman ni Brick sa akin nang dinuro niya si Slatie para sa akin. "Especially you. She had enough to tolerate what you are spitting but you are still on doing it."

Nakita kong kabang kaba si Slatie at nagkaro'n naman ako ng pampalubag loob dahil sa ginawa ni Brick. Napansin kong babantaan ni Traigan ang nagtanggol sa akin ngunit napaatras ito sa bangis na ibinanta ni Brick.

"Solomon pagsabihan mo nga yang mga kaibigan mo." At pagbabanta niya rin sa kanyang pinsan. Mamaya maya ay napansin kong nagwalk out na si Slatie habang sumunod naman si Rafael. Si Sarmie naman ay sinusubukan niyang palamigin ang ulo ni Brick. Well I guess we're the only one who's left here: My Ex and My 'Silly' .

Suminghap naman ako sa ginawa ni Kika. Unbelievably pathetic how she hides at Traigan's back. "Don't be scared, geez!"

Sambit ko nang kumunot ako sa kinilos niya. Dahan dahan namang lumapit ito nang bigla na lang akong niyakap. She is still weird.

Hinawakan ko naman ang balikat niya nang pumiglas ako sa yakap niya sa'kin. "I can't believe you are still like that. I am offended." Sabay hawi sa buhok ko. Pinakita ko sa kanya ang markang pineklatan niya dati na ngayon ay wala na.

"Kumusta na?" Tanong naman ni Kika at napatingin ako sa paa ko na nilalaro ko. "I'm so fine."

Pagkatapos no'n ay wala nang kumibo sa amin; hangga't sa sumingit si Traigan sa amin. "Let's go Freak?"

"Freak?"

Nanlaki naman ang tawag ni Traigan kay Kika. Tumingin pa siya sa kanya nang sinabi niya 'yon. He made it as an endearment, damn it. Sinikuhan naman ni Kika si Traigan dahil sa pangaasar nito.

"Sorry Bethel."

Paghihingi pasensiya ni Kika at mas lalo ko pang pinataas ang kilay ko para sa sarkastikong isasagot ko. "Oh, no. It's fine. Mukhang naisatao mo naman ang pagtawag sa'yo niyan."

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon