Chapter 52: Senyales

68 2 0
                                    

"Hello po. He is diagnosed for Diabetes only. Wala po siyang sakit na ikakamatay niya so if you could excuse us dahil tuturukan namin siya ng insulin." Sambit ng nurse nang nakahinga na ako ng malalim.

Nagising naman sa pagkaOA si CG, as well as I am. Masyado lang akong paranoid sa fact na akala ko ay ikakamatay na niya. I even thought of having my regrets would be shatter away kapag nawala siya ngunit hindi naman natuloy.

Umalis naman si Brick at mukhang hinintay lang niya na magising si Traigan para mawala ang pagaalala niya. As if. Nang nakita naming dumilat na si Traigan ay napagpasiyahan ko na lang din na umalis. There's no point of staying here, even in his life.

Nilapitan naman ako ni CG at kinuha ang bulaklak. "Pa'no 'to? Hindi pa pala pata--"

Naputol ang pagkasabi ni CG no'n nang umungol si Traig sa bagong pagturok ng medication sa kanya, which is his daily doses, the insulin. "Alis na tayo Bethel."

Sumang-ayon naman ako sa sinabi ni CG ngunit bago pa man kami makalabas ay pumasok si Slatie na kasama si Jurvis. Oh great. Nang naabutan ni Slatie ang kuya niyang umuungol ay kinuha na namin ni CG ang pagkakataon para makatakas sa scene ngunit paglabas naman namin ay nakaabang si Brick.

"Bethel."

"Oh hi Brick. CG nga pala." Masiglang bati ni CG nang iniwasan ko naman si Brick. Gusto ko nang makaalis sa harap niya ngunit si CG ay todo entertain sa kanya. "Gusto niyo bang lumabas? Maybe we could grab some coffee?"

Na-trauma naman ako sa pagaaya ni Brick kaya naman pinabayaan ko na lang si CG at iniwanan na siya sa lalaking iyon. "Brick sa'yo na lang 'tong bulaklak, patay na patay na galing kay Bethel."

Pagbibiro pa ni CG kaya naman mas binilisan ko pa ang pagtakas ko para hindi ako maabutan ni CG. Hindi ko kayang sabihin sa kanya. Masasaktan lang siya at mas lalo akong masasaktan kapag manggagaling ito sa bibig ko. I don't want to hear myself saying it. I want to escape this place.

Tinext ko naman si Brick. Naglakas loob kong ginawa iyon at napapikit pa ako ng mariin sa sinend ko sa kanya.

"Stay away from me Brick."


Ngayong ayos na si Traigan, well not technically because of his diabetes, ay hindi na ulit kami nakapagusap. Natatanaw ko na lamang siya ng malayo kasama ang dalawang kaibigan niya na si Harish at Pervist at hanggang do'n na lang iyon. Si Rafael naman ay ilang araw nang hindi pumapasok kaya bumalik ako sa clique.

"Girls guess what? This lady has a new boy." Napakunot naman ako sa sinabi ni CG nang ang dalawa naman ay napatingin sa isa't isa at kapansin pansin ang paniningkit ng kanilang mga mata dahil sa daloy ng pagka-kilig.

Iniabot sa akin ni CG ang isang Hazelnut Frappucino. Guess who is being generous right now...Generously pouring a bountiful tease to me.

"You are? Adorable!" Puri ni Mandy sa akin nang itinaas ni Casey ang kanyang daliri, kumbaga sign ito ng lightbulb. "Si Brick Castigo. Kilala ko 'yan. Naikukwento yan ng kapatid kong si Keerish. Lagi mo raw kasama."

At si Casey naman ay tumapat sa akin. Seriously?

Habang tinutukso ako ng tatlong ito ay hindi ko maisip kung magkakagusto pa ba ako kay Brick. Malinaw na sana ang pagasa nito kung hindi niya lang ako binastos ng ganun gano'n lang. Dahil sa frustration ay humigop na lang ako sa paborito kong kape na ibinigay ni CG.

"You can have him girls." Medyo badtrip na pag-akto ko pero sa totoo ay ayoko nang marinig ang pangalan niya dahil once na maibuga ko siya sa mga kaibigan kong ito at napagpasiyahan kong magkwento ay siguradong wala nang katapusan kung pagluluksaan ko ito.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon