Chapter 59: Thinking of You

84 2 1
                                    

"I'm serious, the soup tastes great! Tapos yung garlic bread bowl pa. It's the best!" Komento ko nang napansin kong nakatikom ang bibig nila sa katahimikan. It's weird. "Pero ano ba talaga 'tong lakad natin?"

Sunod na tanong ko at habang naglalakad kami ay napatingin sila sa isa't isa. Nabigla na lamang ako nang natawa akong magisa. Dali dali naman akong tumigil.

"Bethel, are you okay?"

Tanong sa'kin ni Traigan nang nakita ko ang pisngi niyang malaki kaya naman hinawakan ko ito at pinisil. My sight just turned blurry at the side while the sharp ones focused on the middle, specifically on his cheeks. Dali dali namang pinigilan

"You big cheeks!" Mariin kong kinurot ito nang mamaya't maya ay umungol na ito sa sakit. Nang binitawan ko ito ay nakita ko ang pamumula nito. "Are you crazy? Don't do it at the middle of the sidewalk."

Mataas na tono ni Kika nang tingnan ko siya ng masama. Hindi ko na lang ito pinansin. "I'm thirsty. Can we drink something?"

I requested at napatigil na naman sila dahil sa akin. "C'mon. A drink would take away our sober." Dagdag ko at nakita ko si Kika na parang umiwas. Did I do something wrong?

"Crazy f**king freak." Narinig kong bulong ni Kika nang napakagat na ako ng labi dahil sa pagkapikon ko. Nagawa na rin niyang murahin ako. It's the first time na sinusubukan na talaga niya ako. There's a lot of first times huh? Sabagay, hindi ko pa naman nasusubaybayan pa ang first time ko kay Kika at ngayon na 'yon.

"Ano'ng sabi mo?" Nauutal kong sabi nang nagulat na lang ako sa pagsampal niya sa akin. Freaking rude! "Wow, déjà vu. At the same spot." Kaliwete pa rin siyang manampal.

"Ano, kain na lang tayo o? Gusto mo isuksok ko sa'yo ang chopsticks sa bunganga mo o bubuhusan na lang kita ng Zonrox para mamuti naman yang budhi mo?"

"Anything miss...na 'My Traigan'."

"Ikaw huwag na huwag mo akong sinusubukan. Mawawalan ka talaga ng bahay sa ginagawa mo." Patuloy na pagutal ko nang parang bigla na lang akong nahilo. Huli ko na lamang nakita ay ang paghawak niya kay Traigan.

"Edi sa bahay ako nila Traig titir—"


"Bethel are you okay? You should not because you are worth to die. You should get rest..in peace." Sa unti unti kong pagdilat ay may mga boses pa rin sa utak ko na nanggagaling kay Kika. Hindi maalis iyon at binabagabag niya ang pagiisip ko. Tuluyan ko nang idinilat ang mga mata ko at ang puting kisame ang tumambad sa akin.

"Bethel stay awake." Napaungol ako sa biglang pagrinig ko no'n dahil sumakit agad ang ulo ko.

"Keep away from her."

"Brick stop it."

"Bethel."

"Bethel."

Hindi ko na nakayanan kaya napaupo na lamang ako bigla, kasabay ng pagsigaw ko ng malakas. Tinakpan ko ang dalawa kong tainga at dali dali na lamang may pumasok sa kwarto ko.

"Bethel you're awake. Are you okay?" Alalang alala na tanong ni Daddy nang nagsimula ang paghagulgol ko at niyakap ko siya sa sakit ng nararamdaman ko ngayon. Mahigpit ko siyang niyakap at kapit na kapit ako sa kanyang katawan. "Shhh. Stop. I'm here."

"Daddy, take me somewhere safe. Ayoko na dito." Nanginginig kong sabi nang natanaw ko si Mommy at Brick sa likod namin kung saan nakatayo sila sa pintuan. Hindi ko sila kayang tingnan lalo na't nakangiti si Brick na malapit na sa pagtawa. Ano nga ba ang nangyayari ngayon?

"Bethel, take a rest. Napaparanoid ka lang siguro." Sambit ni Daddy habang inaalalayan niya ako sa paghiga. "Dad, I'm thirsty."

Tumango naman ito nang umalis na sa harapan ko para kumuha ng ni-request ko. Pagkatapos no'n ay si Mommy na ang pumunta sa akin habang sumunod si Brick.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon