Chapter 26: Insults

90 8 0
                                    

I took it seriously when I said to myself that my life was a joke nang dumating ako sa buhay niya. Didn't he realize that I sacrificed most of my time just to be with him? I guess joke time nga lang niyang tinake iyon and I will repeatingly say that my life is really a joke!

Hindi ko matanggap. Umalis na lang siya ng ganun gano'n na lang sa harap ko. Hindi ko na siya hinabol; nirespeto ko iyon ngunit siya ay hindi niya ako nirespeto na hindi ako pumapayag na hiwalayan niya ako. Hindi na siguro ako katawa-tawa sa harap niya kahit na pinamukha ko na sa kanya na biro ang buhay ko. I am no clown, but then AGAIN...nakakasawa man pakinggan but the joke is on me.

O baka nga katawa-tawa ako sa harap niya. Clown nga siguro ako para sa kanya dahil ngayon ay humahalakhak na 'yon dahil naisahan niya ako. Na hindi pala talaga niya ako mahal. Repetitively will say I am a joke.

Dahil sa naidi-dibdib ko ang usapang biro lang ako sa buhay ni Traigan, imbis na umiyak at humagulgol ay para nalang biglang namanhid ang katawan ko. Hindi ko alam pero ang mga sinabi niyang realidad sa'kin, iyon ata ang nagpunas ng luha at pagod ko sa kanya kaya magpapasalamat na lang siguro ako dahil ginawa niya akong kasing lamig ng yelo ngayon. I am so chill and cold, needing his boiling hot-tempered head! Hindi na ako sanay nang wala siya, nang hindi siya nagagalit sa akin.

Umalis na rin ako sa mabahong lugar kung saan kami ng usap ni Traig, kung saan din naging mahabo ang usapan namin. Sinalubong naman ako ni CG at naramdaman ko ang simpatya niya sa'kin nang ni-rub niya ang likod ko. Namumugto ang mga mata ko, alam kong pansin niya iyon pero hindi niya alam ay hindi ako makaiyak. Hindi kaya ng mata ko na magpatulo pa ng likidong nilalabas nito madalas.

"I am here for you. I got him for you pasensiya ka na kung hindi ko siya napigilan na saktan ka."

Napapilit na lamang ako ng ngiti sa harap niya at pinagpatuloy pa niya ang pag-rub ng likuran ko. "No worries. Nothing bigtime about what he said."

"Really?"

Naningkit naman ang mga mata nito sa walang kasiguraduhang ayos ako. Hindi ko nga rin alam kung bakit bigla na lang akong namanhid matapos mangyari ang lahat sa likod ng establishment.

"May gusto ka ba bukod kay My Traigan mo?"

She even imitated the way I call the endearment before. Napangiti ako pero pinatigil ko rin siya sa ginagawa niyang panggagaya. "Actually I am feeling better. No anxiety and a lot of realization. I guess this is right for us to happen."

Napangiti na lamang ako sa pagkakontento ngunit may pagaalinlangan pa rin sa nadarama ko...malungkot ako. Hindi ko aakalaing nakakalungkot ang ganito and believe it or not, it is my first time.

"And actually, you need to feel the pain too. Mamaya niyan ay masabihan ka pa ng insensitive ng Slatie na 'yon."

I've taken the advice. I need to act na I still not over him...I mean I need to chase like it is convincing. Kailangan ko...Talaga bang kailangan ko o gusto ko?

"At ayan na yung date mo o? Kasama yung girlfriend niyang iniscandalo mo."

Pang-aasar na tono sa pagkasabi ni CG nang tiningnan ko siya ng seryoso, "And it's like they're breaking up too."

Nakonsensiya ako sa nagawa kong panglalandi pero kinokontrol ko ang sarili ko. It's all Slatie's fault, Bethel. Wala ka dapat pagsisihan sa mga nangyari. "Breaking news it is. Balitang dalawa na agad ang sumira ng relasyon at ang mismong lalaki pa ang gumawa no'n sa dalawang puso ng babae."

Tiningnan ko si CG habang nagkokomento ito sa pagkabahala. Para bang pinaparating niya sa tono nito na pinagsisihan lang ng dalawang lalaking nakipag-break sa'min ni Slatie na tinanggap kami noon in their arms wide open. Well unfortunately, ako ang gumawa no'n kay Traig. Sadyang hindi lang siya nagpayakap sa ibinuka kong mga braso at ako pa mismo ang pumilit sa sarili ko na pumasok sa namimilipit niyang pagkayakap sa sarili.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon