Chapter 42: Escape!

58 3 10
                                    

I met Rafael again. Saw thousands of boys, including Kyle and Andrew, which I got familiar with and happens I met them at the speed dating event before, and Pervist. Nakakagulat nga lang kung bakit hindi lubusang pinakilala ni CG sa'kin si Casey. I mean I'm not against it but I really am! Bakit nga ba hindi ko nasabi ang papel ni Casey sa buhay ko?

Hindi ko nasabi sa kanya na ang Kika ng Castrierre ay Casey ng Sparluke na kontrabida rin sa buhay ko. Magkaibigan man sila ni Torrine pero kami hindi.

"Hey Bethel, mind if you can join us at lunchtime?"

"Yes. I mind." Prangkang sagot ko kay Casey at bigla naman naningkit ang mga mata nito. "Are you sure?"

Ayokong mahalata na sobrang naaapektohan ako sa pakikipagkaibigan ni CG sa babaeng ito kaya naman dineretso ko na ito sa pakay ko talaga. "No. Okay, maglalunch na ako kasama kayo."

Tumawa na lamang ako ng pabiro dahil hindi naman talaga nasasagot ng I mind ang isang tanong kapag ayaw mo. Napangiti naman siya sa sinabi niya.

Hawak hawak ko ang packed lunch ko na gawa ni tita, dahil sa Eligio residence ako natulog, at sumabay na kay Casey papunta sa cafeteria. Hindi ko namalayan na ngayon na pala iyon.

Wala akong balak chikahin siya. She didn't even welcome me here and I am having a hard time. Akala ko ay matututukan ako ni CG pero hindi ko alam na best friend pala siya ng bayan dito. So might as well be get friendlier to Casey.

"By the way, welcome to Sparluke." Bati niya nang huminga naman ako dahil sinabi na nga niya ang inaasam asam ko.

"Thanks." Simpleng pasasalamat ko nang nakita ko si CG at ang isang pamilyar na lalaki na nakaeye glasses. May kasama pa silang babae na maganda. Napatigil naman kami sa paglalakad dahil nandito na pala kami sa uupuan namin. Nakatitig pa rin ako kay CG.

Bakit nagseselos ako bilang kaibigan na may ibang kausap ang best friend ko? Damn it Bethel, it's not your kingdom anymore!

Dahil si Casey lang ang kasama ko ay naisipan ko na lang na kausapin siya. I have no choice but to entertain her. Baligtad ano?

Bothersome sa'kin ang pakikipagusap ni CG sa iba kaya naman ayun ang naisipan kong itanong, ang hindi ko pa alam sa kaibigan ko.

"Sino pala yung kausap ni Torrine?"

Pagtatanong ko kay Casey nang sinimulan kong i-unpack ko na ang binaon sa akin. She did the same thing on her bought packed lunch. "Andrew yung name. Barely known him for a while. Transferee lang din siya rito. At yung babae naman si Mandy."

Tumango naman ako. That's right, yung mahiyain na lalaki. Napansin ko lang sa kanya na he isn't confident enough because of his posture and the way he gestures himself to speak, it isn't right. And for that, I can tell that he's pretty shy.

While the girl is just the same thing as the wallflower boy. Mahinhin ito pero 'di mo maipagkakaila ang ganda nito. Matangos ang ilong at ang haba ng pilik mata. Mas diverse pala sa eskwelahang ito.

Maya't maya ay may biglang dumating na lalaki na sobrang familiar na naman sa'kin. Ito naman ay over-confident kung tingnan at maangas itong pumunta sa grupo. Kung hindi ako nagmamali, siya yung Kyle na manyak makatingin noon sa event. Inakbayan naman niya ang lalaking nakasalamin. He looks like a bully though.

"Bethel. Kumusta pala ang kapatid ko sa'yo? Balita ko nagkakasundo kayo ayon kay Sarmie."

Napaatras naman ako sa ulo sa sinabi niya. Wow, huling huli na siya sa balita. Pati ba naman ang Sarmie na iyon ay hindi nakikiusyoso. Sabagay tama naman iyon pero ang barumbado niyang pinsan ang nakakaalam lahat ng sa'kin.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon