Chapter 20: Splats Fitted

97 12 2
                                    

"BAGAY ba sa'kin 'to?"

Isinukat ko ang pulang dress na napili ko sa isang dress rack. Siya naman abalang kinakalikot ang cellphone niya. Sinusubukan kong kunin ang atensyon niya kaya naman lumapit ako sa kanya nang matapos kong isukat ang pulang bestida na kakasukat ko lang sa fitting room.

"Jurvis?"

I seductively spoke his name nang nanlaki naman ang mata nito sa pagkakita niya sa'kin. Napansin kong tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ito makatingin nang natapos niyang i-distinguish ang naisukat kong revealing na pulang tela na ito.

"Don't you think it's a bit... revealing?" Kapansin-pansin din ang pagka-nginig sa boses nito.

"It's a big revealing, you silly!" Pabiro ko siyang binatukan sa ulo niya nang napansin kong namumula siya. I like this kind of their innocence. Ano akala nila sa'kin, 'di ko alam na 'di pa sila nakakakita ng mas raw sa suot ko? Hell no.

"I mean, tingnan mo. Masyadong labas yung..."

Gusto ko nang matawa sa napapansin kong kahihiyan niya sa nakikita dahil sa almost labas na ang aking dibdib pero mas pinili kong i-tempt siya, out of his comfort zone.

"Don't you think it's sexy? Alam mo ikaw lang ang nag-iisang napansin kong ayaw akong pasuotin ng ganito."

"Baka kasi mabastos ka." Bulalas nito nang naisipan ko ring sasambitin niya.

"Edi ipagtanggol mo 'ko. I know you can defeat anyone fearlessly. Ni ako nga napabigay mo sa napaka-lakas mong confrontation sa akin e."

Paghawak ko naman sa braso nito at sinadya ko pang idikit ang gilid ng aking mukha dito. I can feel the hardness of his biceps. Tumitigas, sadyang hindi na makapagpigil sa malambot na bagay na naibibigay ko sa kanya.

Hinawakan ko pa ito para maramdaman ang pagka-kurba ng muscles niya. It's more define than I thought.

"M-magpalit ka na lang ng iba." Nauutal nitong sabi nang kumawala siya para maghanap pa nang mas konserbatibong bestida na babagay sa akin.

"Okay. Iabot mo na lang sa'kin sa fitting room. Huhubarin ko na 'tong red spaghetti dress."

Pagkatalikod ko naman sa kanya ay ngumiti ako ng mala-demonyong linya sa labi ko na ang kawalan lang ang nakakakita. It's a shame, Slatie has to miss this and Traigan didn't even see me in a revealing dress.

Hinubad ko naman ang pulang bestida na suot ko. Ibinaba ko ang zipper nito sa aking likuran nang napatalon ako dahil biglang kumatok at nagsalita si Jurvis.

"Pinilian kita ng tatlo. Pagpilian mo na lang 'to."

Akala ko ay ibabato niya ito sa kabila ng aking pinagbibihisan ngunit gusto pa nito ay kunin ko ang mga bestidang iyon pagkabukas ko ng pinto.

Dahil napansin kong half-naked ako ay isinabit ko muna pansamantala ang dalawang strap ng spaghetti dress sa aking balikat at binuksan na ang pintuan.

Nakita kong nakatagilid ito sa posisyon niya habang iniaabot ang tatlong dress na napili niya. "Bakit ang hahaba naman nito?"

Pagtatanong ko nang napansin ko ang mas kabado nitong katawan. Pinagpapawisan na siya sa gilid ng kanyang mata. Humalakhak ako para pagkatuwaan siya.

"You were embarrassed? Hay nako Jurvis. Masanay ka na."

Kinuha ko na sa kamay niya ang tatlong dress at bago ko pa man isara ang pintuan ng dressing cubicle ay nakita kong pinunasan niya ang pawis nito gamit ang kanyang kamay, pataas sa hair line niya. Napangiti ako. Alam kong naiilang na siya at walang makakaiwas sa alindog ng isang Bethel Rosel

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon