Chapter 10: Hypnotism

162 11 3
                                    

Pinapasok ko ulit si Brick sa aking kwarto matapos kong magpalit ng tatlong layer na pang-itaas: Pinakauna ang bra, sumunod sa sando, kinahulihan ang tshirt sa ibabaw.

"Bakit ka nga pala napa-rito? Pinagising mo na lang sana ako kay Mommy kaysa naman natitigan mo pa akong natutulog at napakinggan ang pangit na paghilik ko." Pag-iikot ko ng dahilan para maiwasan niya ang pagtanong tungkol sa aking labi.

"Binibisita lang kita. Ang aga mo yatang umalis kanina?"

Tumingin naman ako sa orasan sa loob ng aking silid at binilang ang oras ng aking tulog. Alas sais na rin kasi at nakikita kong madilim na sa labas.

"Natulog ako ng 4 na oras. 'Di kasi ako nakatulog ng maayos dahil sa kalasingan."

Sagot ko sa kanya habang inaayos na ang aking kwarto para tuluyan na kaming bumaba. Pagkababa naman namin ay sumalubong sa'kin ang mata ng tatay ko na maaga palang umuwi. It's really unusual.

"Daddy, ang aga mo naman atang umuwi." Bumeso naman ako rito nang tumango ang kaibigan ko bilang pagbati. "Good evening po."

Napansin ko na masama ang tingin ni Daddy kay Brick na nasa likuran ko lang kaya naman sumingit agad ako sa titig nito. "Daddy, kumain ka na ba? Sabayan na kita."

"Oo nga, halika hijo. Dito ka na maghapunan sa'min."

Pagsisingit ni Mommy nang umupo na nga ito sa mismong tabi pa ng aking tatay. Bilog ang lamesa namin kaya naman magkatapat kami ni Brick. Habang pinaghahaingan na kami ni Mommy, ay bigla namang nagsalita na si Daddy.

"Nililigawan mo ba 'tong anak ko?"

Dahil nagbabasa ito ng dyaryo, muli niya itong ibinaba para lang sabihin iyon.

Sinenyasan ko naman ang aking katapat na itikom na lang ang bibig nang ako na ang magsalo sa tanong iyon ngunit nahuli akong ginagawa ko 'yon.

Napakagat naman ito sa baba ng kanyang labi at huminga. "Hindi po."

"Oh. E bakit parang hinanda mo pa ang sarili mo para lang sagutin ang tanong ko? Alam mo, mukha ka namang matino e. Kung liligawan mo lang naman itong si Bethel, ay gusto ko sa kasalan mo i-papakay ha?"

Nagulat naman ako sa nasabi ng tatay kaya kinunutan ko ka'gad ito ng noo. "Daddy!"

"Bakit naman hindi? Ano ba ang dahilan ng pagboboyfriend at girlfriend? Kasi mahal niyo ang isa't isa. Hanggang saan pinapatagal 'yon? Pang habang buhay iyon pinapatagal! Relationship should aim to forever. Eh kung magkaka-nobyo ka lang naman, dapat alam mo sa sarili mo na pagmamahal 'yon sa habang buhay, hindi lang sa temporaryo gaya ng nauuso sa kabataan ngayon."

Pilit naman nitong paliwanag pero umamin na ako na mayro'n akong isa na parang hindi naman iyon ang pakay.

"May boyfriend ako, Daddy. Hindi nga lang kapares ng sinasabi mo."

"Useless. I-break mo kung hindi ka kayang panindigan hanggang sa altar."

"Altar lang? 'Di ba pwedeng hanggang langit?" Hirit naman ni Mommy kaya natawa kaming apat. Aminado naman ako sa mga kabalastugang ginagawa ko sa aking pamilya, ngunit hindi ko lang maamin na ako itong naghahabol sa imposible na pilit na ginagawang posible.

Matapos ang gabing iyon, ay ito nanaman ako. Nag-aabang ng himala para lapitan ako ni Traig, pero imposible. Pa'no nga magiging possible kung panay ang dikit nito kay Kika?

Hindi naman pwedeng ganito na lang kami kaya naman I asked one of my childhood friends about it. Eh ito naman palang babaeng ito ay may similarities sa Freaky-little-girl na ito dahil isa rin itong parang autistic kung kumilos.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon