Chapter 11: SILly ('Sister'-in-law)ly

147 11 2
                                    

Pumasok ako ng school nang nasilaban ako ng bait sa aking katawan, kasunod ng pagsalubong ko kay Freaky-little-girl. Umaapoy sa sobrang init ng pagbati ko sa kanya.

"Let us start over again, shall we?"  I hugged her in wide arms open. Hindi mo kailanman makikita ako na ganito kabait... ngayon lang!

"Bakit naman hindi? Oo naman."

"Bakit hindi? Dahil baka naman ayaw mo sa'kin. Sasabihin mong inaagaw ko ang My Traigan ko."

"Why would I? Bakit naman kita aayawan kay My Traigan? Sa'yo nga siya e."

Humahalakhak naman ito sa kawalan nang yumakap na naman sa'kin. Autistic talaga 'tong babaeng 'to.

Dahil magkasundo na kami nito, ay sabay na kaming kumain sa tuwing break namin pagkatapos ng klase. Mabait naman siya, at mas lalong nababaitan na ako sa sarili ko.

"Ano bang nagustuhan mo kay My Traigan?"

Bigla na lamang tumikhim ang lalamunan ko nang naitanong niya sa'kin iyon. Sa halos ilang araw na kaming naghahang-out, ay ngayon na lang niya in-open up ang lalaki sa buhay ko.

"Chubby Cheeks, have fantastically broad body type..."

"He's hot when he's mad."

Bigla na lamang kumunot ang noo ko nang narinig ko sa kanya 'yon. Line ko 'yon e. Takteng CG, halong-halo ang babaeng ito sa kanya.

"Do you read minds? Line ko 'yan ah?"

"Malakas ang pandinig ko." Kumindat naman ito sa'kin nang nakapag-kibit balikat na lamang ako sa inaasal niya.

"So meaning to say, ang chubby chubby-ng katawan ni My Traigan ay yung may pagka-macho sa'yo?" Sa pag-iibang usapan naman nito ay nakaramdam na talaga ako ng kakaiba sa kanya. Masyado siyang into changing topics.

"It's just, fantastic?" Pag-sasarkastiko ko sa kanya nang nginitian lang ako nito. Hindi ko man matanong ito ng diretsuhan kung she's into My Traigan's still but I'm into skepticism.

"Bakit mo naman natanong out of the blue 'yan?"

Tumikhim muna ito bago siya magpahayag sa akin. "Gusto lang kita as my sister-in-law."

Walang pagdadalawang isip na sinabi nito nang tumango ako nang bahagya. Good for a girlfriend image; as far as I knew, hindi talaga ako matatanggap ni Slatie.

"Buti ka pa, tanggap mo ako. Iyong isang kapatid ni My Traigan, halos kasuklaman ako kung kausapin ako bilang girlfriend ng Kuya niya e." Pagkukwento ko naman nang napa-kunot noo ito sa sinasabi ko.

"Slatie Yoh, his sister. I mean his step sister."

I stated the rightful fact of their family.

"Y-yes. I know her."

Matapos naman naming kumain nitong si Kika ay dumiretso na rin kami sa aming classroom. Kaming dalawa lang ang naka-upo sa pinaka-harapan ng set ng desks dahil close na nga kami at walang ni isa sa amin ang lumalapit sa aking My Traigan.

Nagsisimula na ring pumasok ang mga kaklase namin sa silid nang natanaw namin ang paglabas ni My Traigan sa silid nang wala talagang lumalapit ni isa sa amin.

"S-sa'n pupunta 'yon?" Pagtatanong ko na lamang sa aking katabi dahil alam kong marami siyang alam sa kapatid nitong kakaalam ko lang.

"Usually hanging out with his friends."

"May kaibigan pala 'yon? May klase ah?"

Pag-aalala ko nang tumingin-tingin pa ako sa labas ng aming silid para masilayan siya ngunit nakalayo na nga talaga siya nang tuluyan. Gusto ko mang tanungin sa Kika na ito na bakit sila ang madalas na magkasama noong wala pa akong alam sa pagkoneksyon nilang dalawa pero alam kong madadala ako ng pagkailang so I didn't bother asking.

"Hindi mo ba itatanong kung bakit madalas kaming magkasama ng My Traigan mo?"

Talaga ngang mind reader ang babaeng ito!

"Dahil magkapatid nga kayo? It is not a big deal for me."

"It used to be biggie, Bethel. Pinagseselos ka niya para raw tumino ka."

Napangiwi naman ako sa narinig ko mula sa kanya. As if he really care that much for me. Ni hindi niya nga ako masuyo-suyo ngayon tapos saka niya lang ako pagsasabihan sa kalasanan ko na naman... Especially when he sees me with some other boy, by expressing himself being mad, he just leaves me behind.

It is a round hell of a cycle.

"How can you explain the make out then?"

Sunod na aking pag-ngiwi nang tumawa naman ito nang bahagya. Hindi na siya sumagot pa dahil pinagtutuunan na pala kami ng pansin ng buong klase, kasama ang guro naming nasa harap na pala ng pisara.

"Pwedeng maki-sali sa tsismisan? Bakit nga ba nagkukwentuhan kayo sa loob ng klase ko?!" Nanggagalaiting bulyaw ng Ginang. Napalunok na lamang ako dahil baka ipagsigawan niya sa buong klase ang pinag-uusapan namin ni Kika.

Tumingin naman ako sa aking likuran kung saan nakaupo nang muliang  hindi ko napansin na nakapasok na palang si Traigan. Napa-kibit balikat lamang ang aking My Traigan sa pagsulyap ko rito.

"Kung hindi niyo mapigilan 'yang pagtsi-tsismisan niyo, eh pwede na kayong lumabas." Nagulat na lamang ako sa sunod na ginawa ng katabi kong si Kika. Hinila nga ako palabas at muli namang napatahimik ang aming guro. Talagang autistic nga!

"Huy, warning na kaya 'yon. Talagang magtsitsismisan tayo sa gitna ng warning niya?" Bulong ko sa kanya habang hawak niya ang aking braso

"Bakit naman hindi. I want to know more about my sister-in-law."

"Your what?" Nanlaki naman ang mata ko sa nasabi nito. Talagang nahihibang na nga talaga siya. "You are so silly! Bakit ka ba ganito Kika?"

Hinarap ko na siya sa tanong na iyon, kasabay ng pagsulyap ko sa likuran kung saan ang aming classroom na nasundan ko pa ang titig na pinakawalan ni My Traigan; kinukwesyon ng mga mata nito ang pag-labas naming dalawa nitong kapatid niya.

"At bakit hindi? I'm going to be as silly as your Sister-In-law."

Napangiwi naman ako sa kanya nang naramdaman ko naman ang sadyang pagkabangga sa'kin nitong si Brick. Late siya from break ah?

"Bakit nandito kayo?"

Pagtatanong naman nito nang ngumiti lang ang aking katabi na tuwang tuwa pa ito na kusa kaming lumabas sa klase.

"Magtsi-tsismisan kasi kami. E pinagbigyan kami nitong sister-in-law ko na lumabas na lang daw kami kung mag-uusap lang kami sa klase, so I grab that chance to continue our conversation."

Pati itong si Brick ay napanganga na lang din sa narinig niya kay Kika. This girl is really eccentric! Really rare to find like her. Tao pa ba 'to?

"Very silly!"

Bulong ko nang tumawa naman ito ng mahina sa'kin.

"That's my name."

"Super much Silly, Kika!"

"Huwag mong ipagkalat. Maiinggit ang lahat."

Humalakhak naman ito at pinagpatuloy ko na talaga ang aking pagka-ngiwi.

Talagang ipinamukha niya sa'kin na I can have her as a nice 'sister' unlike My Traigan's half sister.

Damn, I have a (SIL)ly; (Sister-in-law)Ly

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon