Chapter 30: Someday

63 8 7
                                    

It's time to question her opinion about this.

Nagpahila na ako sa pagsumbong ni Slatie sa guidance at sumama naman si Jurvis; nandito nga lang siya sa side ko. Nilubayan na kami ng mga estudyante at nang maayos na kaming naglalakad ay nadaanan namin ang nakita ko sa hindi kalayuan kanina.

"Hi Kika. Hi Traigan."

Walang ganang bati ko at takang taka na kaway sa'kin ni Kika. Takang taka rin ako kung saang side ka nakapwesto. Sumunod sila sa amin dahil senyas na ata sa kanila ang paglakad ni Slatie na kasama ang 'nangbiktima' sa kanya kaya naman sumunod ang dalawa sa side niya.

Bumaba kami ng hagdanan nang muntik na akong mahulog nang tuluyan kakatingin sa presensiya ni Traigan. Mabuti na lamang ay naalalayan ako ng gentleman na si Jurvis at hindi man lang kumibo si Traig.

"Are you okay Bethel?"

Tanong ng guidance counselor sa akin at tumango lang ako. Hawak ni Jurvis ang magkabilang pulso ko. Si Slatie ay malamang na masama ang tingin sa akin habang si Kika ay nagalala sa pagiinarte kong hindi sadya.

Ang kwartong pinasukan namin ay punong puno ng file cabinets. Nasa harap kami ng isang desk at may limang upuang nakahilera sa tapat ng lamesa. Nakaside view ang upuan kaya naman ang katapat ko ngayon ay si Slatie. Ang katabi ko namang si Jurvis ay si Traigan ang katapat. Lalaki sa lalaki at babae sa babae. Si Kika naman ay dapat na nakaupo sa gitna, sa harap ng guidance counselor at malayo, pero pinili niyang tabihan si Traigan.

Hindi ako naiinis sa presensiya ni Traigan. What bother's me is Kika. Pagkatapos ko siyang itrato na sa'kin lang siya ay ito naman siyang sinusuportahan ang kabila. Mabuti pa si Slatie, may transparency. Ayaw niya sa'kin and that is very clear to me.

Para siyang water: what? eer! I totally disgust the way she hates me. I am so cool. Pinakisamahan ko pa siya noong nalasing ako at natulog ako sa kwarto niya but then again, she hates me and end of story.

Hindi tulad kay Kika ay wala man lang pasabi-sabi at pinakita niya pa ang pagkabalingbing nito. Kung saan ang unang nagkumbinsi sa kanya na tama ay doon siya. Whatever, people in nature are just horrible.

Umupo na sa wakas ang guidance counselor at inihanda ko na ang sarili ko para marinig ang nai-compose na ni Slatie na paninisi sa'kin na parang text message: siguradong may shortcuts at ipapamukhang ipinagkalat ko sa buong madla na sinabotahe ko siya. Basically it is the "send to many" or "group message (GM)" strategy.

Tumingin sa akin ang guidance counselor para hingiin ang opinion ko para sa nangyari pero hindi ako nagsalita. Hinayaan kong si Slatie na ang magsabi ng tungkol sa nangyari total she is a story teller for the two of us at ako ay 'yong taga-akto. Do'n naman ako magaling sa paningin niya. Ang mga kilos ko na ang hinuhusgahan niya. Sometimes it is good while most of the time, it is bad.

Nag-pout ako para mapunta ang atensiyon kay Slatie. In this case, I'm allowing her to spit out her say about what happened. Gusto kong marinig kung pa'no ko siya inapi sa perspective niya.

"Go on Slatie. I am on your side don't you worry."

Pasarkastiko ko nang sabi siyempre. Mabait pa ako sa lagay na 'to because I am allowing her to say her opinion about the mess happened.

Umubo muna ito at inayos ang pagkaupo. Wrong move. Halatang scripted na ang sasabihin. Pinagpractisan na kung pa'no ako sisiraan. She should've just acted naturally and be ready for this tentatively.

"Nangyari ito sa Annual Speed Dating Charity Program po. Of course siyempre ay pinlano na niyang bwisitin ako kaya nakafocus na agad ang atention niya sa'kin. Halatang iinisin na niya ako noong oras na 'yon at ginawa niya nga. Para hindi mapunta ang spotlight sa kanya bilang isang mess setup ay nilipat niya sa'kin 'yon para ako ang maging mukhang masama."

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon