Chapter 51: Not Worth The Living

76 2 2
                                    

Sumasakit ang ulo ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa akin. Mariin akong pumikit at hinawakan ang aking noo nang nakarinig ako ng blower galing sa banyo. Alam ko kung nasaan ako. After all these years, hindi pa rin nabigo si Traigan na dalhin ako sa matinong lugar na pagpapahingahan. At least kahit na si Slatie ang ka-roommate ko for a mean time ay babae itong kasama ko. Despite na sinagot sagot ko siya kagabi ay nagawa pa rin niya akong protektakan. May nasabi ba ako sa kanya kagabi? Am I too harsh on him last night? Patay.

Unti unti kong dinilat ang aking mga mata nang bigla na lang sumakit ang ibaba ko, kasabay din ng pagsakit ng aking katawan.

"Slatie, can you help me?" Pinikit pikit ko ang mga mata ko nang tumingin ako sa kisame. It's still white. "Slatie please?" Medyo malakas ko nang sigaw at tunog pa rin ng blower ang naririnig ko.

Kinubli ko naman ang sarili ko sa kumot dahil nalalamigan ko nang pagkatingin ko sa katawan ko ay wala na ang leather jacket ko kagabi. Ang tshirt ko ngayon ay parang naninipisan na rin ako dahil wala akong suot na bra. Ang palda ko naman ay nakataas sa pagkumot ko. Anong ginawa sa akin ni Slatie?

Nang namatay ang blower ay nakarinig ako ng yapak papunta sa hinihigaan ko. Nang nakaamoy ako ng bagong ligong tao ay ibinaba ko hanggang tiyan ang kumot na pinagtataguan ko. Pumikit pikit ako nang si Brick ang bumungad sa mukha ko. Walang damit pang itaas ito at nakita kong nakatuwalya lang ito.

"It was great last night."

Nanlaki naman ang mga mata ko nang pumanik ang labi niya sa labi ko. Nalasahan ko ang bibig niyang kaka-Listerine lang at naramdaman ko ang tumutulong tubig sa mukha ko na nagmula sa basang mukha niya.

Nang inilayo naman niya ang mukha sa akin para pagmasdan ako ay tumakbo ako palayo sa kama at nakita ko ang boots at ang leather jacket ko na nasa upuan. Binulungan ko ang sarili ko. "Bethel this is wrong. You are dreaming."

Dumiretso ako sa banyo ngunit bigla namang kumabog ang dibdib ko nang nakita ko ang ginamit ni Brick na damit kagabi na white t-shirt lang at jeans. Nanginginig ako sa kaba. Naramdaman ko naman si Brick agad na nasa likod ko na pala siya.

"Bethel chill. Nandito lang ako. Don't you remember what you did last night?"

Patuloy pa rin ang pagyakap ko sa buhat kong boots at leather jacket nang iniharap niya ako sa kanya. Bumungad sa'kin ang katawan niyang lean na matipuno at napansin kong mas nawo-work out ito. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil mukha man siyang anghel ngayon na may maamong mukha ay nadedemonyo ako sa kinatatayuan ko ngayon. What have you done, Bethel.

Hinawakan niya ang baba ko at iniharap sa mukha niyang nakakakumbinsi na safe ka sa kanya, which is I'm not right now. Nilapit niya ulit ang mukha niya and he's trying to press his lips on mine again. Mariin akong pumikit at sinusubukan na yumuko baka sakaling hindi niya maabot pababa ang labi ko ngunit naramdaman kong nag-squat siya ng konti para lang maabot iyon.

Hindi ko alam kung bakit nanlaban na lang ako sa paghalik niya ngunit mismong labi lang ang isinandata ko. He twirled his tongue through my mouth, finding my red popsicle to respond on his pero hindi ko inilabas iyon.

Nang kumawala ulit siya sa halik namin ay mas lalong kumabog ang dibdib ko na para bang sasabog na ito. Ang mga binti ko ay nanginginig at ang gitna nito ay nananakit.

"Bethel are you okay?"

Hinawakan niya ang pisngi ko habang nakayuko ako nang pinabayaan niya na lang ako. Umalis siya sa harap ko at tuluyan ko nang isinara ang banyo, with his clothes still here. Gusto ko mang kunin iyon para ibigay sa kanya ngunit ipupunta ko pa lang ang kamay ko do'n ay nanginginig na ito.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon