Chapter 18: Traigan Endures...

119 9 1
                                    

GINAWA ko ang makakaya kong pakalmahin ang sarili ko. Kumukulo ang dugo kong pula na nagiging itim dahil sa natatanaw ko. Pati na rin ang aking budhi ay pinapaitim ng aking My Traigan.

Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan ang dalawa dahil sa inaasal ng aking boyfriend. Hindi naman kasi tamang takbuhan na lang ako at didiretso sa kapatid niya na tila pinaninindigan talaga nito ang kaduwagang bumabalot sa kanya. Harapin niya na lang ako hindi pa niya magawa.

"Traig, ano ba? Nagmamalasakit na nga ako sa'yo kanina pero tinakbuhan mo lang ako?"

Sinabayan ko pa iyon ng malakas na pagbangga sa kanya pero tahimik lang ito. Unti-unti siyang yumuko at itinuon ang pansin sa kapatid. "Hoy ano ba?"

Isa pang pagtulak ko sa braso niya at lumingon na siya na nakataas ang mga kilay nang humarap sa akin. "Keesh, iwan mo muna kami."

At talaga namang may tawag pa siya dito kay Freaky-little-girl na ito. Subalit sa'kin demonyo ang maituturing na pangalan. That's my real name on his thoughts!

"Hindi, Kika. Maiwan ka dito. Ayokong gagawan ako ng bayolenteng aksyon nitong 'kapatid' mo." I emphasized the word see-bling, so he will realize na ang girlfriend na niya ang sinasaktan niya ng sobra.

"Ano'ng akala mo, sasaktan kita ng pisikal? Ako ang sinasaktan mo, Bethel! Pinagtitiisan ko lahat ng mga ibinabato mo sa'kin."

Gusto ko man siyang saktan ng pisikal: sampal, sapok, sabunot, suntok, salisi gang, lahat sa letrang 'S' na bayolente! Pero alam kong dala lang ito ng marubdob na damdamin kaya wala akong itinuloy sa mga balak ko sa kanya.

"Ano sasampalin mo 'ko? Go ahead! Total ayoko lang naman 'yung minamaliit mo 'ko. Kaya kong tanggapin ang lahat ng sakit na dumadapo sa katawan ko. Pisikal lang naman 'yan e."

Lumambot naman ang puso ko sa narinig ko sa kanya. Para bang ang puso ko ay sumisigaw ng hustisya sa lahat ng nasabi ko sa kanya. I can't believe I'm doing this. His life is trapped within my world.

"I have endured everything, Bethel. Gusto kong isumbat ang lahat ng 'yon dahil ayokong minamaliit mo 'ko lalo na sa mga sakit na pinapadama mo sa'kin. Ayokong ginagawa mo akong alipin. Sa mga pasakit na ginagawa sa'kin ng mga taong nakapaligid sa'yo na wala naman akong ginawa kundi umaasa lang sa pagtatanggol mo." Naramdaman ko ang hinagpis na nararamdaman niya sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Ngunit dama ko rin na ayaw niyang kaawaan ko siya. Gusto ko siyang yakapin!

Magulo ang mga lalaki, dapat lang na nililinaw nila ang lahat para maintindihan namin ang mga hinaing nila. Na ang pinagmulan ay ang mga problemang pilit nilang ikinukubli.

"Hindi nakakabawas ng pagkalalaki ang pagsabi sa'kin ng problema, My Traigan. Ako, ano ba ako sa'yo? Isang santo na babatuhan mo lang ng mga sakripisyo mo para maisip ko na kaawaan at ma-appreciate kita? Babae ako, My Traigan. Girlfriend mo ako."

Ang paru-parong lumilipad sa aking tiyan ay mistulang nagsisimula na. Matinding panginginig ng tuhod na rin ang naramdaman ko nang naipahayag ko rin ang mga sumbat ko sa kanya.

"Itong ginagawa mo ngayon ang mas nakakabawas nga ng pagkalalaki mo, eh. Biruin mo, Ilang beses mo akong iniwasan para lang sa kapatid mong ito. We kissed at malapit na natin malampasan iyon pero mukhang ikinakahiya mo 'yon dahil tinatakpan mo lang ng panunumbat kunwari ang lahat!"

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa mukha ko pero umiwas ako. "Bethel, nakakahiya. Nahihiya ako."

"Dapat lang na mahiya ka. You're the reason why I became like this. It is your fault that you've turn me into this way tapos ngayon magrereklamo ka?"

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon