Chapter 36: 'Brick' is a sign of DANGER

68 8 5
                                    

"Bethel I swear, hindi ko sinabi kay tito at tita. Tinawagan na lang nila ako at nagpasama sa'kin dito."

Wala na akong pakialam kung sino ang nagsabi. Haharapin ko na ito. It's a least I can do for myself, is to stand for myself after all the craziness that I tolerated.

"Hindi na importante kung sino ang nagsabi. Bethel pasok!" Dad shouted as I cringed a little. Hindi ko na siya kilala. Sobra ang usok na lumabas sa ilong nito habang si Mommy ay nakakapanibago rin, wala nang makapaghihiwalay ng kilay niya sa pagkakurba niyang iyon. And I have to admit that I wasn't ready for this, just until now.

Pumasok kami sa guidance office at nakayuko lang ako sa harap ng guidance counselor at sa mga magulang ko. Hindi na ako kikibo. Bahala na sila.

"Sir and Ma'am. Maganda ang record ng anak ninyo; she gets the best grade, isa siya sa mataas na section ngunit ikinalulungkot namin na ibalita sa inyo na aalisin na namin siya sa paaralan. Marami na siyang ginawang kalokohan at iba na ang gulong naidudulot niya rito. The board members even let her actions left behind first but they have decided now."

Nakatikom lang ang aking bibig habang narinig ko iyon galing sa guidance counselor.

"Itong kahulihan lang niya na ginawa ay do'n na siya sumobra kaya naman napagpasiyahan na namin na alisin siya." Sunod na paliwanag naman ng babae sa harapan.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha sa narinig ko. So does that mean all these time ngayon na lang nila ako naisipan na i-expel dahil sumosobra na ako sa ginagawa ko? All these time sinusumbong na pala ako ng Slatie na iyon? Hindi na ako magugulat kung pati ang guidance counselor na ito ay hawak pa rin niya sa leeg.

"I'm very sorry Mr. and Mrs. Rosel pero pilit na naming aalisin ang anak ninyo sa paaralang ito."

She apologetically said for the last response and naramdaman ko ang pagtingin ng mga magulang ko sa akin. Talagang inulit pa niya ang mga salitang aalisin na ako dito pero hinayaan ko na lang.

Hindi ko na nakayanan ang pressure na nararamdaman ko kaya naman napalabas na agad ako. Gusto kong umiyak ngunit hindi ito ang tamang lugar para gawin 'yon. Kailangan kong makapag-isa para gawin ang pag-iyak pero hindi ko gagawin iyon dahil ngayon ko lang gagawing malakas ang sarili ko...well at least for now.

Napansin ko rin sa guidance counselor na nagaalala siya. Well I don't need her sympathy dahil ayoko lang talaga ng kinakaawaan ako. I am a strong woman at hindi ako magpapaapekto sa ganitong bagay na sumisira sa akin.

Sinalubong ako ni Torrine ngumit pumiglas agad ako sa pagtapik niya sa akin. Ayoko rin ng hinahawakan ako ngayon dahil mas lalo ko lang mararamdaman na nakakaawa ako. No to self pity, remember that.

"Bethel paniwalaan mo naman ako. Wala talaga akong kinalaman sa pagsugod nila rito."

At naulit pa ang pagdedepensa niya sa sarili. Tiningnan ko lang siyang blangko at wala akong inilalabas ng kung ano sa kanya.

Niyakap na lang niya ako at gusto ko mang tuluyang umiyak pero hindi ito nalaglag ng tuluyan sa pagsulpot ng mga magulang ko sa harap ng kaibigan ko.

"Bethel halika na. Uuwi na tayo."

Nakaabang na ang kamay ng nanay ko at medyo pagalit na niyang sabi. Bumitaw ng yakap si CG habang ako naman ay nakatulala lang na parang wala sila sa harapan ko. "Bethel isa!"

Mahina na pagbabanta ni Mommy nang pakunot na naman ang noo nito. Si Daddy naman ay hinihintay na sumama ako kay Mommy.

"Bethel dalawa. Huwag na huwag mo akong hahayaang kaladkarin ka pauwi."

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon