Chapter 13: Kurbang Galit

128 8 1
                                    

"Oh, bakit nanatahimik ka lang diyan?" Pag-usisa ni Kika ng mapansing nakatunganga lang ako. Hindi pa rin kasi matanggal ang nasa isipan kong ikinwento ko sa kanya.

"Wala. Na-touched lang ako sa concern ng aking My Traigan." I added a soft squeal so she can't notice the worry that's bothering me.

"Talagang kilig na kilig ka sa kanya ah?" Sinundan din nito ang paghiyaw ko ng mahina sa aming dalawang tsismisan.

"Nakakatuwa lang kasi kapag nagrereminisce ka sa masasayang araw. Para bang kahapon ka lang niya napasaya na talaga namang tagos hanggang puso pa rin."

"Talaga bang tagos hanggang puso? Baka naman hanggang sa pagkababae mo ah?" Sumunod ang hagalpak nito, kaya naman napalo ko ito ng pabiro. "Oy hindi ah! Unfortunately, he's a prude."

"No, he's not acting like one. 'Di naman siya gaganti sa mga halik mo noong nasa CR kayo kung prude siya e. " Biglang sambit na naman niya dahilan upang mabunyag ang akala ko'y sikretong nagawa ko.

Para bang pinapalabas niya na dapat akong mahiya. Hindi naman ako guilty pero pinapalabas niya na ang mga ginagawa ko ay mali para sa kanya.

"Mali ba ang mga ginagawa kong iyon?" Pagsimangot ko na sa harapan niya pero bilang sagot ay matamis na ngumiti lamang siya sa'kin.

"Bakit naman mali? Saksi ako sa mga sakripisyo mo. I know, deep in your heart, it is worth to do it."

...And the things that I haven't notice before, is worth-bothering in my head. Curiosity kills everything. Hindi ko na rin alam kung tama ba 'tong ikinikilos, iniisip at sinasabi ko sa aking My Traigan.

TULUYAN na nga kaming nag-cutting ni Kika dahil wala na rin kaming magawa kundi ang makipag-kwentuhan sa kanya nang maghapon. Ilang bell na rin ang narinig naming lumipas sa aming oras at naghanap na kami ng bagong matataguan para sa usapan namin. "Bakit dito naman tayo sa likod ng stage?

"Para sure na walang hahadlang." Pagkindat naman niya dahilan upang mapangiti na lamang ako ng pilit. Gumagawa na ba ako ng bagong rason para tuluyan nang mapalayo sa kanya?

"Eh, pumasok na lang kaya tayo?"

Ang tanging hiling lang naman siguro ni Traig ay ang mapalapit ako sa babaeng ito.

Tumingin naman ako sa kanya. Ngiting-ngiti ito at alam ko sa mga mata niya na masaya siyang kasama ako. Hindi naman siguro ako nagkamali ng paglapit sa kanya.

"Nag-cutting na rin tayo eh 'di, sulitin na."

Sabagay may punto naman ito. Napayakap naman ako sa aking bag at naglabas ng pagbubuntong hininga. Bigla na lamang ako dinuro ng kaharap ko ngayon.

"Alam mo may problema ka talaga. Kung kay My Traigan ka nabobother, then sasamahan kitang pumasok."

Talaga nga naman o! This girl, the silliest person I've ever met. She is definitely my behalf's personality.

"Bakit ba ang bait mo sa'kin ha? Alam mo nagdududa na ako sa'yo ah?"

Muli ko nang pagtataray sa kanya dahil sa aking paghihinala ngunit inakala niya ito bilang pagbibiro ko. Humagalpak ito ng tawa.

"Chill. Sister-in-law nga 'di ba? Ikaw talaga 'di mo kayang sumakay."

Tuwang-tuwa talaga sa'kin ang babaeng ito.

"You are totally a Freaky-I mean Keerish Jaryio, you are the silliest one!"

Dahil tinawanan lang ako nito, ay nagawa ko nalang din siyang biruin. Ngumiti na ako ng bahagya para naman hindi na ako mapahiya sa aking inaasal sa kanya.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon