Chapter 47: His Rage

51 2 0
                                    

Si Jurvis naman ang sumalubong sa paglabas ko ng campus. Napatigil ako sa kinatatayuan ko. Na-built pa lalo ng muscles ang braso niya at mas lumabas ang alindog nito dahil do'n. Naka-plain t-shirt ito at napalunok ako sa harap niya. Lahat ng init na pwede kong maramdaman ngayon ay awtomatikong lumabas sa katawan ko: in terms of nervousness, shyness, at lalong lalo na sa pagkatulala. Sa lahat ng adrenaline rush na bumuhos sa akin ay ang init ng mukha ang nangingibabaw ngayon. Para bang sa simpleng pagbati lang sa kanya o pangangamusta ay hindi ko pa magawa. Bumalik ulit ang alaalang nabigo ko siya dahil sa ginawa ko.

Napansin kong pati siya ay napatulala sa harapan ko na para bang anghel na Bethel na ang natanaw niya, hindi ang demonyo noon na hinayaan lang siyang tuksuin. "Oh my God Bethel. Kamusta na?"

Idagdag mo pa do'n ang pangalan kong bumagay na talaga sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at nilapitan niya naman akong parang na-hypnotize ko na siya. Hindi ko naman siya inatasan na batiin ako ngunit ginawa niya pa rin.

"Long time no see. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap kita ngayon."

Napangiti naman ako ng papilit sa kanya at hindi rin ako makapaniwala sa pinapakita niyang reaksyon ngayon matapos ko siyang lokohin no'n.

"Nagbabagong buhay." I stuttered. Hindi ako makapagsalita sa harap niya, great! "Sige, mauna na pala ako." Sabi ko nang hindi ako makaalis sa harap niya at hindi rin ako nabigo nang pinigilan niya ako.

"No, magco-coffee tayo; to catch up please?" Masiglang sabi niya nang napakamot naman ako sa ulo ko. "Pero kasi kaka-kape ko lang kanina? With Rafael."

I showed him the most awkward smile I can give right now. Hindi ko namalayan na sinabi ko ang magpapatahimik sa kanya. Alam ko na ayaw niyang naririnig si Rafael dahil sa nangyari pero sinabi ko na. Slatie is all yours Jurvis at ikaw ang manok ko para sa kanya. Hindi ko nga lang manok si Slatie para sa'yo.

"Next time Jurvis. Just take my n-number."

At dahil hindi talaga ako makapagsalita sa harap niya ay napagpasiyahan ko na lang na magpalitan kami ng numbers. Na-realized kong napaka-lame pala ng pinalusot ko dahil may number naman kami sa isa't isa. Thankfully ay sinalo ko ng aking katangahan. Nagbago na pala siya ng number.

At doon na nagtatapos ang kwento...well at least for us. Hindi ko siya magawang tawagan o i-text man lang. Napaupo naman ako sa sahig at sumandal sa kama ko. Sadyang titig na lang ang nagawa ko sa numero niya at paghaplos sa aso ko.

Itinabi ko naman sa gilid ko ang cellphone habang napatingin naman ako sa kisame habang hinahaplos ko pa rin si My Treigan. Napagpasiyahan ko na lang kausapin ito dahil wala akong magawa kundi ay bigyan na naman siya ng magagawa sa mga iuutos ko.

"My Treigan, chase me! Leave everything behind and fetch me."

Kinukulit kulit ko siya habang may naisipan na naman akong isumbat sa kanya. "Sabi ko sa'yo na stay still. Bakit hindi mo ginawa? Bakit mo 'ko pinagsalitaan kanina? You are such a bad bad dog! Mukha kang aso."

Bulalas ko naman nang nagulat na lang ako sa biglang pagbukas ng pinto. Narinig ni Mommy ang galit ko sa aso at gabing gabi na ay nabulabog ko pa siya. I apologized at sinirado na niya ang pinto para bumalik sa tinutulugan. Dahil nasa loob ko pa rin ang panggigigil ay kinurot ko naman ng marahan si My Treigan. "Don't you dare do that again okay?"


Hindi ko sinunod ang ipinangako kong usapan kay Traigan. Sabi ko ay kinabukasan ko siya kikitain at paguusapan namin ang problema namin. It's not going to happen. Hindi gano'n kabilis iyon at 'di ko hahayaang gano'n lang kabilis nila malalaman ang totoong problema ko sa kanilang dalawa. Find the mystery among the two of you, you fools!

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon