Chapter 58: Rough and Icky

77 1 0
                                    

"Malaman laman ko na lang na isa daw akong Jaryio. I mean how the f**k that happened?" Hinaing ni Slatie nang bumalik na kami sa kwarto niya. Medyo may pagkailang pa ako dahil ngayon lang niya ako binuhusan ng hinaing bilang isang kaibigan niya, but I'm going to be fine.

"It's not my story to discover. Find it your way." Bulalas ko nang napatingin siya sa taas sa pagkabahala. Litong lito ito at hindi rin ako makapaniwala sa alam ni Kika. Slatie's being her sister? How so? I don't see any resemblance...well maybe for now.

"I hate this feeling, lalo na't malalaman ko pa na this is not my home? I don't even know how to move now. I can't talk to my parents tapos kung kailan wala sila ngayon tsaka na lang may susulpot na balita sa'kin na "ay, wala ang magulang mo pero kami talaga 'yon". What the f**k!" 

Kinuha niya ang unan na nasa tapat para pagbuntunan ng galit habang ako naman ay hinaplos ang kanyang likuran. "I'm sorry if this happened. I shouldn't have asked for the favor."

Mahinahon kong sabi nang natigilan siya sa sinabi ko. Napatingin niya at huminga siya ng paulit ulit. "No Bethel, no. I deserved that truth. It's just, I don't know how to respond. Sa teleserye lang nangyayari ang ganito e."

"Well now it's in the book of your life. It's your story to live in." Bumuntong hininga naman siya at nakumbinsi ko siya na buhay lang niya ang hinahawakan niya. Pa'no pa kaya kung ikaw ang Diyos? You'll be powerful enough to sense people but not all of them would treat you as The One Almighty.

Niyakap niya ako and this time, she initiated so I replied back.

Because I convinced her to live her life, we kind of did the same thing. We accepted that something is going on with our lives and it's going to be alright. She even encouraged me to talk to my parents about my issues...that I have been drugged and not actually attempted for the usage of drugs.

I guess this is the end of my madness.

Narinig ko naman ang pintong sumara na galing sa labas. I feel like it's Traigan. I wanted to clarify it to Slatie if it is really him but I don't want to discourage her as I'm dealing with Traigan right now. May problema siya at ayoko nang makadagdag pa do'n. Mas lalo lang itong mada-down kapag pinilit ko pa ang sarili ko sa pinagdadaanan ko.

It's the end of our story as well 


I ended up standing to our front door again. Sinamahan ako ni Slatie papunta rito. Kasama ko sana siya na harapin ang mga magulang ko but I refused to. Dapat ay sanay na ako sa pasikot-sikot naming ganito na pamilya at paulit ulit na lamang nangyayari ang ganitong drama sa buhay namin so I asked Slatie to leave this for me.

"Tawagan mo ako kung hindi pa rin okay. I'm still going to accept you wide arms open, don't worry." Pagpapakumbaba nito at tumango ako. Huminga ako ng malalim at napagpasiyahan nang kumatok. Whatever it takes, I won't let this pass.

Halos mapatalon ako dahil si Brick ang sumalubong sa akin. Nagmamadali pa ito sa pagbukas ng pinto at parang atat siya sa bisitang dadating. What is he up to?

Tumalikod ako para sumenyas kay Slatie at tamang tama, tumingin din siya sa direksyon ko. Naglakad ako sa direksyon niya habang siya naman ay hindi matanggal ang tingin kay Brick. She may be part of his plan too. Hindi lang basta fast glance ang tingin ni Slatie, para itong may halong malisya.

"Slatie salamat talaga. Gusto mo bang pumasok muna sa loob?" Pagmamakaawa ko sa kanya sa looban ko but with my enthusiastic tone, I invite her like that. "A-ah I have to go. Pupuntahan ko pa kasi si Traig at sabi mo nga, it's my story to discover kaya magtatanong ako."

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon