Chapter 40: The Danger

52 5 1
                                    

Dahil natakot akong buksan ang folder na ito at alam na alam ko ang akbay at ngiti ng mga magulang ko ay pinangunahan ko na sila. Plus, I don't want Brick to be part of my life, not even my current happiness. I don't want him to be included. I'll rather allow Slatie, Kika or my Ex Traigan to go here instead.

"Ayoko! Ayoko talaga Mommy."

Medyo napasigaw kong sabi nang nagtinginan ang mga magulang ko. Lumapit naman si Mommy sa'kin at hinawakan ang balikat ko. "Anak, it's for your own good. Matalino ka kaya dapat lang na pumayag ka."

Napakunot naman bigla ang noo ko. Knowing that Brick is still here, mas lalo akong nabadtrip. Lumabas na ang pagka-spoiled brat ko.

"Ni hindi mo pa nga binubuksan ang folder ay ganyan ka na makapag-react."

Reklamo ni Daddy nang tumingin ako kay Mommy na ayoko talaga ang gusto nila. Tumango na lamang si Mommy sa'kin and guess what, she convinced me with her empathic eyes. Oh mom!

Tuluyan ko na ngang binuksan ang folder at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. I can't believe this is happening!

"Mom. Seryoso ba kayo? Don't tell me I am dreaming."

Hinawakan ni Mommy ang buhok ko at ngumiti ito sa'kin. "Daddy?"

"Ano ba akala mo? Ayaw mo na bang mag-aral? Ililipat ka na sa Sparluke International School. Naaprubahan ang paglipat mo do'n at humingi kami ng consent letter sa Catrierre tungkol sa issue at tinotolerated nila ang desisyon na ilipat ka sa ibang school, without a bad record on your report card."

Tumakbo naman ako sa direksyon ni Daddy at niyakap ito. Tita was right. Sapat na oras na pala talaga para umuwi ako.

"Pero Daddy, why all of the sudden? Alam niyo ang paguwi ko at ang surprise na ngayon niyo gagawin?" Takang pagtatanong ko. They must be super wise kung gano'n.

"With the help of our friend. Itong si Brick. Pabalik balik na siya rito para ibalita kung ano na ang nangyayari sa'yo."

Inakbayan pa ni Daddy si Brick at nababaliw na nga talaga ako. Iniimagine ko pa kanina na pakasalan ang lalaking 'to. Hindi ko 'yon hahayaan. Ngumiti naman si Brick sa'kin na para bang sinasabi niya sa mga ngiti na 'yon na 'wala ka nang takas sa akin'. It is really creepy.

"So this is the reason kung bakit ikaw ang unang nakipagkita sa akin noong makikipagkita ako kay Sarmie huh?"

Natigil naman ang kasiyahan sa paligid at napatahimik lahat para hintayin ang sagot nitong si Brick. "Oo. Ako ang nag-utos sa kanya na gumawa siya ng paraan na magkita kayo para magkita tayo."

Nakaramdam naman ako ng akbay mula kay Mommy. "Oh c'mon Bethel. Brick is doing his thing as a friend. Huwag ka nang magalit sa kanya. Kami rin ang pumilit sa kanya kung ano na ang nangyayari sa'yo sa school since hindi ka nagsasabi sa amin noon."

Oh Mom! Not now. Hindi ako pwedeng magpatempt na lang sa sweet, yet comforting tone mo.

"Ang bait mo naman friend. Salamat ah?" Sarkastiko kong sagot nang nakita kong painit na ang ulo ni Daddy.

And this is my fault, obviously.

"Bethel stop it. Ako ang nag-utos sa kanya! He is being concerned with you. Pabalik balik siya sa bahay habang wala ka rito kasama mo ang mga kaibigan mo. Lagi kang hinahanap ni Brick dito at hinahanap ka pagkatapos. Huwag na huwag mo siyang sisisihin at naging mata na namin siya sa'yo."

"At ito ang tinatawag niyo na parenthood? Sa mga mata nitong delikadong lalaking ito? Ni hindi niyo nga siya masyadong kilala e." It is embedded in his name, literally. Brick Danger!

"Don't talk to him that way. Siya na ang nagmagandang asal at siya pa ang masama?"

"So I am the bad guy? Anak niyo ako Daddy. At pasensiya na po kayo kung mas anak pa pala kumilos ang lalaking ito kaysa sa totoong anak niyo."

The tension is on! Pinipigilan na ako ni Mommy at si Daddy ay napapansin kong masasampal niya ako nang wala sa oras kaya naman nang alam kong mangyayari na iyon ay umiwas agad ako at tumakbo palabas. Stupid!

Narinig kong may sumunod sa akin and that goes for Brick, for being the good person wins! Nagpahabol talaga ako para masumbatan siya sa bagay na kailangan niyang marinig.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko nang nahabol niya ako.

"Bethel huwag kang magalit kila tito o? Magalit ka sa'kin. That's what I said noong nasa quadrangle tayo. I asked you to slapped me. I deserved it..."

Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya at ginawa ko na nga ang gusto niya. "There. Wish granted." 

Inaasahan pa niya sa sampalin ko pa siya and I did it right on his other cheek. Kabilang kamay ko naman ang nagamit ko, which let me remembered how Kika slapped me the first time around. Kaliwete akong sinampal noon at nangaliwa rin ang lalaking ito sa akin in terms of sinaktan niya ang dignidad ko dahil sa nangyaring tensyon na naman sa'min ni Daddy.

"I can't feel it. Hindi ko maramdaman Bethel."

Nanggigil ako sa sinabi niya kaya sinuntok ko ang dibdib niya, dahilan sa pagatras niya ng konti. "Freak! You look like a freak. You are a piece of freaking freak!"

"Hit me harder. I deserved to feel the pain as you are feeling right know." Utal niyang sabi.

Naiinis na ako sa mga sinasabi niya kaya naman pinalo palo ko na lang ang dibdib niya nang niyakap niya ako. Sumabog na rin ako sa pagiyak at sa kakasigaw. "I am a jerk. I am a jerk. I want to see you smile again."

Halos mangiyak ngiyak niyang sabi nang tinulak ko siya palayo sa'kin. "It takes most of the muscles from my mouth to smile at you, at inaasahan mong ngingitian kita sa panlolokong ginawa mo? I won't even bother now!"

Sigaw ko sa kanya nang napaluhod na lang siya sa harap ko. He is that sincere at pinatayo ko siya. Hindi dapat ako ang sinasamba niya sa kapatawarang hinihingi niya. I learned my lesson. It should be for God.

Somehow ay bigla akong natauhan sa pagluhod niya sa'kin kaya naman sinubukan kong ikalma ang sarili ko ng paunti unti. Pinahupa ko na rin ang luha ko bago siya kausapin.

"Bethel. I'm sorry for blackmailing you. Hindi ko sinasadya na iintimidate ka sa ginawa ko." Nanginginig na tono niya nang muli ko siyang hinarap.

"More like disgusted! Nagawa mo pang sumipsip sa mga magulang ko, and the fact that ikaw pa ang pinapaboran nila? It's is really shameless!"

And now I am guilty. I remembered the times na ako rin ang napaburan ni Jurvis noon pero inamin ko iyon. It seems like Brick is doing the same thing too kaya naman tinalikuran ko na siya.

"Bethel patawarin mo ako."

Humawak siya sa braso ko na para bang tilted ang postura nito dahil sa kapatawaran ko.

"Ihingi mo sa Diyos 'yan. Don't worship me for forgiveness. Go repent at Him at mapapatawad lang kita kung nakita kong ginagawa mo na siya."

At hindi na ako nagpahila pa sa kanya. I am guilty about this too. Dahil nakita ko ang sarili ko sa kanya kanina ay binawasan ko ang pagka-drastic ko sa kanya. Na mapapatawad ko siya kung hihingi siya ng tawad sa Itaas. Hindi ko pa nagagawa kay Jurvis iyon at sana ay magawa ko rin in a certain period of time na kaya na niya akong kausapin.

Napaupo ako sa ibaba ng kama ko. Hindi maalis ang dismayang bumabalot sa puso ko. Hindi ko alam pero parang pinagsisihan ko ang ginawa ko kay Brick. Alam ko hindi niya deserve na patawarin siya but it's a Grace na binigyan ko siya ng daan patungo sa kapatawaran sa Diyos. It's really unusual for me to say that to someone because it's nonsense, pero siguro dahil sa simpleng pagdadasal na naidulot sa'kin ng pamilya Eligio ay do'n nabago ang pananaw ko sa ganitong bagay.

Hindi ko na nakikita ang sarili ko ngayon. The old Bethel would slap Brick in constant until he couldn't breathe anymore. This new Bethel just let him ran away from his mistake! What the hell is happening!

But even if I am going to forgive him, he's still going to be dangerous for my sight. Alam ko may iba siyang pakay sa akin. The way he cried. The way he folded his knees...it's so sincere! It's so pure. The tears, it is so bizarre for him to cry it for me.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon