Chapter 22: Cycle of Chemistry

50 6 0
                                    

I forcely grabbed the ribbon that been stucked up on my hair for a long time. Medyo masakit ang pagkakatanggal dahil hapit na hapit ang pagkatali ko nito sa buhok ko. Nakita ko pa ang konting strands ng buhok ko na sumama na sa hair string ribbon na binigay sa'kin ni Traig.

"Maganda naman yang ribbon ah? Bakit mo pa papalitan?" Komento ni Jurvis nang napaharap ako sa kanya dahil sa isa ko pang hawak sa kabilang kamay ko. "Mas maganda pa nga yan kesa sa binili natin e."

Honestly speaking, totoo ang sinasabi niya dahil itong binili namin ni Jurvis ay plain white lang ang kulay at ang binigay naman sa'kin ni Traig ay may design at patterns pa na nagpapaganda sa ribbon.

"Pabayaan mo na. Ang sakit na kasi sa buhok. Tingnan mo nga medyo naglagas ang buhok ko. Itatali ko na lang siya sa kamay ko para escort ang dating sa'yo sa loob."

Hirit ko nang iniwasan niyang sagutin ako. Indeed, he is a good boy. Hindi siya nagpapadalos agad at alam niya ang limitasyon ng pagsasalita niya.

Tinapik ko ang braso niya nang pabiro at ngumiti nang konti. "Ano ka ba, biro lang 'yon. Gusto ko lang sa mga aksyon mong ganyan, na napapangiti ako."

Ngumiti naman siya nang pilit pero ayos lang naman sa'kin. Alam kong hindi siya komportable sa mga ikinikilos ko dahil sa sarili ko ay masyado akong maboka sa kanya.

"Tara na?" Muli niyang aya nang bago pa man siya makalabas sa kanyang pintuan sa kaliwa ay itinali ko muna ang ribbon sa aking pulso at ikinabit na rin ang ribbon bow na binili namin.

Lumabas na siya nang tuluyan at inakala ko na pagbubuksan niya ako ng pintuan ngunit dumiretso na siya sa eskinitang papunta sa entrance nang sinulyapan niya ako ng tingin sa kotse.

Binuksan ko naman ang pintuan sa gilid ko at lumapit na ako sa kanya na halatang naghihintay sa'kin.

"Pasensiya na, akala ko kasi susunod ka."

"No worries. Akala ko kasi pagbubuksan mo 'ko nang masundan nga kita."

Tumango na lang siya at humakbang na ulit ngunit pinigilan ko siya sa paglapat ko ng kamay ko sa gilid niya.

"Ikaw naman, kailangan mo pala ng Gentleman's move 101. Siyempre aasahan mo dapat na hahawak sa'yo ang babae kapag nasa isang date kayo."

Hirit ko na naman nang tumingin siya sa'kin. "This isn't a date."

"Yes it is. Speed dating kaya 'to....

Letting our intimate feelings be deeper as the love birds cuddle with each other, na walang paligoy-ligoy."

Dahan-dahan kong sinabi 'yon nang napansin kong napalunok siya sa aking panunukso; kahit na wala nang konek ang sinabi kong iyon, ay binawi ko na lamang sa pagkabigkas. I noticed it is starting to be awkward, tempting situation; and yet, I like how it goes.

Napansin kong napipilitan na siya sa'kin pero pinipilit pa rin niyang pakisamahan ako. Gusto ko sa pakiramdam na pinipilit niya ang sarili niya para ipilit din ako na sumama sa kanya. Para bang pinipilit niyang maging galak sa akin kahit na hindi naman dapat. Dinaig niya talaga ang aking My Traigan.

Dahil sa pakikisama nitong kasama ko, ay naginarte ako para may balikan sa kotse. "O, anu na naman yung naiwan mo?"

Tanong niya nang kumagat ako sa baba ng aking labi. "Ako na lang ang magbubukas ng kotse mo. I can manage."

Tumango naman ito nang ibinulsa niya ang kamay niya para kunin ang inihihingi ko sa kanya. Nakarinig ako ng bakal na tumunog sa pagkakasama ng susi niya.

"Gusto mo rin bang buksan ko na rin ang bahay para sa'ting dalawa?" Sinabayan ko pa ito ng mahinhin kong tawa para madala siya sa panibago kong hirit.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon