Chapter 31: My Worth Dying Boyfriend

86 7 2
                                    

"Napaka--ay basta kung ano mang negative na word na pwede sa babaeng 'yon. Pwede nga lahat na e. Suspension would be acceptable pero total expelled talaga sa school niyo?"

Nanggigigil na sambit ni CG nang hinahagod niya ang aking likod dahil sa iniyak kong isang balde na ata. Naging basang tuwalya na ang t-shirt nito.

"They gave me 1 week to cope up the tension with that Slatie at tuluyan na ako makakawala sa school na 'yon." Nauutal kong sabi na may sinok pang sumingit dahil sa kakaiyak ko. Ngayon ay totoo na itong kalungkutan na ipinapakita ko. Hindi lang puro tapang.

"I think it doesn't matter anymore. What's the point of coping with her kung makakaalis na rin naman ako sa eskwelahan na 'yon." Dagdag ko nang napatango naman siya. May punto naman kasi ako.

"But how about tito and tita? Kapag nalaman nila?" Napasinghap ako sa itinanong niya. Hindi ko naisip na seryoso na pala itong pinagdadaanan ko ngayon. Kung maisusukat lang ang kalungkutan ko sa lovelife ay kaya ko pa sa aking sarili pero ang malaman kong wala na akong pag-asa sa eskwelahang iyon ay pati ang mga magulang ko ay mabibigyan ko rin ng sama ng loob...lalo na si Daddy. 

"Bahala na!"

Napahiga naman ako sa kamang inuupuan namin ni CG, which is her bed. Pinunasan ko ang unting luhang tumutulo at napabuntong-hininga.

"I don't know what to do anymore Torrine."

I get to wide my arms while I am laying down with sorrows. Yung mga problema ko lang noon kung pa'no ko maibabalik si Traigan sa sarili ko ay wala lang pala iyon kumpara sa nasirang edukasyong tuluyan nang naipagkait sa'kin. Kasalanan ko rin naman ang lahat nang ito pero kasi hindi ko lang matanggap ang mga ginagawa sa'kin ni Slatie kaya naman hindi ko pinalampas iyon ng basta basta. Buhay ko si Traigan but I realized he's nothing compared to my necessities in life.

Mas importante pa rin talaga ang sarili kaysa ang ibang tao na walang ginawa kundi ang kunin ang kumpyansang mayro'n ka.

"Kaya nga nandito ka para maki-overnight at pag-usapan 'yang sinisikreto mo."

I love her. I really do. Kung sana ay napagtyagaan ko si Slatie noon even if she treated me like sh*t ay hindi magkakaro'n ng problema ngayon. Ayun nga lang, dignidad ko ang nakasalalay dito at kung sana ay hindi siya nanggulo sa amin ni Traigan ay hindi ko na ito papatulan.

Paulit-ulit ang pagbubuntong hiningang ginagawa ko ngayon dahil hindi ako mapakali. Bukod sa epekto ito ng kakaiyak ko, dahil na rin ito sa pagkakaba ko. What if hindi ako makalipat ng school agad at hindi na ako papaaralin ni Daddy? I've never been this scared in my life, well I hope at least for now.

Patuloy ang pagiyak ko nang humiga na rin si CG sa tabi ko. Hinila ko ang kumot niya at nakikubli na rin ang kanyang katawan.

"You can transfer to Sparluke. Ayun ay kung matatanggap ka du'n."

Napadilat ako sa sinabi niya. It's a good sign she's lifting up my spirit. I received it as an encouragement. "Or maybe I can work part time...No, full time. At kapag nakaipon na ako ay tsaka ako lilipat diyan sa Sparluke."

"Hindi mo sasabihin sa parents mo? Bethel that's a risk taking situation. Hindi pwedeng hindi mo sasabihin agad. Your life is in danger now."

Sagot nito nang napaisip ako. Gusto ko lang talagang solusyonan ang gulong nagawa ko sa sarili ko kaya naiisip ko 'to. "I'm going to find a job first. Kapag nakaipon na ako ng pera ay tsaka ko na sasabihin sa mga magulang ko."

It sounds right...

"At sa tingin mo ba ay matatanggap ka sa Sparluke even if you have the money? Tandaan mo may record kang expelled sa Castrierre. What if..."

"Torrine, I am done with 'What Ifs'. Kung diyan ko pa ibabase ang mga desisyon ko ay magtatago na lang ako sa takot at kahinaan ko habang buhay. It's time to be courageous at most point."

Napagpasiyahan ko na ito. Gagawin ko na ang desisyon ko. Kung hindi ko naisip 'to ay hindi ko maitatayo ang sarili ko.

"Pero Bethel, hindi pa ba pagiging courageous ang aminin na drop out ka na sa school niyo? You should really tell your parents."

"Ayaw naman nila ang vibe ko kaya kung makita naman siguro nila na nagawan ko ng paraan ang pag-expel sa'kin ng school ay may pampalubag loob naman silang matatanggap."

Ngayon ay napaupo na kami sa kama at kahit papano naman ay nabuhayan ako sa usapan namin. Huminga siya ng malalim and I guess she's in. Wala siyang magagawa kundi ang supportahan ako.

"Pa'no ka maghahanap ng trabaho? Saan? Kanino?"

Nagkaro'n agad ako ng ideya sa huling salitang sinabi niya. Kanino. Kanino nga ba?

"What if I'm just going to use my body..."

Pinigilan naman ako ni CG at niyakap akong parang iiyak na.

"...as a body weapon?"

Hindi ko nasabi ang huling linyang dapat kong kakarugtungan sa paghihiganti ko sa EX ko. Pinutol niya ang gusto kong ipahiwatig sa paglalaban ko kay Traigan pero dahil ayokong mauwi sa iyakan ang slumber night namin ay sinakyan ko na lamang siya. "Kahit anong trabaho huwag lang 'yan, Bethel. I told you we should've just hypnotized him."

Naalala ko ang dapat naming gagawing pang-brainwash sa kanya. Natigil iyon dahil sa kagagawan ni Kika. Ako ang nabrainwash ng Freaky-Little-Girl na iyon.

Huminga naman ako ng malalim. I am trying to eliminate the negative on my mind but I still got pre-occupied the backstabbing that Kika did. Sinusubukan kong patawanin ang sarili pero hindi ko magawa. "E kung ibenta ko na lang kaya?"

Mas naramdaman ko ang higpit ng kapit niya sa'kin at nagrespunde ako sa yakap niya. "Bethel huwag. Huwag na huwag mong gagawin 'yan. Papatunayan mo lang sa Slatie na 'yon na ganda lang ang mayroon ka at walang pinag-aralan."

Naramdaman ko ang emosyon niya bilang kaibigan. Talaga palang hindi niya ako hahayaan. Let see how far she can save me. "Tapos kapag isang milyonaryo pa ang nakabili ng sarili at buong ako ay makakapag-aral na ulit ako. Aabot sa puntong pwede na akong ibaon sa lupa dahil sa taas na ng value ng sarili ko."

Sa pagkukunwari kong pagdadrama ay may naalala akong sinabi ni Slatie bago kami mapapunta sa guidance.

"Talking about treasure, Ang sarap mong ibaon sa lupa!"

Nagulat naman si CG sa nai-asal ko. Naalala ko kasi na hindi ko nasabi 'yan kay Slatie kaya kahit na hindi ko man siya kaharap ay masabi ko pa rin sa kanya in a virtual and backstabbing way.

"She called me 'Trashure'. Can you believe it? At least ako ang pinakamataas na halatang nakuha ni Traigan sa basurahan. Bad thing he pushed me through the garbage, literally. I can't believe Slatie spitted her thing accurately. Hindi ko man lang nasabi ang linya ko kung hindi lang dahil kay Jurvis."

Walang paligoy-ligoy na sabi ko. Even if I am trying to lift up my spirits, I can't. Wala man pasabi-sabing mga salita si Traig ng parang katulad kay Slatie ay siya naman itong pisikal akong tinamaan...sapul sa aking puso.

"He pushed you through the garbage. But remember garbages are divided into two. Ikaw ang hindi nabubulok. Pwede ka pang irecycle for a better product. For a better and beautiful Bethel Rosel."

Napatingin ako sa kaibigan ko at niyakap ko siya nang tuluyan.

"I am definitely going to use my body for a better product of me. He hitted me physically, I will hit him harder mentally. Mababaliw siya sa pagiging malakas ang tama niya sa'kin. Someday."

Mababaliw na lamang siya na ikakamatay niya. In that case, My Worth Dying Boyfriend.

"Bethel, you are worth dying for...
But Traigan, the attraction you felt is worth dying yourself."

 Pumalakpak si CG sa nasabi ko sa kawalan.

"Nakakamatay ang atraksyong bumighani sa'yo na galing sa'kin."

Sunod ko pang sabi sa pagakto na parang sa teleserye nang nakatanggap ako ng High 5 galing sa kanya.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon