Chapter 21: Bow

68 7 6
                                    

WE ended up buying a bag... I mean him. Ayoko lang naman maging too cute to function sa kanya habang sinusubukan ako ng Slatie na iyon. Alam kong she will insult me with my cute Jansport bag but too bad... Dapat pala ay hinayaan ko na lang dahil alam kong tatalunin niya lang ako sa pang-iinsulto niya sa'kin with a wrong stuff in my outfit. That would be pathetically how losers attack their rivals.

Ngayon ay inaalalayan na ako ni Jurvis papasok sa kotse niya habang ang driver naman nila na si Mang Rhymo ay buhat buhat ang mga pinamili namin.

Ilalagay na sana ang mga shopping bags sa trunk ng kotse ngunit pinigilan ko agad 'yon. "Manong Driver, akin na po 'yan. May kukunin pa kasi ako diyan sa mga bags na 'yan."

Sabi ko nang binigay na niya ang hinihingi ko pero hindi siya nakuntento sa naitawag ko sa kanya. "Rhymo na lang po... Or Kuya? 'Di naman ako gano'n katanda."

Biro nito at tumango na lamang ako.

Habang nasa likod ako nakaupo habang si Jurvis ay nasa passenger seat, kinakalikot ko na ang accessories na pinamili namin kanina. Gusto ko mang suotin kanina ang mga 'to ngunit nakita kong inip na inip na ang kasama ko. Nagbigay motibo pa nga ito sa katamaran niya dahil ako ang kasama niya. Ang swerte niya dahil tinamad lang siya. Ang ibang nakakasama ko ay namamatay dahil sa pagpapapagod ko sa kanila.

Kinabit ko na ang earrings at necklace na binili namin. Kinakapa ko lang ang mga ito dahil wala akong salaming maiharap sa akin. Gusto ko mang tumingin sa rear mirror para tingnan ang sarili ko do'n pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay mata ng driver nila Jurvis ang nakita ko, na titig na titig sa'kin.

Dahil mabait ako ngayon ay kinindatan ko naman ito. Natawa ako ng bahagya dahil biglang umiwas ito at napansin kong kinabahan ito. Manang-mana sa boss niya!

Ngayon ay nilabas ko naman ang mga make up na binili namin ni Jurvis para maglagay sa mukha. Mabilis ang pagtakbo ng kotse kaya naman nagrequest akong bagalan ito para na rin sa pagpapaganda ko.

"Pero 'di ba dapat mabilis tayo para makarating tayo agad?"

Tense na sabi ni Jurvis pero habang naglalagay ako ng eyeshadow sa aking talukap, ay sinubukan ko siyang pakalmahin.

"Relax. Mas maganda nga kung grand entrance tayo sa harap ng maraming tao. Ayaw mo nun, mabibighani si Slatie sa makikita niya."

'Di niya alam kung anong makikita niya sa papasukin niya sa'kin. Oh well. Too late for you Slatie Deniel Yoh.

Patuloy pa rin akong naglalagay ng kolorete sa aking mukha habang nakatingin sa salamin sa aking push powder. Lipstick na ang inilalagay ko nang napansin ko na naman sa gilid ng aking mga mata na pasimpleng tumitingin si Jurvis sa'kin.

"Masama manilip. Aminin na tinitingnan talaga ako."

Pinarinig ko sa kanya nang narinig kong tumawa siya ng konti. Wala na silang ibang ginawa kundi pansinin lang ako sa pagpapaganda ko.

Nagkomento naman ang driver ni Jurvis, "Bakit ba hindi kayo nagtabi sa likod, Jurvis? Kailangan nga naman ng atensyon ng girlfriend niyo." At ako naman ay nanlaki ang mata ko sa unexpected identity sa'kin ng driver nila.

"Alam mo namang may girlfriend ako e." Ngunit si Jurvis ang bumigo ng tagumpay na pagdilat ko. But good thing, pang-girlfriend material ata 'tong vibes ko. Effective sa driver nila.

"Kuya ilang taon ka na nga pala?"

Dahil ayoko namang mamula sa kahihiyan si Jurvis ay inilipat ko ang katanungan sa driver nila. "25 po! Sabi ko naman po sa inyo hindi pa po ako gano'n katanda e."

Mabata bata pa nga ang driver nila at biruin mo, may itsura rin ang isang 'to.

Inilapit ko naman ang mukha ko sa may gilid ng driver's seat para intrigahin ang mga pasada niya na kasama ang boss nito.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon