Chapter 9: Inevitably Tragic Story

163 11 5
                                    

Talagang diyaryo nga siya, punong-puno siya ng nilalaman sa budhi nitong mang-agaw pa ng atensyon ng iba. Punong-puno rin siya ng bali-balita na mabait nga siya at maganda. Maganda rin bang ito na ang pumalit sa pagiging girlfriend ngayon ni My Traigan?

Dahil sa kaartehang magsi-CR raw muna ang Freaky-little-girl na iyon, at inaasahang maghihintay lang si Traig sa labas ng banyo, imbis na pasukin ko si Kika ay hinila ko na lamang si My Traigan sa banyo ng lalaki para siguradong 'di makasingit ang diyaryong iyon!

Ang mga lalaki na umiihi sa male urinal ay nagulantang sa pagkapasok naming dalawa ng boyfriend ko.

"Ano nanaman 'tong walang kukwenta-kwenta nating pag-uusapan?"

Gusto ko man siyang sampalin o saktan man lang sa sinabi niyang iyon, ay pinigil ko ang aking sarili. Ayoko siyang mawala dahil lang sa balak kong pagkompronta sa kanya.

"Hindi mo na ako kinakausap, 3 days straight!"

Sumbat ko at dahilan sa paghatak ko sa kanya ngunit tumingin lamang ito sa kawalan para lalo lamang tumambad sa akin ang mataba nitong pisngi sa pagka-side view nito. Hinawakan ko na lang din ang ribbon na nakatali sa aking buhok.

Muli naman naming narinig ang boses na tumatawag sa kanya. Si Kika iyon. Akmang iiwasan na naman niya ako pero inunahan ko kaagad siya sa pintuan at siniraduhan siya nang maisaraduhan ko rin ang mga lalaking nasa labas na magbabanyo rin dito.

"May gagawin yata silang kababalaghan!"

Narinig naming tsismis ng mga lalaki sa labas nang nakarinig na rin kami ng pagsandal sa pintuan upang makinig o magmatyag sa amin.

"Kababalaghan daw. Ano'ng gusto mong gawin ko? Umungol sa sarap, o sa inis?"

Pagbabanta ko sa kanya ngunit kinunutan lang niya ako ng noo sa aking harapan. "Bwisit ka, My Traigan. Sagutin mo naman ako!"

"Naipaliwanag ko na 'to, Bethel. Hindi ko na kailangang magpaliwanag."

Mas lalo ko pang hinarang ang sarili kong katawan para lang hindi na talaga ito makawala sa aking aurang galit na galit sa kanya.

"Uulitin ko ulit? Okay. Binabawian ko si Kika dahil sa mga kademonyohang ginawa mo sa kanya."

"That was months ago damn you, Traig! Siguro naman ay bawing bawi ka na sa kanya. It is your time to make it up for me now dahil sa buong buwan mong pagbawi sa kanya, ay iyon naman ang ikinawala ng pagbawi mo sa'kin...

It's like I have lost you several thousand years just to make it up for that girl!"

Naiinis ko nang pag-sumbat sa kanya nang napatahimik ito. "Remember My Traigan, it is our story. It is our time, our event, our months, our years, not for her. Not for that girl! She isn't the main guy in our story, it is us!"

"She may not be the main guy, but you made that you're NOW the bad guy at our story."

Napatigil naman ako sa sinabi nito. Alam kong nagiging kontrabida na ako sa relasyon naming dalawa but least I expected, I need to be respected.

Dahil pagpupumilit siyang lumabas sa banyo, at matigas ang ulo ko na ayaw siyang palabasin ay bigla ko naman siyang hinalikan sa kanyang labi. Let's see if you can resist tongue to tongue session.

Lumaban ito sa aking paglaban mula sa kanya.

Matalim ito magsalita patungo sa'kin. Minsan na rin niyang pinanggamit ang dila sa pagsumpa sa akin, kaya naman babaguhin ko iyon sa pag-ikot ko sa paghalik.

Sinunggaban ko na siya. Sinaid ko ang bawat bagay na makukuha sa palitan ng aming dila sa aming looban. This tongue is meant to be cut by a twist, for resisting a presence over an illusion. Ang tanging ilusyong kinakamit niya ay ang layuan ako, ang iwasan ako.

Humibla naman ang laway na pinagdikitan naming dalawa ng aming bibig dahil siya na ang unang humiwalay.

"Will you still act like a prude even if you have been kissed?"

Pag-akit ko sa kanya dahil alam kong ang tongue contact lang ang kahinaan ng isang lalaki- nagkamali ako do'n. Bigla na lang niyang binuksan ang pinto nang tuluyan na itong makalabas para iwanan ako. Do I not really didn't matter?

Sa kalayuan matapos ng  pagtakas niya sa akin, ay nakita ko siya na tinakbo agad ang distansiya para lang malapitan ang babaeng pinakikisamahan na nito. Damn that Freak!

Sa bell ng uwian ay napagpasiyahan kong umuwi muna ng bahay dahil sa aking hang-over kagabi. Itutulog ko na lang itong sama ng aking loob dahil sa aking My Traigan, and I can't believe that I am still uncontinuously calling him for that.

Pagkarating ko naman sa bahay ay humilata na agad ako sa aking kama nang napahawak na lang ako bigla sa aking labi. Bading ba siya para layuan ako? Sabagay lahat naman mga bading kapag nilalayuan ako. Ibig lang no'n sabihin ay hindi nila ako kayang pantayan!

Wala naman akong sumpa ng kabadingan pero bakit nilalayuan ako ng mga taong mahal ko? Wala ba talagang matinong lalapit sa akin o ako mismo ang hindi tumitino sa mga lumalapit sa akin?

Pero ang halik na iyon, lumaban siya. Nakipaglabanan siya at posibleng may kaakibat ang halik na iyon: damdamin, pagmamahal, at pag-aalala. Alam kong mahal pa rin niya ako, at naramdaman ko iyon sa kanyang halik ngunit bakit binabagabag ako? Bakit pinagdududahan ko pa rin? Malamang dahil mayroon pang kontrabida sa mala-kontrabida kong storya namin ng My Traigan ko.

Mahal ka pa rin niya Bethel, bakit hindi, 'di ba?

Nagising na lang ako sa gitna ng aking mahimbing na tulog nang nasa harap ko na si Brick Danger, Nakatitig lang sa harapan ko habang nakaupo sa gilid ng kama ko.

"Bakit namumula 'yang labi mo?"

Bigla naman akong kinabahan sa tanong nito kaya tumalikod agad ako. Naguguilty ako na Traigan and I just kissed. Teka, bakit ako nagi-guilty?

Tumayo naman ako mula sa pagkahilata ko sa aking kama habang iniwasan ang mukhang patuloy na nakatitig sa'kin. Gwapo naman talaga ito, may dimples, medyo moreno, built into slim ang katawan, ngunit mas may talab pa rin sa'kin ang pagka-built ng katawan ni My Traigan: Mataba ang pisngi, malaman ang katawan at sana lang ay may mataba siyang puso na maibibigay sa akin dahil sa totoo lang, pakiwari ko'y gahibla na lamang ang aking espasyo sa puso nito.

"Bakit ka nandito?"

Pagtatanong ko naman habang nakatingin ako sa salamin para magsuklay. Saka ko naalala na nakanight gown lang ako ng maikli at naramdaman kong wala pala akong suot panloob sa aking dibdib. Namumula ang mga pisnging pinalabas ko muna siya sa aking kwarto. Nagimbal na lamang ako dahil tinitigan muna ako nito ng ilang segundo bago pa ito tuluyang lumabas.

Ibinagsak ko ang aking pintuan at napasandal ako rito dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Bakit gano'n na lang siya makatingin sa akin? Karugtong pa ba ito ng guilt ko sa halikang naganap kanina?

This is indeed a tragic story that made my fears jump into confusion. Inevitable that can't just turn to a clear situation easily. May inaasahan ba akong mangyayari ulit at sa mas malalang sitwasyon?


My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon