Chapter 17: Skeptical Girl

121 9 2
                                    

Happy 1k reads Worth-Dyers! Haha. #Braigan is love chos!

---

TULUYAN na akong pumasok sa loob ng bahay namin, ngunit bago pa man ako makapasok ay unti-unti muna akong dumungaw dahil sa late ang aking pag-uwi. Hindi man gising ang aking mga magulang ngunit alam ko magigising sila sa kaluskos ko. Lagi nila akong tina-target kaya naman dahan-dahan akong naglakad paakyat ng hagdanan sa aking kwarto.

Hindi ako nakuntento sa dahan-dahang pag-apak ko ng aming sahig kaya naman tinanggal ko ang aking maingay na sapatos para sa makasiguro. Maya't maya ay nakarinig na lamang ako ng kaluskos ng isang pagbangon kaya naman dali-dali na akong umakyat sa hagdanan without even bothering the noise that I'm making.

Sa pagkakatalikod ko sa aming sala habang nasa taas ako, ay nakarinig ako ng isang mahinang tunog ng pagbukas ng lamp shade namin sa ibaba. Kita ko rin ang liwanag sa dilim habang patungo ako sa aking kwarto.

"Bethel."

Tawag ng boses sa ibaba na ikinalaki ng mata ko. Hindi ko man lang nakita na may natutulog na isang Brick Danger sa sofa namin.

Tiningnan ko siya mula sa aking kinatatayuan at dali-dali akong bumaba sa hagdanan para harapin siya.

"Brick, anong ginagawa mo dito? Gabi na at—"

Malito-lito ko pang bulalas sa kanya dahil gabing-gabi na ay nandito pa siya. "P-pinayagan ka bang dumito?"

"Bethel nagpumilit ako. Hinintay kita sa school kanina pero ayaw mong lubayan si Traig."

Napatahimik ako sa sinabi nito. Para bang nainip talaga siya kakahintay sa'kin kanina. May gusto siguro 'tong sabihin.

"Bakit mo naman ako hinintay? Hindi ba pwedeng ipagpaliban na lang natin 'yan at bukas mo na sabihin?" Nagkunwari pa akong humikab kahit na hindi naman ako nakaramdam ng antok.

"Sorry talaga sa abala. Gusto lang naman kita kamustahin."

Napatingin siya sa aking likuran at kita kong hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Hinawakan ko naman siya sa baikat dahil sa pag-aalala nito. "Okay ako. Okay kami ni Traigan."

Matipid kong sabi nang pilit itong ngumiti. Nagtataka lang ako sa kanya. Ibang-iba ang kilos nito at punung-puno nang pag-aalala ang Brick na nakaharap sa'kin ngayon.

Ilang sandali pa bago ako nakapagtanong sa kanya na may halong pag-aalala. "Ikaw, ayos ka lang ba? Kumain ka na?"

Pagtatanong ko nang dumiretso ako sa aming kusina para kumuha ng makakain. "Saluhan mo 'ko."

"Ayos lang ako. At saka pinakain na ako nila tita kanina."

Tumango naman ako nang binuksan ko ang refrigerator namin para magpainit ng ulam at kanin. "Pinakain ka ba ng Traigan na 'yon?"

Abala pa rin ako sa paghahain sa aking sarili nang sunod niyang naitanong iyon. "Nag-away kasi kami kanina. Nung na-sprain daw ang ankle mo? Tapos nag-cheer kami kanina sa kanya? Pinag-awayan namin 'yon. Ayoko lang naman kasi yung minamaliit siya ng iba."

"Pero ikaw 'tong mismong minamaliit siya e. Marangal naman ang pagiging water boy niya."

Guilty ako sa sinabi niya at inaamin kong mali ako na hindi ko napahalagahan ang pinagkakaabalahan niya. "Kung tutuusin nga, mas marami siyang ginagawa kaysa sa'min e. Kami taga-laro lang, siya taga-ayos para sa laro namin."

Napatahimik na lamang ako sa naisambit niya at pinagpatuloy ang pag-aasikaso sa pinapainit kong ulam.

"K-kain tayo."

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon