Chapter 2: A Pleasurable Scar

572 26 16
                                    

"I mean, can you believe it right? Pinagpalit ba naman ako sa Freaky-little-girl na iyon! And the girl is a real dumb! Hindi man lang lumaban sa pangungutya't pambabatikos ko sa kanya." Inis na reklamo ko sa dalawang ito nang tinatawanan lang ako. Mga lalake talaga kahit kelan!

"Oh? Ba't niyo ko tinatawanan ha?!"  Pinakita ko pang kating-kati ako na  naaalibadbaran na talaga sa kanila. 

"Bethel naman kasi, sino bang nagsabi na papayat ka sa kakajogging mo, I mean hindi naman agad mag-eeffect sa 24 oras ang pagbabago ng katawan mo e. It will take a process to lose weight!"

"Oo nga, atsaka kahit sampung oras kang magjogging, ay 'di agad mawawala 'yang taba mo sa sikmura mo!" Nag-high five pa ang dalawa dahil sa patuloy sa pang-aasar nila sa'kin.

Umungol na lamang ako sa kanilang dalawa dahil sa trip nilang pang-aasar sa'kin. "Eh kung maganda naman 'yong babae, ipaligaw mo kaya sa'kin?"

"Oo nga, para naman mabawasan 'yang taba mo sa pag-iinit mo diyan at galit sa loob mo nang dahil lang sa babaeng 'yon." At nagpatuloy na naman ang tawanan nila. Sinundan ko naman ng pangatlong beses ang pag-ungol ko sa pagkabadtrip.

"At saka, 'di mo rin masisisi si Traigan kung mabilis siyang mapagod kesa sa'yo. Pinapagod mo kasi e."

"Oo nga, at taga-pagod ka lang naman ng tao, dahil lumolobo na 'yang galit mo sa mukha mo..." Pinagtangkaan ko na silang saktan sa pisikal kong pagpalo sa kanila. Ito talagang dalawang lalaking 'to! Puro pasakit lang ang inaatupag sa maganda nilang prinsesa.

Umilag-ilag sila at ginamit nila ang mga braso nila sa pagdedepensa sa pag-atake ko sa kanila. "Ikaw Delikadong lalake, tigil-tigilan mo ko sa mga paninisi mo sa'kin ah?" Pagduduro ko sa isa kong kaibigan na lalaki na si Brick Danger. Kung bakit lalaking delikado? His name says it all.

"At ikaw puro ka si sang-ayon Solomon ka, at dadagdagan mo pa ang panininisi!" Siya naman si Sarmie. Trust me, lalaki siya! Naging Solomon Arkist Castigo IV ba naman 'yung pangalan niya, katatawanan dahil ipinangalan sa kanya ang pagiging sunod na heneral sa makabagong henerasyon kaya ayan, nababading. Pero Heneral naman siya ng mga puso ng babae dahil itong magpinsan na ito ang hilaw na heartrob sa school namin.

Well I wish My Traigan would be one of them too, but he's mine! But he's a perfect catch when it had been thrown over him.

"Bakit kasi ayaw mo ipakausap sa'kin 'yang Traigan na 'yan na para naman makumbinsi ko siya na hiwalayan ka na, para wala na siyang sakit ng ulo sa'yo." At talagang itong delikadong Danger na ito, e binibigyan pa 'ko ng option para mapatay siya ano?

"Oo nga--" Hindi na natuloy ni Sarmie ang pagsasang-ayon niya dahil sa tinitigan ko na ito ng masama, kasabay ng pagtangkang patayin siya.

Bigla naman akong um-arte na nalulumbay dahil sa mga sinasabi nilang pasakit sa sitwasyon ko. I hate these dudes!

"I hate you guys, I hate you two!" Bigla ko na lamang arte sa kanila at niyakap sila sa harap ng maraming tao. Ito namang mga babae sa harap namin ay takam na takam sa dalawang lalaking yayakapin ko, samantalang ang mga lalaki naman ay pinagtatakaman ako--biro lang.

Napahawak sa likod ko ang dalawang lalaking ito sa pagreresponde sa yakap ko sa kanila. Group hug, nang bigla na lamang pumiglas ang mga braso ko sa pagkakayakap ko sa kanila nang may humila sa'kin. Another fangirl huh?

Humarap sa'kin ang aking Traigan and I saw a sea of losers at our background.

Bigla namang may bumulong sa aking kanan na pandinig. "Siya pala 'yung My Traigan na sinasabi mo ah?" At talaga namang ginaya pa niya ang boses ko sa trademark ko sa pagtawag ko sa aking Traigan ha? Talaga 'tong Solomon na ito!

Naikukwento ko sa dalawa ang kasintahan ko pero hindi pa nila nakikita ito, until now.

Hinila naman ako ni Traigan kaya naiwan ko ang dalawang magpinsan. Gusto ko sanang magpumiglas mula sa pagkakahawak nito sa aking pulso pero naaninag agad ng mga mata ko ang kagwapuhan nito sa seryoso nitong mukha. Habang hinihila niya ako palayo sa mataong lugar, ay kinurot naman ng kanan kong mga daliri ang matataba niyang pisngi.

"Tigilan mo nga 'yan!"

Bumuntong hininga ako sa pag-sigaw niya sa'kin, habang kinukulit ko pa rin ang mataba niyang pisngi. "Hindi kita titigilan rosie cheek--"

Tinabig na niya ang kamay kong kumukurot sa pisngi niya at nadala na din ako sa kaseryosohan niya.

"This is pathetic, I hate the way you're being serious." Saad ko nang yumuko ako at nagpa-cute sa kanya habang nakatingin sa paanan namin. Pinapalobo ko ang pisngi ko na parang kasing taba ng kanyang mga pisngi.

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya nang sumeryoso na ulit ang mukha ko at napalitan iyon ng pagtataray.

"And I horridly can't wait to stop your sarcasm." Mariin nitong sabi nang may napansin na akong babae sa likuran niya, may bandage ito sa bandang noo nito ngunit naglalabas pa rin ng matamis na ngiti.

"Oh, so this is the reason you pulled me towards here. It's not a pleasure to meet you, and is it a pleasure to have those wounds?" Siya nanaman?! Nakakahalata na ako dito sa boyfriend ko ah?

"Surgical Injury. Nabasag ang bungo niya sa pagbato mo ng barya." His exaggeration went too far! Ang OA naman!

"Kaninang umaga lang tayo nagjog ah? Tapos nasiraan ka na agad ng bungo? Nahihibang ka na ba?" Pagma-make faces ko kay Freaky-little-girl pero nginingitian pa rin ako hanggang ngayon. That smile, it bursts out my anger again!

"Sarcasm," I hissed. Ibinulong ko iyon sa hangin. Gusto ko man saktan pa ulit si Freaky-little-girl ngunit nakakaawa naman. 'Di talaga siya marunong lumaban dahil nagtatago lang siya sa anino ng aking boyfriend. How pathetic. I won't give up on my boyfriend and will ended up to her. Dream on!

"Mag-sorry ka."

"Why would I? Kailangan ko pa ba Freaky-little-girl?" Nakikita ko na ang pinaka-makunot na kilay ni Traigan na first time mo lang makita sa pagbubuhos niya ng galit sa'kin. Damn, he's hot when he's mad.

"Magsosorry ka ba o papababayaan ko siyang gumanti sa'yo?" What? How pathetic! Dapat na bang matakot ako?

"Sure can. Para naman quits na kami sa ginawa kong pleasurable scar sa mukha niya--" Bigla na lamang naglaho ang kapritso ng pagkabunganga ko sa kanilang dalawa nang naramdaman ko na lang ang mabilis na pagsampal sa'kin ng babaeng ito, at sa pagkakahawak ko ng aking pisngi, ay nauwi ito sa kaospitalan ko... That b*tch know how to slap pala! Kaya pala hindi siya gumaganti dahil isang bakal na china ang kamay niya, may defect.

Dumugo ang kaliwa kong pisngi kung saan niya napakawalan ang kanyang kamay sa pagkakasampal sa'kin. Oh how a beautiful pleasurable slap, that will turn into a pleasurable scar.

Itong magiging peklat na ito ang palatandaan ng kanyang magiging death trap sa buhay niya.

You will soon bend on your knees to beg me to stop your suffering.

"What a pleasurable scar. Thank you!" Sarkastiko kong sabi nang ipinahid ko kay Traigan ang dugong umagos sa pingi ko sa pisngi nito. "I'll be back for vengeance."

I can't believe napatahimik niya ako ru'n ah? Pinagbigyan lang kita my Freaky-little-girl. You hit like a freak. Not convinced. 


My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon