Chapter 39: Grace

47 5 2
                                    

Mainit ang tinginan namin ni Slatie. Well, she started it. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa presensiya ko? Hmm...si Sarmie lang ata? And I answered it literally. Stop it Bethel.

"Umm. I never seen you cry, until now."

I said in boredom then she tossed her hair to her back. Gusto ko sanang gayahin pero baka mas lalo siyang maasar sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero para bang nabuhayan ulit ako nang makita ko ulit siyang pinapatay ako sa isipan niya.

Nakaupo kaming lima sa loob ng cafè. Nakakaawa lang si Slatie dahil nabasa siya ng ulan among the 5 of us. Dahil napapansin na ng tatlong lalaki ang tension sa'ming dalawa ni Slatie at ang magpinsan ay parang may pupuntahan pa yata, ay umupo ako ng maayos at ngumiti. Tipikal na ang trademark na iyon sa best friend ni Slatie na si Bethel Rosel.

Umalis na ang magpinsan at napunta naman ang pressure kay Rafael dahil siya na lang ang lalaki dito. Napansin kong dumidilim na sa labas at alam kong madilim na rin akong tingnan ni Slatie. Wala nang nagsalita sa aming tatlo kaya siguro ay napatayo si Rafael at naglakad palayo sa inuupuan para iwasan iyon.

Pagkarating naman ni Rafael ay nakita kong may dala na siyang dalawang kape para sa'min. Huminga ako ng malalim para masabi ni Slatie na wala akong dinidibdib na pressure, which is actually excitement that I inhaled. And then I released calmness.

Lumaki ang ngiti ko nang una akong bigyan ni Rafael ng kape at nang makuha ko iyon ay napatingin ako sa taas in a sarcastic way. Masayang masaya ako ngayon. Wait, is it obvious? It should be.

Tinikman ko ang kapeng binigay ni Rafael. It's the Hazelnut Latte, my favorite. Alam na alam na ni Rafael ang gusto ko kaya naman napagpasiyahan kong biruin siya.

"I took a sip at ang init pala. Ramdam ko ang init mo sa'kin ah? May galit ka ba sa isang katulad ko?"

Nabastos ko pa ata ang dalawa dahil nakatutok si Rafael kay Slatie at nakuha ko ang atensyon nito. Matapos ko namang sabihin iyon ay tumingin ako kay Slatie.

"Ah..." Napakamot naman si Rafael sa ulo niya at na-tilt ng konti ang ulo. "Hindi...sadyang nag-iinit lang siguro sa alab ang nararamaman ko sa'yo."

Natawa naman ako ng konti dahil sinakyan niya ang biro kong iyon. Napatawa rin naman siya ng konti pero alam kong ilang niyang ginawa iyon dahil nakatingin si Slatie sa kanya.

"At nagaalab na rin ako sa galit dahil sa mga pinaggagagawa mo!" Bigla namang napaatras ang ulo ko ng kaunti nang naibuga na nga niya ang maalab na galit niya sa akin.

"At ikaw, naiinitan ako sa init ng kapeng ginawa mo. Pinapakulo at pinapagising mo ang galit ko sa mainit mong kape. Paulit-ulit na yan para maramdaman mo ang init ng ulo ko sa'yo." Dinuro niya si Rafael at sarkastiko ko namang nilagay ang dalawa kong kamay sa bibig ko para sa pagakto kong gulat na gulat ako sa ginawa niya.

"At sa'yo rin--"

Napatayo siya at dinuro rin ako. Pinakita ko naman ang dalawang palad ko sa kanya at itinaas ko iyon para sa sign ng pagsuko. Well I sarcastically did it. It's my language at act you silly.

"Grabe natakot ako do'n best friend. Subukan mo at for sure masy-syncronized sa'yo ang ganitong pangyayari kapag pinagpatuloy mo pa. You know, it's going to be a cycle again if you wished to continue it."

Pagbabanta ko sa kanya nang napaupo naman siya do'n. Gusto ko pa man siyang tawanan dahil nagpatalo agad siya sa'kin pero alam kong magagawa niya ang kinakatakutan niyang scandal na mabibigay ko sa kanya. And she's going to be a walking scandal again if she ever do it.

Ako naman ang napatayo at kinuha na ang coffee na ibinigay ni Rafael. "By the way. I'm going somewhere so I'll talk to you soon?"

Pumunta naman ako sa side ni Slatie at bumeso ako sa kanya. Lumalayo ito pero hinawakan ko ang balikat niya para umi-steady siya sa kinatatayuan niya. Gusto ko sanang gawin iyon kay Rafael ngunit alam kong mas lalong mapipikon si Slatie.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon