Chapter 41: The Last Freak Standing

54 6 0
                                    

Kaharap ko si tita Eligio ngayon. Hindi na ako nahihiya sa kanila dahil natutunan ko na pantay pantay lang ang tao. Nothing is really holy when it comes to a person who committed to be like God. Choice nila na gawin ang mga ways ng Panginoon. Makasalanan ang mga tao but some of them they chose to cleanse themselves.

Hawak ko ang kamay ni tita at hindi na ako makapaghintay na magpasalamat sa kanya. "Hindi ko na nga po nakikita ang sarili ko e. Parang hindi na ako 'to."

"Wow. That is really encouraging Bethel. We are so proud of you." Niyakap ako ni tita at naramdaman ko na naman ang haplos ng kanyang kamay sa likuran ko.

Bigla naman akong tinabihan ni CG at siya naman ang niyakap ko because she asked for it. "Nawala lang ako ng ilang araw dito dahil may pasok ako e parang mas anak ka na ni Mommy."

Tumawa naman kaming tatlo at tumahol ang aso kong si My Treigan na dinala ko.

"It is such a relieve na okay na ang relationship mo sa parents mo. Kami rin kasing mga magulang ay hindi namin matitiis ang anak namin. Kaya kahit na ang anak kong si Torrine ang tigas tigas ng ulo ay hindi ko pa rin sinusukuan."

Pagpaparinig naman niya kay CG nang tumawa ako ng kaunti dahil alam ko ang mga kalokohan niya. Hindi alam ni tita na siya talaga ang mastermind.

Umakyat naman ang aso ko sa sofa para makijoin in at pinarealized pa sa'kin ni tita na magandang reward ang asong ibinigay sa'kin. Nakikita niya raw kasi na kulang ako sa gabay kaya tamang tama lang daw ang aso para sa akin.

Hinawi namin ang balahibo ng Shih Tzu habang nagkukwentuhan. I guess this is my second home now.

Nang umakyat na kami ni CG sa kwarto niya ay nilabas ko ang tunay na kulay ko sa kanya. With the puppy, unang pagkapasok pa lang namin sa pintuan ay napasandal na agad ako rito. Napaupo ako habang ang aso ko ay tumatahol sa kalungkutan. Hindi ko na napigilan ang luhang nailabas ko at iyon naman ang ikinagulat ni CG.

"O? Nasa'n na ang pagbabago sa'yo? Nasa'n na ang 'oh-so-holy' Bethel?"

Pinakawalan ko ang aso at niyakap na lang bigla si CG. Parang hindi ko na pala kaya ng walang nasasandalan. Well, except for this door.

"Tahan na. What happened?"

"It's about Brick. Para kasing hindi ko na rin siya kilala. Para bang nasasakal ako sa kanya. Plus, nakokonsensiya ako sa mga pinaggagagawa niya. Ang dami ko nang nasabing 'Para' pero kapag nawala ang term na 'yan sa jeep, sana ay 'itinigil na natin 'to' ang kapalit. Itigil na niya ito."

Nakita ko naman ang pagtataka ni CG sa mukha nito. Alam kong sa kabila ng kalungkutan ko ay nagawa ko pa'ng magbiro at hinding hindi ko ipapakita sa kanya na ganito ako kahina. Hindi naman masama ang magpakita ng kahinaan but I know it's not going to be encouraging, especially for her. Ateng ate man niya akong i-comfort but I know it's going to take years kapag siya ang umiyak and a decade para patahanin siya.

"Nagawa mo pa'ng magbiro! Magmake over na lang tayo since papasok ka na sa Sparluke."

Napatili naman siya sa excitement at niyakap naman ako nito sa kasiyahan niya. Mabuti pa nga at hindi na ako magoopen up pa sa kanya for further discouraging stories

Ramdam ko pa rin kung pa'no ako iyakan ni Brick. Pinamukha niya sa akin na obligado akong patawarin siya dahil pinagsisisihan niya ang mabuting gawa na nagawa niya. He's showing it na hindi gulo ang ipinasok niya ngunit hindi maalis ang pagdududa sa'kin. Maybe he's into me but I will not going to tolerate that. Maybe I'll entertain him but in some ways and topics, not about us.

Umupo na ako sa kama ni CG. Bago ang lahat ay binigyan niya ako ng tissue para punasan ang luha at isinga ang mga sipon ko. Tinapon ko pa sa kanya ang tissue na ginamit ko sa ilong ko bilang pangganti sa ginawa niya noon.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon