Chapter 16: Soul Surrender

116 11 1
                                    

Mejo-SPG Chapter


Napikon ang pagkababae ko sa kanya. Hindi nito pinakonsensiya ang kanyang pagkalalaki nang dahil sa isang kapaguran. How Stupid!

Hindi ko nagawang iwan ang aking My Traigan sa paghihinaing nito dahil 'di ko gawain iyon. Instead, I stayed on him hanggang sa inabot kami ng gabi. May ilang pumunta rin saming mga kaibigan pero pinalagpas ko sila. My heart might be shattered into pieces, but it's still functioning.

"Umalis ka na. Hindi kita kailangan."

Pang-ilang ulit na niyang naisambit iyon sa akin ngunit isa lang ang sinasagot ko sa kanya....

"I won't tolerate you act like that."

...ay iyon naman ang nagpapatahimik sa sinasabi kong iyon. Minsan na rin niya akong sinabihan ng ganyan ngunit siya 'tong nag-iinarte sa mga ikinikilos niya. He surely is guilty as hell, lalo na't siya 'tong gumagawa sa isinasambit niya madalas.

Hanggang sa isinandal ko na ang ulo ko sa kanyang braso at hindi na siya nagreklamo pa. "Bethel, tigilan mo na 'to. Nagmumukha ka nang tanga."

Pilit ko mang gustong pabagsakin ang luhang kanina pang pinapatigil ng aking katapangan, ngunit ako ito. Ma-pride ako. I want it my way.

"Tanga lang, hindi swail." Pagpaparinig ko sa kanya. Nakatingin lamang ako sa himpapawid na madilim habang siya ay nakayuko sa nakapatong niyang siko sa kanyang magkabilang tuhod.

"Hindi ka ba napapagod?"

Mahinahon nitong sabi ng may pagsusukong tono. Alam ko ang ipinaparating nito at wala akong uurungan sa naging desisyon ko ngayon. Abutin man kami ng umaga sa ganitong posisyon, laitin man kami ng tao kagaya kanina noong natapos na ang laro, sila lang 'yon! Wala kaming kasalanan. Kasalanan lang nila ang mangbatikos sa nagmamahalang tulad namin.

"Hindi pinagpapaguran ang pagmamahal at lalo na't hindi inaartehan. Kailangan simple lang."

Napabuntong hininga naman ito ng malalim.

Bigla naman nag-ring ang aking telepono.

"May tumatawag. Sagutin mo naman."

Kunwa'y wala naman akong narinig  sa sinabi niya at patuloy pa ring naka-steady sa posisyon kong nakatitig lang sa himpapawid habang nakasandal sa braso nito.

"Tawag lang 'yan. Pagalitan man ako, napagtitiisan 'yan. Hindi nakakapagod ang maghintay lalo na pag mahal mo. Maghintay sila."

Alam kong ang tatay ko na 'yon ngunit ako 'tong matigas ang ulo, wala akong papakawalan ngayong gabi.

"Look, ano bang pwede—"

"Hindi ako titingin sa'yo. I don't want to look at you, I will forever just hear your complains. Kung pagrereklamaduhan mo ako, wala kang karapatan dahil pinariringgan ko lang 'yan sa tainga ko, hindi pinapakinggan."

Sa naisambit kong iyon, ay inalalayan naman niya ang malambot kong sarili at pinaharap ang sarili ko sa kanya. "Look, kung kasalanan ko 'to fine. Anong gusto mong gawin ko?"

Napangiti naman ako sa sinabi niya nang napahawak ako sa matabang pisngi niya. "Alam mo, ang gwapo mo kanina. Galit ka kasi."

Random kong sambit sa kanya nang napangiti ako sa narinig ko. "You're hot when you're mad."

I stated the fact, at ikinagulat naman niya 'yon. "Play mad with me."

Pinagkurba naman ako ng kilay nito at iniwasan ako sa masasamang titig niya.

"Please Bethel, you don't deserve this madness with me. You deserve at least your peace."

"Pero hindi ako matatahimik kung ikaw 'tong pumipigil sa katahimikan ko sa'yo. Ayoko ang nagda-drama ha? Sa'yo ko lang 'to ginawa."

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon