Chapter 6: Just Treatment

221 13 3
                                    

"Ano pa bang laban mo du'n sa babaeng kinakasama niya ngayon, e kita mo namang nasa anino na siya ng Traigan mo."


Pagbabasag realidad naman nito sa'kin nang binuksan nanaman nito ang usapan sa Kika na iyon. "Kaya ko lang siyang pisikalan pero aaminin ko ang hirap niyang talunin sa mga hirit niya. I just don't get that why My Traigan couldn't get off his shoes to that girl."


Umungol  na lamang ako sa inis ang pagkaalala sa babaeng iyon nang may naisip akong paraan to get rid of my anxieties.


"Ilibre mo na nga lang ako ng maiinom. Hindi mo naman ako kayang inisin o bwisitin e. Pinapabigat mo lang ang damdamin ko."


Dahil kahit papano alam kong may silbi naman talaga itong lalaking ito, ay pinagsamantalahan ko na lamang ang presensya nito. Mabait naman siya, madalas na mabait so I made sure that he will be with me on guard, temporarily.


May pagkabarat rin 'tong kasama ko. Mayaman naman ito pero sa isang pipitsuging inuman niya lang ako dinala para lang daw mahimasmasan ako ng mga galit ko sa mundo.


"Bakit kasi hindi pa sa Bar? Talagang dito pa sa tapat ng tindahan."


"Masyadong maraming lalaki do'n atsaka magpapapawi ka lang naman ng problema, hindi ang magsaya." Sabi naman nito nang tinungga ko na ng isang inuman lang ang beer sa harapan namin.


"...At alam kong mate-tempt ka lang du'n na humanap ng kapalit ng Traigan mo."


I hissed for a bad day hissing, especially for a tipsy girl like me; continually to feel okay even if I can't. "Hindi mangyayari 'yon. Alam mo namang hindi lang basta basta sinusukuan ang babaeng umaaligid sa kanya."


Pinaririnig naman nito sa'kin ang mga pagpoprotesta niya tungkol sa mga ginagawa ko sa buhay. Gumagawa siya ng tunog sa kanyang bibig. Tumagal iyon sa kakatungga ko ng tuloy tuloy na alak sa aking lalamunan, na minsang naisusuka ko rin dahilan na nabubulunan ako.


Tanging kung anu-anong tunog sa kanyang bibig na lamang ang naririnig ko sa pagsasalita nito. Pinaniningkitan ko pa nga ito ng aking mga mata dahil sa mga sinasabi nitong 'di ko na maintindihan.


Hilong hilo na 'ko nang naramdaman ko ang huling boteng ibinigay niya sa'kin. Bilang ko ang alak na binili nito, mga nasa otso. Tig-apat kami. Binilang ko pa iyon sa sarili kong mga daliri, pero bakit sa panghuli kong ito ay lumakas agad ang tama sa akin?


"Lasing na pala ako, Bricky. Ayoko nang uminom."


Nilason ata ako ng lalaking ito! Dati ay naalala ko na nakakaabot pa ako ng ilang bote para lang matuluyan nang malunod sa alak. Hindi na ako kasing galing magluto ng isang ina, kundi kasing galing na ako ng ama para sa pag-inom ng alak.


"Are you expecting me to carry you with those beers that you drank?"


"I decided to be drunk for you. Walang hiya ka kasi! Be shameful of yourself."


Alam ko namang alalay ko si Traigan sa mga drunken days ko, so I did expect na aalalayan niya rin ako ngayon sa pagdating niya.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon