1 | The meeting

459 7 1
                                    


Napakusot ng mata si Alex nang maramdaman ang init ng sinag ng araw na tumatama sa mukha nya. Agad syang napahawak sa ulo nya dahil sumakit ito. Tila tumitibok at parang binibiyak sa sobrang sakit.

Nakapikit nyang kinapa ang cellphone na nakalapag sa lamesa sa tabi ng kama, idinilat ang isang mata at tiningnan ang oras.

Napamulat sya nang makitang 12pm na. Tatayo na sana sya nang may mabigat na bagay ang nakadagan sa bewang nya. Napatingin sya dito at nanlaki ang mata nang makakita ng kamay.

Napalingon sya sa likod nya.

"Oh my gosh!" Hindi sya makapaniwala sa nakita. May katabi syang lalaki at nakayakap pa sakanya ito. Tulog na tulog at parang wala pang balak gumising.

Kaagad nyang tinanggal ang kamay nito sa bewang nya at napalayo. Tiningnan nya ang katawan nya sa ilalim ng kumot at mas lalong nanlaki ang mata na makitang wala syang saplot sa katawan.

Dali dali syang tumayo pero napaupo rin kaagad nang makaramdam ng sakit sa pangbabang bahagi ng katawan nya.

Omg! OMG! OH MY GOSH!

Masakit man ay pinilit nyang tumayo at dinampot ang mga damit nyang nakakalat sa sahig. Ngayon lang din nya napansing wala sya sa condo nya at hindi sya pamilyar sa mga gamit sa paligid.

Nagtatakbo sya papunta sa cr ng kwarto at doon nagbihis. Pagkabihis nya ay kinuha nya ang mga nakakalat na gamit na nahulog mula sa sling bag nya at mabilis na lumabas ng room.

---

"Gaga ka talaga, Alexandra! Anong oras na ngayon ka palang umuwi? Paano na yung interview mo nyan!" Sigaw sakanya ng kaibigang si Justin nang makarating sya sa condo nya. Nakaharang ito sa pinto at kanina pa sya hinihintay.

"Sorry na nga eh diba? Sige na papasok na ko!"

"Dalian mong maligo! Tingnan mo nga yang itsura mo napakagulo pa ng buhok mo nakipaglabing labing ka ba kagabi?!"

"Puta ka anong labing labing?!"

---

Nakarating si Alex sa tapat ng company na pag aapplyan nya. Pangalawang interview na sana ito kung hindi nya namiss yung isa kaninang umaga. So technically, ito nalang ang last shot nya para makakuha ng trabaho.

"Good afternoon, ma'am. Alexandra Bartolome po." Sabi nya kaagad sa front desk nang makapasok sya.

Tiningnan sya ng babae na nakataas pa ang kilay at chineck ang suot nya. Napatingin ito sa monitor sa harap nya at may tinype dito.

"Okay, miss. Sa 9th floor, kaliwa then sa pinakadulong pinto ang interview nyo"

Napatango sya at aalis na sana nang magsalita ulit ang babae.

"Miss. Baka gusto mong magpalit ng damit? Modelling company ang papasukan mo. Sure ka bang pantalon lang isusuot mo?"

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now